CHAPTER SEVENTEEN

344 26 0
                                    

Natulala ako sa sinabi ni Louis sa akin, hindi ko magawang makapagsalita ngayon.

"Claish..."

Umiling ako "Louis s-sorry. I'm sorry but—" yun lang ang tangi kong nasabi sa kanya s'ya naman ay parang nawalan ng lakas.

"So meron nga?"

"S-sorry Louis I didn't mean to—"

"Shh! It's my fault, hindi dapat ako naging kampante na hindi ka magkakagusto sa iba" aniya at umiling iling. "Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko hindi ko napansin at naisip. All of this Claish, all of this just for you. I take engineering because of you, kasi sabi mo gusto mong mapaganda itong lugar na magkaroon ng magandang duyan, tree house na maraming ilaw..." aniya habang umiiyak hindi ko na din maiwasan ang umiyak.

"Ikaw ang naging inspirasyon ko sa lahat Claish. I said to myself that time gusto kong maging engineer para sa babaeng gusto ko. I want to see her face happy kapag pinakita ko na ito sa kanya, actually nagkatotoo naman iyon. Nang makita ko ang mukha mo kanina I'm so damn happy, na lahat ng hirap ko sulit kasi nakita kitang masaya kanina Claish gano'n kita kamahal pero ngayon ang hirap, sobrang bigat, na lahat lang pala ng ginawa ko mapupunta lang sa wala pero masaya ako na nakikita kang masaya, okay na ako doon na nasorpresa kita sa ginawa kong ito para sayo kasi na appreciate mo naman yung gawa ko" nakapikit na ako ngayon.

"My one and only goal in life is to make my girl happy," tumingin ito sa akin. "at ikaw 'yon Claish pero," umiling ito "pero sa 'yo hindi ako." nakapikit pa rin ako habang nagsasalita s'ya rinig ko ang paghikbi nito ayokong imulat ang mga mata ko dahil ayokong nakikita itong umiiyak ng dahil sa akin.

"Louis, I'm proud of you k-kasi nagawa mo yung ipinangako mo sa akin. Masaya ako kasi naging parte ako ng inspirasyon mo, pero hindi pa naman dito nagtatapos yung pagkakaibigan natin 'di ba?" tanong ko sa kanya nakatungo pa rin ito hanggang ngayon.

"I don't know Claish, hindi ko alam kung kaya ko"

"Louis—"

"Siguro aayusin ko muna yung sarili ko. Pero kung 'yan ang gusto mo. I will be your best friend forever my Clai Clai" sabi niya at lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya hindi ko napigilan ang mapaiyak.

"Promise me. You will not leave me"

"I promise" sabi niya at niyakap na rin ako. Sa pagkakayakap ko sa kanya ay may naaninag akong babae sa may puno sa di kalayuan. Kita ko ang basa nitong pisngi dahil kumikislap ito sa liwanag. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay mabilis itong tumakbo, tatayo na sana ako para tingnan ang babae pero mahigpit akong niyakap ni Louis.

Sino siya?

Tumingin ulit ako sa parte na nakita ko s'ya pero wala na ito.

"Sorry" aniya at lumayo na sa akin. Sumulyap ulit ako sa pwesto ng babae kanina at tumingin din s'ya don.

"Ano 'yon Claish?"

"Ah m-meron kasi akong nakitang babae sa punong 'yon kanina" sabi ko at itinuro ko kung saan ko ito nakita kanina.

"Baka namamalikmata ka lang"

"Baka nga"

"Alam ko Claish mahirap tanggapin pero sure kana ba sa nararamdaman mo sa kanya?"

"Louis hindi kaba—"

"Ayos lang Claish gusto kong malaman, gusto kong malaman kung nasa tama kabang tao"

"Tell me"

"I like him, yeah but seeing you crying makes me feel that I'm not a good bestfriend to you."

"Hush, naging kampante kasi ako na hindi ka mapupunta sa iba at kung siguro hindi ako umalis sa tabi mo gano'n pa din siguro ang mangyayari Claish. Mahirap kalabanin ang tadhana pero sana maging masaya ka sa kanya. I want to meet him, para masigurado ko na hindi kanya sasaktan, at mas lalong hindi ka iiwan at lolokohin dahil pag ganoon ang nangyari hindi ako magdadalawang isip na kunin ka sa kanya. Remember that, Claish" aniya at tumingin sa mukha ko.

DOCTOR SERIES 1: ESCAPE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon