Dawn Zygel Andrea's
"Hoy, bakla! Anong pasalubong mo sa'kin?!" Agad na tanong ni Lizette pagkapasok ko ng dressing room. Kakagaling ko lang sa Quezon para sa isang shoot tapos ay dumeretso na rin agad ako dito dahil may rehearsals kami.
"Pinagong saka tikoy. Sa Quezon lang naman ako galing e" inabot ko sa kanya ang paper bag na naglalaman ng mga pasalubong ko. Lagi kasi akong pinapabaunan ng mga locals mula sa lugar na pinupuntahan ko ng mga native delicacies nila kaya laging nakaabang sa'kin si Lizette sa tuwing dumadating ako.
"Ano ka ba?! Lamang tiyan din 'to no. Andiyan na pala yung script mo" inginuso niya ang vanity mirror kung saan ako lagi nag-aayos at nakita ko nga doon ang isang folder.
Lumapit ako doon at naupo habang binabasa ang script ko. Pangalawang play ko na 'to kaya medyo sanay na rin ako at napalapit na sa mga kasamahan ko. Sa tuwing nakakaramdam ako ng pagod sa trabaho ay dito ako pumupunta para magrelax. Ewan, parang narerecharge yung kaluluwa ko pag nasa stage ako kaya kahit pagod ako sa byahe ay mas pinipili ko pa ring pumunta dito. Gaya ngayon. Hindi pa ako nakakauwi man lang sa apartment pero dito na ako dumeretso. Nabwisit kasi ako sa staff namin kanina dahil mali yung info na ibinigay sa'kin. Buti na lang at nabasa ko muna yung script bago ako isalang sa camera. Mababash pa ako sa ginagawa nila e.
Minsan nga, naiisip kong magquit na sa trabaho ko at magfulltime na lang sa theatro dahil mas masaya ako dito pero, ang laki kasing tulong ng trabahong yun lalo na pagdating sa pinansyal na pangangailangan namin. Mas nakakatulong ako sa pamilya ko ngayon. Napag-aaral ko ulit sina Amanda at si Angelika pati na rin ang mga pamangkin ko, nakakapag-theraphy si Mattheus, nabigyan ko ng puhunan si Adelaida para sa sari-sari store business niya, nakabili na ako ng medyo maayos na bahay kahit na hulugan, at higit sa lahat, nabibili ko yung mga pangmaintenance na gamot nina Nanay at Tatay. Ganun na lang ang pakunswelo ko sa sarili ko kahit na alam kong hindi na ako masaya sa ginagawa ko.
Nakakasawa na kasing ngumiti sa harap ng camera kahit na alam mong hindi ka talaga masaya. Nakakasawang ipakita na nag-eenjoy ka sa mga pinupuntahan mo kahit hindi naman talaga. Pero sabi ko nga, bawal ang maging maarte pag kailangan ng pera.
"Kaya mo pa bang mag-rehearse? Pwede namang magpahinga ka muna" sabi sa'kin ni Lizette pagkaupo niya sa tabi ko. Nilalantakan na niya agad ang tikoy na dala ko kanina.
Nagkibit balikat ako. "Kakaunti lang naman yung part ko e. Mostly kantahan lang talaga kaya di na kailangang sauluhin"
"Sabi ko naman sayo, magresign ka na doon sa trabaho mo para hindi ka na napapagod!"
"Gaga ka! Anong ipapakain ko sa pamilya ko, damo? Magaling sana kung ganun din kalaki ang kinikita ko dito e"
"Paano pag nangibang bansa tayo? Sasama ka ba? Malaki ang kita dun! Yung isang taon mong kita sa TV network na yan, kikitain mo lang dun ng ilang buwan!"
Napataas ang kilay ko. "Saang bansa naman?"
"London. Balak ko kasing mag-audition sa isang play na nakatakdang ipalabas next year e. Magkakaroon sila ng audition dito sa Pinas and take note, kakilala ni Ma yung producer nila! Ano sasama ka ba sa'kin?!"
"Kayanin kaya natin yun? Ang daming ibang magagaling e!"
"Kaya nga itatry. Kung hindi mapipili edi hindi. Wala namang mawawala e. Ano? Sasabihan na kita pag nakahagilap na ako ng update about sa audition ha"
"Sige. Try lang naman e" balewalang sabi ko at dinukot ang phone ko sa bulsa dahil nagba-vibrate.
Napabuntong hininga na lang ako nung nakitang number ni Angelika ang tumatawag. Siguradong si Adelaida to o di kaya ay si Tatay dahil hindi pa naman kami nag-uusap ulit ni Angel simula nung umalis ako doon nung pagkagraduate ko. Hindi pa rin ako umuuwi doon kahit na dumaan ang pasko at bagong taon. Hindi ko naman itatangging nasasaktan pa rin ako pero wala na naman akong galit na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Nothing But Dawn
General FictionAt an early age, Andrea already knows her responsibilities in life. She's the breadwinner of her family. Family is the first in line in the list of her priorities. Her main goal is to give them a comfortable life. She gave everything until she forg...