Chapter 9

86 7 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Cutting pa, Antonio. Tingnan mo ang layo na ng section mo" pang-aasar ko sa kanya nung nahanap na namin ang mga sections namin.

Section 2 ako samantalang siya ay section 5. Sa ibabang floor pa sila. Kami lang ni Jarred ang magkapitbahay ang room dahil nasa section 3 naman yung isa. Walang magkakaklase sa'ming magkakaibigan dahil sinadya na ata ng management na paghiwa-hiwalayin silang mga pasaway.

"Okay lang yun .. ang mahalaga, pumapasok" katwiran naman niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Ayusin mo ang buhay mo ha. Maawa ka sa nagpapa-aral sa'yo!"

Napakamot naman siya sa ulo niya. "Oo na po. Pasok ka na .. pupunta na ako sa room. Magrereview"

"Anong rereviewhin mo? First day of school. Sasapakin talaga kita"

Ngumisi lang siya at pinisil ang pisngi ko. "Joke lang. Lagi ka na lang high blood e. Umis muna"

Inirapan ko lang siya at pinalis ang kamay niya bago pumasok sa room namin. Kaunti pa lang yung kakilala ko dahil yung iba sa kanila ay kaklase ko nung second year habang yung iba naman ay mga kaklase ni Kaycee noon.

Muli akong nalungkot. Kung di lang sana nagtransfer si Kaycee, baka magkaklase kami ngayon. Sayang naman .. miss na miss ko na yung babaeng yun.

Napatingin ako sa pinto at nasapo ko na lang ang noo ko nung pumasok doon si Jamaica. Mukhang kaklase ko pa ata siya ngayon.

Nang magtama ang mga mata namin ay inirapan niya ako at padabog na naupo doon sa medyo unahang part. Hindi ko alam kung bakit parang ang laki pa rin talaga ang galit niya sa'kin. Ang tagal na rin nilang break ni Antonio e .. ilan na rin ang nabalitaan kong naging boyfriend niya .. bakit ang bitter pa din?

Wait, ibig sabihin matagal na ring single si Antonio? Wala akong nababalitaang girlfriend niya or nililigawan e. Sa pagkakakilala ko pa naman dun, babaero. Halata naman dahil bolero siya. Saka yun din ang kwento sa'kin ni Kaycee dati.

Baka naumay na kaya nagtino. Mabuti yun .. mag-aral muna siya bago manlandi.




"Nasaan si Jerick?" Takang tanong ko sa kanila pagdating namin sa tambayan namin. Sinundo kasi ako ni Antonio sa room para sabay-sabay ulit kaming maglunch. Sagot ni Miguel ang lunch namin dahil nagbirthday pala siya nung bago magpasukan.

"Naghahasik ng lagim" tatawa-tawang sabi ni Hans kaya kunot noong tumingin ako kay Antonio para magtanong. Nagkibit balikat lang naman siya at tinuon ang atensyon sa pagsasandok ng pagkain ko.

"Kaklase ko si Jamaica" sabi ko na lang. Napataas naman ang isang kilay niya at inilapag sa harap ko ang sinandok niyang pagkain ko.

"Inaaway ka ba?"

"Hindi naman. Pero parang mainit ang dugo sa'kin. Lagi na lang nakairap"

Natawa siya at napailing. "Ganun lang talaga yun .. pero mabait naman yun"

Napasimangot na lang ako sa sinabi niya at padabog na kinuha ang kutsara't tinidor. Tahimik lang akong kumain habang nag-iingay sila nina Miguel. Ilang sandali pa ay dumating na si Jerick na amoy pabango pa ng babae. Nakusot ko na lang ang ilong ko dahil ang sakit sa ulo .. ang tamis ng amoy.

"Tangina, lipstick ba yan?" Sita sa kanya ni Miguel habang naniningkit ang mga mata at nakaturo sa kwelyo ni Jerick na nagkibit balikat lang at tahimik na kumain.

"Gutom na gutom ah" tatawa-tawang sabi ni Hans sabay lapit pa ng kaldero kay Jerick.

"Dawnita --"

Nothing But DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon