Dawn Zygel Andrea's
Nangingilid ang luhang dinamba ko si Kayceelyn nang makita ko siyang naglalakad papasok ng gate ng school.
Fourth year na kami ngayon at ang saya-saya ko dahil sa wakas ay bumalik na siya dito. At bonus pa na kaklase ko siya ngayong last year ko sa high school.
"Hay naku, Andeng! Hindi ka pa rin talaga nagbabago" natatawang sabi niya at yumakap na rin. Nung talagang nagtext siyang malapit na sya sa school ay nagtatakbo na ako papunta dito sa may gate para sunduin siya.
"Miss na miss kitang babae ka! Ang dami kong kwento sa'yo .. at magkwento ka rin ng marami sa'kin!"
"I missed you too. Kamusta ba kayo dito?" Hindi pa rin talaga nawawala ang kahinhinan niya .. pero nararamdaman ko ring may nagbago sa kanya. Parang mas confident siya .. dalagang dalaga na ring kumilos.
"Naku ang titigas pa rin ng ulo ng mga lalaking yun! Lagi ko ngang kinukutusan e. Suki sa guidance office kakacutting" inis na sabi ko habang naka-angkla sa braso niya. Naglalakad na kami ngayon papunta sa building ng seniors.
Parang mas maraming enrollees ngayon. Dinadagdagan na rin ang mga building kaya medyo makalat dito ngayon. Ang balita ko kasi, next year daw ay iba na ang curriculum. Start na daw ng K-12 .. from grade 7-12 daw yun. Kamalasan, inabot pa si Angelika.
"Sadyang makukulit ang mga yun. Kayo ni Lynard? Kamusta?" Umismid ang labi ko nung binanggit niya si Antonio. Naiinis kasi ako sa lalaking yun.
Nung summer vacation kasi ay nagbakasyon sila sa Abu Dhabi .. at hanggang ngayon ay di pa sila nakakauwi. Ang sarap sapakin .. lagi na lang akong pinaghihintay.
"Ayon, next week pa ata makakapasok. Napasarap ata sa bakasyon" sila na ang rich .. kung saan saan na lang sila pumupunta tuwing bakasyon.
"Aba! Kayceelyn! I miss you, princess" nakangising bati ni Hans nung nakita kami. Pabirong ginulo niya ang buhok ni Kaycee na natatawa na lang. Laging princess ang tawag nila sa'ming dalawa .. prinsesa daw nila kami e. Ganyan kasweet ang mga yan .. gago lang talaga.
"Kinalimutan na ata tayo ni Kay. Di man lang tayo dinalaw dito last school year" nakangusong sabi ni Miguel kaya kinurot siya ni Kaycee sa braso.
"Silly. Para namang di mo kilala ang mommy ko"
Napangiwi si Miguel at kinuha na ang gamit niya. "Tara, hatid na namin kayo sa room niyo. Wala pa sina pareng Jerick at Lynard e" sabi niya at nauna nang umakyat ng hagdan.
Sa third floor pa kasi ang room namin .. samantalang sila ay dito sa second floor. Hindi sila magkakaklase pero magkakatabi ang room nila. Si Jarred naman, kaklase namin ni Kay. Grabe ang lokong yun .. hataw sa grades. Magaling ang tutor e.
"Naku, Andeng! Di mo ba nabalitaan?" Napalingon ako kay Hans na nakasunod din sa'min. Seryoso ang mukha niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Ang alin?"
"Sa Dubai na mag-aaral si Lynard"
Napakunot ang noo ko at kumuyom ang mga kamay ko. "Sasapakin kita, Honesto! Bakit di siya nagsabi sa'kin? Saka enrolled na siya dito .. sayang ang binayad niyang tuition fee! Di siya pwedeng mag-aral dun!"
"Oo nga. Tumawag sa'kin kagabi. Kami na nga daw ang bahala sa'yo. Ang ligalig mo daw kasi .. nabingi tuloy yung tenga niya" seryoso pa rin yung way ng pagsasalita niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at sinipa ko siya sa may hita. Yun lang ang abot ng biyas ko e.
Kahit na alam ko namang pinagtitripan lang ako ni Hans ay nangilid ang mga luha ko. Paano nga kung di na siya umuwi? Paano kung magsawa na siya sa'kin dahil nakakita na doon ng mas maganda?
BINABASA MO ANG
Nothing But Dawn
General FictionAt an early age, Andrea already knows her responsibilities in life. She's the breadwinner of her family. Family is the first in line in the list of her priorities. Her main goal is to give them a comfortable life. She gave everything until she forg...