KABANATA 10

87 11 8
                                    

...................KABANATA 10................... Selos

Dedicated to Sky_and_Pie_13

Araw ng sabado, nasa salas si Irene habang nanunuod ng tv, maliwanag ang sikat ng araw, napakatahimik ng paligid, ibang-iba ang awra ng bahay kapag nandito ang matanda at hanggang ngyon ay hindi parin bumabalik si Lola Pabs ngunit panigurado, bukas na bukas ay babalik na ito. Ilang araw na siyang lagging nag-iisa sa mansion, having party alone, paminsan minsan ay dumadalaw naman si Zain sabay silang papasok sa school, sabay kakain, at sabay na uuwi. May mga araw rin na nagkikita at nagkakasabay sa pagpasok at pagkain nila si Macky kasa-kasama ni Suzette, hindi niya maiwasanang magselos, siya ang girlfriend pero bakit ibang babae kasama nito. Masakit lang aniya na para bang walang pakialam ang binata sa kaniya at sa nararamdaman niya. Ang mga araw na iyon lihim niyang tinitiis ang sakit at bigat na nararamdaman and she ended up either umiiyak o di kaya nagpa-party sa loob ng bahay o sa kahit saang bar. She used cannabis to lighten up her mood, to calm her mind, to create happiness through imagination or should I say, hallucination. It's her way to escape from sad reality. Sa katunayan, mas marami na siyang nako-consume na weed, unlike before, kaya mabilis niyang naubos ang stock niya sa kabinet.

"Tao po!" napukaw ang kaniyang isip nang marinig ang sigaw mula sa labas ng mansion. She is sure na si Zain iyon, expectedly. And speaking of Zain, she is happy dahil kahit papaano ay hindi niya naramdamang mag-isa siya, kahit pa makulit ito, palaging nakabuntot sa kaniya at maingay.

"Ang aga mo naman." Aniya habang pinagbubuksan ng gate ang bagong dating.

"Ano ba naman 'to, ang lapit-lapit lang ng bahay namin eh." Bara sa kaniya ng binata at piningot ang ilong nito. Tumuloy na sila at kahit hindi pa pinapaupo si Zain ay naupo na ito sa sofa ng nakade-kwatro, feel at home lang. Tumungo si Irene sa kusina upang ikuha ito ng miryenda. May assignment kasi sila kaya naisipan ni Zain na mag pair-study na lang since bilin din ng kanilang instructor na si Sir Al na siya ang maging tutor ng dalaga. Malapit na rin ang prelim exam.

"Dala mo ba ang mga notes mo?" panimula ni Irene habang nilalapag ang dalang miryenda sa mesa, Zain nodded as he reaches his bag. Napakamot ng ulo ang dalaga sa dami ng mga iyon. Tila ni isa ay wala siyang kopya bagamat tamad siyang magsulat ng lecture notes. Recently, she got low grades, may pakialam siya ngunit lang daw mag-cooperate ang utak niya sa mga school works. Ni assignment ay wala siya, bagsak pa sa oral at quizzes.

"I think we should start now para mabilis nating matapos." Agad-agad ay inumpisahan nila ang pagsagot ng mga lesson from basic of course. Mabilis na naintindihan ni Irene ang leksyon kaya dagli nilang natapos ang ilan sa mga subject, not until Irene stops him.

"Stop muna tayo rito Zee, sumasakit ang ulo ko." Aniya, kanina pa niya napapansin na masama ang kaniyang pakiramdam. She heard Zain sighed deeply and stop from discussing. Nagpaalam siyang tumungo muna sa taas upang kunin ang gamot, maya-maya pa ay bumalik din siya, naroon parin si Zain sa pwesto binubuklat ang bawat pahina ng kaniyang kwadirno.

"Zain, gusto mo libutin natin 'tong bahay?" suhestyon niya na ikinatuwa naman ng binata.

"Unahin natin ang kusina, nagutom kasi ako." Pabirong wika ni Irene datapwat ay hindi natawa si Zain sa birong iyon kundi ay nag-alala siya sapagkat namumutla ang pawisan ang dalaga.

"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ni Zain sa kasama, tumango ito ngunit hindi na siya naniwala gayong pawisan na ito at hapong-hapo. Nagmamadali niyang tinungo ang kusina upang kumuha ang tubig. "Uminom ka muna." Inabot naman ito ng dalaga at inubos ng isang lagukan lang. Naramdaman ni Irene na medyo bumuti ang kaniyang pakiramdam, aniya, siguro ay dahil palagi siyang puyat at pagod.

"May sakit ka ba?" tanong pa ng binata, bahagya ay yumuko siya, papaanong magkakaroon ako ng sakit gayong palagi ng akong high this past few days, and that's because of that weed.

"Wala, siguro nasobrahan lang sa lesson ang utak ko, nag over-heat." biro niya at saka tumawa, nakitawa na lang din si Zain ngunit hindi parin mawala sa kaniya ang pag-aalala. "Tara libutin na natin ang bahay, as kukwentuhan kita about it." sumang-ayon ang binata at excited na naglakad. Sa wakas ay may sagot na rin sa mga katanungan ko.

Sa likod bahay ay naroon ang malaking puno ng mangga at matataas na pine tree na halos hindi nakakalusot ang sinag ng araw, nakatayo sa Irene sa likuran ng binata habang ito naman ay panay ang tingin sa paligid, namamangha lang sa nakikita though this is th second time na nakapunta siya rito. Malaki ang lugar na kinatitirikan ng mansyon, malawak rin ang hardin, maraming halaman na karamihan ay mga bulaklak. Nakakatuwang pagmasadan ang paligid, napakadalisay.

"Irene bakit kayo lang ni Lola ang nandito?" pansin niya, iyon talaga ang unang tanong na sumagi sa kaniyang isip when he first stoop down in this place.

"Hindi amin ang mansyon na ito, someone, there is someone na nagbigay kay lola nito, I asked her once but she just smiled as an answer kaya 'di na ako nagtanong ulit." tango-tango lang si Zain habang nakikinig sa kwento ng dalaga though hindi iyon ang exact na sagot sa tanong niya. Mainam na rin para maging maliwanag sa kaniya ang lahat.

"Since I was young si Lola na ang nag-alaga sa'kin, maybe at the age of 7. I know what you're gonna ask next, where my parents are. Sad to say I have a broken family, totally broken, kasi ang Papa ko may kabit and he have a happy family and life, ang mama ko naman nasa abroad making her own life, hindi ko alam kung nagkatuluyan sila ng lalaki niyang Arabo. Never siyang umuwi since the day she left." Pansin ni Zain ang lungkot sa bawat katagang binibitawan nito, he grown with a complete and happy family pero seeing Irene right now, naiintindihan niya kung bakit parang galit ito sa mundo, kung bakit nais nitong mapag-isa palagi, he never felt of being empty but right now pakiramdam niya ay naransan niya ito bigla.

"Ang saya ng pamilya ko ano?" sarkastiko nitong saad. "Ang mama ko, nag-aalaga ng anak ng iba pero ang sarili niyang anak 'di man lamang niya naalagaan, ganon din ang papa ko, mukha pa ngang kinalimutan na ako." upon saying those words, her tears start to fall out from her eyes. It still hurt knowing she had that life.

"Irene stop, huwag mo nang saktan ang sarili mo." alo ng binata ngunit patuloy parin ang pag-iyak niya.

"Huwag saktan? Eh sa umpisa pa lang nasasaktan na ako. Zain I am totally hopeless na magiging maayos ang buhay ko. I thought one day makakalimutan ko lahat ng sakit at hirap na dinaranas ko but, it's all coming back. Pain won't let me go." Automatikong gumalaw ang kaniyang katawan upang yakapin ang dalaga.

"What's the meaning of this?"

Parehong nagulat ang dalawa at bumitaw sa pagkakayakap.

"Macky!" In just a snap ay nakalapit na ito kay Zain at sinalubong ng suntok.

"HOW DARE YOU TOUCH MY WOMAN!" bulyaw niya rito at dinuduro pa siya. Tumayo si Zain at gumantin rin ng suntok. Pareho na silang naka-isa ngunit ayaw paawat ni Macky.

"How dare me? How dare you rin sa pag-iwan mo sa kaniya. Now look what happened." tukoy ni Zain sa sitwasyon but Macky went blank minded at muling bumwelo upang ambahan ng suntok si Zee. They were busy what they doing, kaya hindi nila napansin si Irene na kanina pa sila sinisigawan upang patigilin.

"TAMA NA!" sigaw niya habang parehong nakapikit ang mga mata at nakayukom ang mga kamao. Kinakapos siya ng hininga.

"SHE'S MY GIRLFRIEND YOU MORON!" giit pa ni Macky. Natawa ng mahina si Zain at tumayo, pinunasan ang dugo sa gilid ng kaniyang labi.

"Girlfriend mo nga siya pero ibang babae naman ang inaatupag mo." nakangising wika niya dahilan upang magalit lalo si Macky. He was about to punch him but he saw Irene on his peripheral vision holding her left chest.

"Pakiusap tama na." and she fainted.

Short ud tayo mga maharr, I swear babawi ako next update. Ita-type ko lang siya muna, kaya stay put lang kayo diyan. hehehe. muahh.

VOTE, COMMENT, and SHARE....

Irene Sandoval (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon