Chapter 2

110 10 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Kamusta ang mga paninda mo? Ubos ba?" Nakangiting tanong sa'kin ni Tatay pagkapasok ko ng ward. Wala siyang kasama ngayon dahil nilalagnat daw si Amanda .. tapos si Nanay naman ay may aasikasuhin daw. Psh. Alam ko namang magsusugal lang yun

Agad na napasimangot ako at pabagsak na naupo sa edge ng kama niya. "Hindi po. Twenty pa po ang tira"

Kumunot ang noo niya at parang hindi makapaniwalang tiningnan ako. "Bakit? Alas sais na ng gabi ah. Kaninang umaga ka pa nagsimulang magtinda"

Umismid lang ang labi ko at hindi na nagsalita. Naiinis ako. Yung bwisit kasing lalaking umorder sa'kin kagabi ng twenty pieces na shanghai ay hindi ko man lang nakita buong maghapon. Nilibot ko na ata ang buong ospital pero hindi ko man lang siya natunton. Sayang yung paninda ko. Siguradong hindi na mabibili 'tong mga to dahil malambot na at hindi na masarap.

Gumising pa naman ako ng madaling araw kanina para mamalengke at magluto tapos ganito lang ang mangyayari? Lugi na ako sa pagod, lugi pa ako sa puhunan. Nakakainis.

Bakit ba kasi nagtiwala ako sa gagong yun? Malamang pinagtripan lang niya ako. Ganun naman ang mayayaman pag bored e.

"Sige na. Umuwi ka na muna sa bahay para makapagpahinga ka. Naayos mo ba yung mga requirements mo sa school?"

"Ipapa-photocopy na lang naman po ang mga yun. Sa Monday ko na lang po gagawin para hindi magusot"

"Ganun ba? Mabuti naman. Sige na .. magpahinga ka na muna sa bahay. Namamayat ka na, Zygel"

"Psh. Wag niyo na nga po akong tawagin ng ganyan. Kaya sinasabi ng mga kapatid ko na ako ang paborito mong anak e .. ako lang ang tatluhan ang pangalan" tigdadalawa lang kasi sila. As if naman natutuwa ako sa pangalan ko .. ang haba kaya. Nakakatamad magsulat.

Natawa lang si Tatay at inabot ang pisngi ko para pisilin. "Bagay naman sa'yo ah. Di'ba nga, bukang liwayway ka ipinanganak kaya Dawn. Tapos yung Andrea naman Nanay mo ang nagbigay sa'yo"

"E yung Zygel po?"

Ngumisi si Tatay sinenyasan akong lumapit sa kanya. "Crush ko yun dati. Wag kang maingay sa nanay mo ha"

Natawa at napailing na lang ako sa kakulitan niya. "Tatay talaga. Dito na lang po ako ngayong gabi ha. Wala po kayong kasama e"

"Okay lang naman ako dito. Mas makakapagpahinga ka sa bahay. Saka baka mahulog pa si Angelika dun sa higaan niyo dahil walang katabi. Malikot pa namang matulog yung batang yun"

"Di naman po siguro yun papabayaan ni Nanay"

Napabuntong hininga na lang si Tatay. "Naku ang nanay mo pa"

Kahit anong pilit ni Tatay na pauwiin ako ay hindi ko ginawa. Mas mag-aalala kasi ako dahil wala nga siyang kasama dito ngayong gabi.

Bumili na lang ako ng limang pisong kanin sa karinderya sa tapat tapos yung mga shanghai ko na lang ang inulam ko. Namigay din ako dun sa mga kasama namin sa ward dahil hindi ko naman kayang ubusin yung 20 pieces. Sayang tuloy yung 100 pesos ko .. bwisit talaga yung lalaking yun!

Matapos kumain ay yumukyok na lang ako dun sa gilid ni Tatay. Antok na antok pa rin kasi talaga ako. Alas tres kasi ako gumising kaninang madaling araw .. tapos naglakad pa rin ako papunta dito sa ospital para makabenta na rin.








Ganun ang naging routine ko habang nasa ospital si Tatay. Tuloy pa rin ako sa pagtitinda .. pero hindi na shanghai. Mga pang breakfast na gaya ng sopas, lugaw or champorado .. naging suki ko na kasi yung ibang dalaw dito sa ospital. Nakakarating ako dito ng 7 am .. tapos mga 8 am ay ubos na agad ang paninda ko. Ang saya! May naipambili kami ng gamit sa school.



Nothing But DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon