Dawn Zygel Andrea's
Matapos kong masiguro na okay na ang pamangkin ko ay saka pa lang ako bumalik ng Manila para ituloy ang trabaho ko. Nasa isang linggo din akong on leave dahil talagang nag-aalala ako para sa bata. Ang liit liit pa niya para danasin yung ganun.
Dahil rin doon ay ang laki ng nagastos namin at kulang na kulang pa ang ipon ko. Sa totoo lang ay nag-offer sina Tita Lanie na libre na lang daw ang lahat pero hindi ako pumayag. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila sa sobrang hiya pag tinanggap ko pa ang tulong na yun.
Kaya heto ako ngayon, muling nagbabanat ng buto para mabayaran ang mga nautang namin. Hindi na naman ako makatulog sa gabi sa kakaisip kung saang kamay ng Diyos ko kukutkutin ang pampadala kong sustento sa pamilya. Nakakabaliw na.
Andiyan yung iniisip ko pa ang pantuition nina Amanda at Angelika pati na rin nung mga bata, yung hulog sa bahay, yung pang therapy ni Mattheus at yung mga panggamot ng mga magulang ko at ni Alexandria. Ang gulo. Ang sakit sa ulo. Nasaid kasi talaga ang savings ko.
"Hoy ano na?! Ikaw na lang ang hinihintay dun! Puntahan mo na!" Singhal sakin ni Lizette. Narito kami sa isang coffee shop malapit sa network na pinagtatrabahuhan ko. Kakatapos ko lang kasing magreport sa opisina. Di naman inaasahang nakasalubong ko si Lizette kaya ayan, pinipilit na naman niya akong patusin na yung play sa London.
Bumuntong hininga ako at sumimsim ng kape bago siya sinagot. "Naguguluhan pa ako. Di pa ako makapagdesisyon"
"Ano bang pinoproblema mo? Sabi mo kailangan mo ng pera? Ayan na nga! Malaki ang kitaan diyan! Bakit ba ayaw mo pa? Sayang yung opportunity!"
"Ang layo nun! Paano ang pamilya ko dito?" Napayuko na lang ako. "P-paano si Antonio?"
Tumaas ang kilay niya. "Akala ko ba hindi naman kayo? Para namang naglolokohan lang kayong dalawa e"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Grabe ka naman. Porket wala kaming label, naglolokohan na?! FYI, totoo yung feelings namin sa isa't-isa!"
"Okay fine! Edi magaling! Pero kung totoong mahal ka nga niyan, papayagan ka niyan if ever na tinanggap mo nga yung opportunity" kibit balikat na sabi niya kaya muli akong napabuntong hininga.
"Yun na nga e. Alam kong papayag siya" lagi namang ganun ang lalaking yun. Sobrang selfless. Yung alam ko namang kahit hindi niya gusto ang desisyon ko ay papayag pa rin siya basta alam niyang masaya ako. Ayoko nang maging unfair sa kanya. Natatakot akong baka magsawa siya. Hindi ko kayang mawala siya sa'kin.
"O yun naman pala e. Ano pang problema mo?"
"Hindi mo kasi naiintindihan"
"Look, bakla. Bibihira yung ganitong opportunity kaya wag mo nang palampasin pa. Makakatulong 'to sayo at sa pamilya mo. Kung si Lynard ang inaalala mo, pasunurin mo dun. Mayaman naman yun"
"Sira. Ayoko namang itigil niya yung buhay niya para sa'kin. Gusto kong matupad din niya yung mga pangarap niya"
"Ewan ko talaga sa'yo. Namomroblema ka, wala naman kayong relasyon. Pag-isipan mo nang mabuti yung offer. Aalis na ata si Mr. Evans next month" muli akong napabuntong hininga at pabagsak na sumandal sa sandalan ng kinauupuan ko.
Sa totoo lang ay natutukso talaga akong tanggapin yun dahil ngayon pa lang ako gagawa ng bagay na gustong-gusto ko, at the same time ay makakatulong pa ako sa pamilya ko. Alam kong sasaya ako dun .. pero paano naman yung maiiwan ko dito sa Pilipinas?
"Alam mo, bakla .. kung kayo talaga ni Lynard ang para sa isa't-isa, kahit ilang dekada kayong hindi magkita, magtatagpo at magtatagpo pa rin kayo sa dulo. You're both too young .. mag-explore muna kayo. You both need to grow. Pag okay na lang lahat at pwede na, edi saka kayo magpakasaya"
BINABASA MO ANG
Nothing But Dawn
General FictionAt an early age, Andrea already knows her responsibilities in life. She's the breadwinner of her family. Family is the first in line in the list of her priorities. Her main goal is to give them a comfortable life. She gave everything until she forg...