KABANATA 21

140 13 3
                                    

...................KABANATA 21 Sa kaniyang paglisan...................
   

Masayang naghapunan ang mga Cortes sa kanilang kusina. Panay ang tawanan at tudyuan ng mag-asawa tungkol sa mga anyay walang mga magulang. Matamlay at tahimik lamang si Zain habang sumusubo ng kaniyang pagkain, malalim ang iniisip na tila kasing lalim ng Pacific Ocean. Napansin iyon ng kaniyang ina. 
   

“Zee, may problema ba?” marahang pinisil ni Yula ang kamay ni Zee na ikinaagaw ng atensyon ng binata.
   

“Wala naman ma, may iniisip lang.” bawi niya at tipid na ngumiti sa dalawa. 
   

“Anak, kilala ka naming. It’s very unusual na this past few days ay hindi pakasalita ang baby naming. Spill the beans Zee.” Humugot ng malalim na hininga ang binata at tinanggal ang bara sa lalamunan. Tama ang ina, kilalang kilala siya ng dalawa, like an open book they can read him easily or maybe he was too obvious to hide something.
   

“Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Irene, may palagay ako na iniiwasan niya parin ako, nag-alala ako na baka ay sumugod siya sa kasal ng boyfriend niya at tutulan iyon. Praning na kung praning pero nag-aalala na talaga ako.” Mariing napapikit ng mata si Danilo. Aware siya sa sitwasyon ng anak pero hindi niya inaasahang magiging martyr ito pagdating sap ag-ibig. Love nga naman unknowingly or unconsciously ay nagagawa mo ang mga bagay hindi mo naman ginagawa. Pero concern siya sa anak though half of him ay gusto niyang pigilan si Zain.
   

“Sa tingin mo ay gagawin iyon ni Irene? I doubt. Pero nak, alam mo namang mali hindi ba? For how many times do I have to tell you this na kahit saang anggulo tingnan ay may mali parin, though sabihin na nating may asawa na ang boyfriend ni Irene, pero mahal pa niya ang jowa niya. Anak, concern citizen lang ang mama pero alam kong hindi ganon kadali ang ma-fall. It takes time.” He’s fully aware of that, but he believes na pwede niyang turuang mahalin siya ng dalaga. It takes time and he’s willing to wait until the right time comes. Pasasaan pa at doon din naman hahantong ang lahat ngunit ayaw niyang maging makasarili. Kung para kay Irene ay kaya niyang magsakripisyo. Kakayanin niya kahit paulit ulit na rejection at pagtataboy ang matatanggap niya. But for this once, he has to move. Mababaliw siya kakaisip kay Irene.
   

“Fighting for love is all that matters.” Usal niya. For the last time, he’ll try to certify his love to Irene.
   

“Iba talaga kapag inlove.” Nanunudyong imik ni Danilo at bumaling sa asawa. Pabalyang bumukas ang pinto sa may salas at bumungad sa kanila si Maya na balisa ang humugit sa mukha nito, nagmamadaling at nabigla ang lahat. 
   

“Zee, ayokong pangunahan ang bestfriend ko pero sana ay maging responsable ka.” Gumuhit ang pagkalito sa mga mukha ng magpamilya, hindi mawari kung ano ang ibig-sabihin ni Maya sa katagang iyon. Humugot ng malalim na hininga ang dalaga bago nagpatuloy sa pagsasalita.
   

“Nasa labas si Irene—” hindi pa man natatapos ang kaniyang sasabihin ay mabilis na lumabas ng bahay si Zain, walang salitang namutawi sa kanila at sumunod sa labas.
   

Sa may gate ay naroon si Irene, lasing magulo ang sarili at umiiyak. Totally mess kung ilarawan ng binata. Bumangon ang kaba sa kaniyang puso nang humagulhol ito. Nasasaktan marahil sa nangyari sa kanila ni Macky.
   

“Zee,” basag ang boses nito, niyakap niya ito ng mahigpit sa labis na pag-aalala at pangungulila. Dama niya ang bigat na dinadala nito.

“Hindi ko alam ang gagawin ko Zee, wala na sa’kin si Macky, tapos si Mama bumalik at si lola, may inamin sa akin. Naguguluhan na ako.” Marahan niyang hinagod ang mahaba nitong buhok. Patuloy parin sa paghikbi.
   

Irene Sandoval (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon