KABANATA 13

69 9 5
                                    

...................KABANATA 13 Nakaw na sandali...................

Iwas na iwas parin si Irene sa binata at talagang pinanindigan ang usapan nila ng boyfriend niyang si Macky, napilitan pang umupo sa unahang bagahi ng row upang hindi siya kulitin ng binata. Naramdaman ito ni Zain ngunit sadyang trip niya lang kulitin ang dalaga, nasisiyahan lang na makita itong naiinis. Hindi matatapos ang araw na ito hangga't hindi siya umaaming gusto niya rin ako. Anang isip niya na talagang palihim pang ngumiti.

"Irene, pakopya nga ako sa math." Ani niya at tumabi sa dalaga, inirapan lamang siya nito at lumipat ng ibang seat na malayo sa sa kaniya, napakamot na lang siya sa batok.

"Busted..." tudyo ng kanilang mga kaklase. Sinagot naman niya ito ng malaking ngisi at muling nilapitan si Irene.

"Wuy, kausapin mo naman ako." Kalabit niya rito, muli ay nakatanggap ng ismid mula sa dalaga, Zee kunting tiis, mapapaamin mo na rin siya. "May gusto ka sa'kin kaya moa ko iniiwasan ano." Nagulat siya sa paghampas nito sa mesa at tumingin ng diritso sa kaniya, hindi naman nakaligtas sa mga tenga niya ang bulungan at tudyuan ng mga kaklase.

"Putik! Sabi nang layuan mo na ako!" inis nitong sambit at nagmamadaling lumabas ng classroom dala ang kaniyang mga gamit. Sirang-sira na ang araw niya dahil mula pa kanina ay hindi niya nakikita si Macky, ni hindi rin ito nagparamdam sa kaniya ilang araw n amula nang magkausap sila, she's hoping na sana ay hindi nito kasama si Suzette.

"SANDALI!" mariin siyang napapikit sa inis, inuubos talaga neto ang pasensya ko!

"Bingi ka ba o sadyang bingi ka lang talaga, sinabi nang layuan mo na ako!" inis niyang sambit. "Look Zain, I don't want to ruin my life, just please stay away from me, from us, wala akong gusto sayo dahil si Macky lang ang mahal ko." Halos mangiyak niyang sambit, hindi na niya makitis ang pangungulit sa kaniya ng binata. However, she was quite guilty dahil nasasaktan niya ito though hindi naman niya sinsadya.

"Wow as in wow, that was straight. Sana nga ganiyan ka straight magsalita ang jowa mo sayo." hindi na napigilan ni Zain ang salering masabi iyon ngunit nasabi na niya, ang nais lamang niya ay sabihin ang katotohanan. Binigyan siya ng dalaga ng isang What-do-you-mean? Look.

"See for yourself." Ani nito at iniwang nakatanga si Irene, bigo lang sa nais nitong malaman. 

#

Mahinang natawa si Zain nang maalala ang sinabi ni Irene kanina sa kaniya, ibang klase din. "Poor Irene, walang kalam-alam sa ginagawa ng boyfriend niya." Nailing na wika sa sarili ni Zain at uminom ng kape.

"Hoy, anong binubulong mo diyan?" sawata ng ginang habang nilalapag sa mesa ang dalang mug ng kape. Umiling lamang ang binata bilang sagot ngunit sadyang makulit ito at kinikiliti pa siya.

"Sabihin mo na, dali na." para ring bata kung umasta ang makulit niyang Nanay, alam niyang hindi siya tatantanan nito hangga't hindi siya umaamin.

"Ahm, Ma, ano bang gagawin mo kung pinagtatabuyan ka palayo ng taong mahal mo?" simula ni zain, napaindak naman sa gulat ang mama niya.

"Hulaan ko, nalaman ba ng jowa niya ang tungkol sayo?" muli ay na caught in action si Zain ng kaniyang ina, kilalang-kilala talaga nito. "Mahirap 'yan nak, lalo kung nagmamahalan talaga sila. Pero kung ako sayo, itigil mo na, masasaktan ka lang. Magparaya ka, dahil kung mahal mo pipiliin mo kung anong magpapasaya sa kaniya." Wika ng ginang at hinigop ang kapeng nanlalamig na, napaisip muli si Zain, hindi siya satisfied sa mga nakuhang sagot.

"Paano kung hindi na siya masaya sa taong iyon?" ngumuso ang ginang nang maubos ang kaniyang kape kaya kinuha niya ang kape ng anak at nagsalin sa mug niya.

Irene Sandoval (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon