"IS THAT A JOKE?" sabi ko.
Nag iba naman agad ang awra nito pero hindi pa din inilalayo ang kanyang mukha sa harap ko.
"What? Do you think this is a prank or a joke to you?"
Ibinaba ko muna ang kubyertos na hawak ko at tumingin sa kanya ng tuwid.
"Yes. Can you blame?"
Sa sinabi kong iyon ay hindi agad s'ya nakapag salita.
"Bakit? Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa akin?" tanong nito at umalis sa harap ko at naupo ito sa upuan malapit sa kamang hinihigaan ko. "Yeah. I'm flirting so many girls but..." bumuntong hininga ito. "Yes, you're right, hindi pa siguro ito ang time para sa gusto ko" aniya at tumayo. Kinuha nito ang kanyang jacket na hinubad nito kanina.
"Enjoy your food. Sa labas lang muna ako. Call me if you need help or something and you can also call a nurse, para mas madali kang maasikaso. Just wait for Andrea, pabalik na iyon" he said and smiled at me. I know his smile isn't real. I can see the pain in his eyes.
"O-Okay." alanganin kong sabi.
May sasabihin pa sana ako sa kanya ngunit tumalikod na ito at pumunta na sa pintuan binuksan na niya ito upang makalabas na. Hindi ko na ito tiningnan hanggang sa makalabas na siya pero alam kong tumingin s'ya sa akin bago niya isinarado ang pinto. Kita ko ito sa gilid ng aking mata.
Hindi ko na itinuloy ang pagkain ko dahil nawalan na din ako ng ganang kumain. Kaya naman inimis ko na lang ito dahan-dahan lang ang pagbangon ko sa kama, medyo paikaika pa ako dahil ramdam ko pa rin yung sakit sa may balakang ko. Inayos ko ang mga pinagkainan ko sa lamesang nandito.
Pagkatapos ay dumiresto akong CR, napatingin naman ako sa salamin at kita sa itsura ko ang pagsisi sa sinabi ko kanina. Agad ko namang binuksan ang gripo dito sa banyo at binasa ang kamay bago naghilamos na rin. Tumingin ulit ako sa salamin.
"Should I say sorry to him?" tanong ko sa aking sarili.
"Claish?!"
Agad akong napatingin sa nakasaradong pintuan dito sa CR.
"Claish, where are you?" rinig kong sabi ni Andrea.
"CR!"
"Okay!" she shout.
Kumuha na ako ng tissue at ipinangpunas ko sa mukha at kamay.
Nakalabas na ako ng CR at nakita ko si Andrea na busy sa phone niya.
"What happened to Luke?"
"Bakit?"
"Matamlay kanina e. Tinanong ko s'ya pero sabi niya pumunta na daw ako dito kasi wala kang bantay. Tatanungin ko pa siya kung bakit pero sumakay na siya sa kotse niya. Nag away ba kayo?"
"Ang totoo Andrea sinabi niya sa akin na liligawan niya ako. Hindi kaagad ako nakasagot doon sa sinabi niya, medyo natawa pa ako at bigla na lang nag iba ang awra ng mukha niya"
"Why'd you say that? Malamang nasaktan 'yong tao kaya ganon. Dapat kasi Claish inisip mo munang maigi yung sinabi mo sa kanya. Medyo sensitive pa naman iyon"
"I- I don't know" yun lang nasabi ko.
"What's your plan?"
"Hindi ko alam. Siguro sasabihin ko na lang nang maayos at malinaw bukas para sa kanya"
Tumango ito. "That's good. Wala ba talagang pag asa yung tao?"
"Hindi ko alam Andrea. Naguguluhan ako"
"Saan?"
"Sa lahat"
"Hmm, let me ask you something. When Luke kiss you, anong naramdaman mo?"
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 1: ESCAPE TO YOU
RomanceYou can't escape to me baby. Trust me you can't.