KABANATA 3

142 30 1
                                    

 Mukha ng Bukas

SA KALAGITNAAN ng klase ay biglang tumunog ang cell phone ni Macky at napalingon ang kaniyang mga kaklase maging ang kanilang instructor. Tinaasan siya ng kilay nito na parang sinasabing 'sasagutin mo ba ang tawag o hahayaang ma-interrupt ang klase.' Bagnot niyang kinuha ang maingay na cell phone mula sa bag at pinatay ang tawag. Bumalik naman sa kaniya-kaniyang gawain ang iba ngunit hindi ang kanilang instructor na matalim parin ang tingin kay Macky.

"Next time please turn off your phone." Malumanay ngunit may diin nitong saad bago nagpasyang ipagpatuloy ang naputol na diskusyon. Napatungo na lamang si Macky hindi dahil sa kahihiyan kundi dahil sa caller. Hindi niya talaga ako titigilan! anang isip niya.

Maya't maya ang pag vibrate ng kaniyang cell phone kaya't tuluyan na siyang nainis at napatayo na lamang bigla dahilan upang makuha na naman niya ang atensyon ng mga naroon.

"Yes Mr. De Leon. I think you have an idea." Wika ng kanilang nakataas-kilay na instructor. Nag-aalanganin pang ibuka ni Macky ang kaniyang bibig sapagkat hindi niya alam ang sagot. Kainis naman oh! pikit mata niyang sinalubong ang mga tingin ng mga naroon.

"Louder please Mr. De Leon." Utos pa nito na habang nagko-cross arm at halatang naiinip kakahintay sa kaniyang sagot.

"I—I have to go out Ma'am." Iyan na lamang ang tanging lumabas sa kaniyang bibig. Narinig niya ang mahinang hagikhik ng kaniyang mga kaklase, maging ang kanilang guro ay napailing na lamang. Walang kung ano'y agad siyang lumabas ng classroom at mabilis na tinungo ang parking lot na hindi kalayuan sa kanilang building, sumakay siya sa kaniyang big bike at mabilis na umalis sa campus, hindi man lamang nakaaksyon ang mga nagbabantay sa gate.

"Bwesit!" inis niyang sigaw sabay hagis ng paint brush sa kung saan. Kanina pa siya nagpupuyos sa galit dahil hindi niya maayos ang pagpinta sa pader. Mula pagkabata ay nakahiligan na niya ang pagpinta ngunit ayaw ng kaniyang ama sapagkat para sa kaniya ay wala siyang mahihita rito, may negosyo naman sila at iyon ang nais ng kaniyang ama, ang ipagpatuloy ito, bagay na kinaiinisan niya rito sapagkat puro na lamang ito negosyo. Kung kaya't patago siyang nagpipinta.

"Buong buhay ko wala na kayong ginawa kundi diktahan ako!" sigaw pa niya. Hindi siya iyong tipo ng tao na showy kung kaya't sinasarili niya lamang ang problema. Ayaw niyang kinakaawaan siya at ayaw niya ng atensyon.

"Pare-pareho kayong lahat!" kasabay ng pagtapon ng isang balde ng pintura sa dingding kung saan nakapinta ang ginagawa niyang graffiti na 'De Leon' gamit ang makukulay na pintura at ngayo'y nabahidan na ng itim.

Nanatili muna siya roon upang magmuni-muni at pahupain ang damdamin habang sumisinghot ng weed. Ayos sana kung may kasabay siya ngunit ayaw niyang malaman ni Irene ang kaniyang problema upang sa huli kung magkasisihan man ay wala siyang ibang sisisihin kundi ang kaniyang sarili. Si Irene, ang babaeng tumanggap sa pagkatao niya, ang babaeng naging katuwang niya sa mga ganitong bagay ngunit ayaw niyang idamay ito sa problema niya dahil may problema rin ito ngayon.

Maya't-maya ang pagtunog ng kaniyang cell phone kaya agad niyang sinagot ang tawag, tiningnan niya muna ang caller at nagpapasalamat siyang hindi ito ang caller na tumawag sa kaniya sa classroom. Pinakalma niya muna ang sarili bago nagpasyang magsalita.

"You need something love?" tanong niya sa kausap. Narinig niya mahihina ngunit malulutong na mura mula sa kausap.

"Tangina! Nasaan ka ba? Kanina pa ako naghihintay sayo rito sa parking lot?" inis nitong tanong. Napahilamos na lamang siya sa mukha, nakalimutan niyang sabay nga pala silang uuwi sapagkat may gig pa silang pupuntahan mamayang gabi.

"May binili lang ako saglit sa labas, diyan ka lang babalik na ako." Mahinahon niyang tugon rito. Narinig niya ang pagbuntong-hinga ng kausap.

"Bilisan mo ah, baka ma-late tayo sa gig." Naging malumanay na ang boses nito kung kaya't napangiti ng walang sa oras si Macky sa biglaang good mood nito.

Irene Sandoval (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon