Dawn Zygel Andrea's
"Ano na namang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Antonio habang nakataas ang isang kilay. Pagkalabas ko kasi ng kwarto ay nakita ko na agad siyang nakaupo sa luma naming sofa dito sa sala. Parang at home na at home siya dito sa bahay namin.
"Susunduin ka" nakangiting sabi niya.
Parang ang taas pa rin ng energy niya samantalang kagabi ay alas otso na ata nakauwi si Tatay mula sa pagtitinda. Gaya kasi ng sabi niya ay sinamahan nga niya si Tatay kagabi at hinatid rin niya dito sa bahay. Alam ko dahil gising pa ako ng mga oras na yun.
"Ang aga pa kaya. Anong oras ka na natulog kagabi tapos anong oras ka gumising kanina? Gusto mo bang magaya sa'kin?!"
"9 ako natulog kagabi tapos 4 ako gumising kanina. 7 hours ang tulog ko .. di na masama yun" katwiran pa niya kaya inis na inirapan ko na lang siya at humarap na sa salamin para mag-ayos. Buti na lang at nung dumating siya ay nakaligo at nakabihis na ako.
Matapos kong mag-ayos ay pumasok ulit ako ng kwarto para tulungang magbihis si Angelika. Si Amanda naman ay kahit buntis ay pinatutuloy pa rin ni Tatay sa pag-aaral kahit hanggang March na lang muna. Para kahit papaano ay matapos na niya ang 3rd year high school.
Nung nasiguro kong okay na si Angelika ay kinuha ko na ang gamit ko at naghanda na sa pag-alis. Ang gaan ng pakiramdam ko .. siguro ay dahil nakapagpahinga ako ng ilang araw.
Paglabas ko ng kwarto ay tumayo na agad si Antonio at naghanda na rin sa pag-alis. Nakita ko pa si Tatay na tulala na namang nagkakape sa terrace namin.
Nakangiting lumapit ako sa kanya para magmano. "Tay, aalis na po kami. Okay na rin po si Angelika .. hinihintay na lang po niya si Ate Amanda"
Nakigaya din sa'kin si Antonio sa pagmamano kay Tatay. "Mamaya po ulit, Tay ha" nakangising sabi niya.
Ngumiti naman si Tatay at tinapik ang balikat niya bago bumaling sa'kin. "Sigurado ka bang kaya mo nang pumasok?" Tumango ako kaya napabuntong hininga siya. "O siya sige na. Baka malate pa kayo .. mag-iingat kayo ha"
Matapos kong humalik sa pisngi ni Tatay ay hinigit ko na ang manggas ng polo ni Antonio. Pagkalabas namin ng gate ay agad kong hinampas ang balikat niya kaya napangiwi siya.
"Aray naman, Dawnita" nakangusong sabi niya habang hinihimas ang parteng hinampas ko.
Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. "Ano ba talagang kailangan mo sa'kin?!"
Natigilan naman siya at pagkuwa'y napabuntong hininga. "Wala. Gusto ko lang tumulong"
Dahil sa sinabi niya ay napayuko na lang ako. "N-naaawa ka ba sa'min?"
Ayoko kasi yung pakiramdam ng kinakaawaan. Kaya nga nagsisikap ako e .. para makabangon ulit kaming pamilya. Gusto kong mabigyan sila ng maayos na buhay at gusto ko ring dumating yung panahong hindi na namin iisipin kung may kakainin ba kami kinabukasan.
Sinapo ni Antonio ang mukha ko kaya sapilitang napatingin ako sa kanya. Masuyong ngumiti siya at gaya ng palagi niyang ginagawa ay pinisil pisil niya ang pisngi ko. "Di'ba sabi ko, gusto ko lagi nakangiti ka?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Sagutin mo muna ang tanong ko!"
Tinitigan niya ako sa mga mata. "Hindi ako naaawa sa inyo, Dawnita. Gusto ko lang talagang tumulong sa inyo sa abot ng makakaya ko"
"Bakit nga? Ano bang trip mo? Bored ka ba? Wala pa ngang isang taon tayong magkakilala e"
Bumuntong hininga siya at nag-iwas ng tingin. Binitawan din niya ang pisngi ko at napakamot sa batok niya. "G-gusto ko lang makipagkaibigan"
BINABASA MO ANG
Nothing But Dawn
Fiksi UmumAt an early age, Andrea already knows her responsibilities in life. She's the breadwinner of her family. Family is the first in line in the list of her priorities. Her main goal is to give them a comfortable life. She gave everything until she forg...