KABANATA 17

63 9 3
                                    

...................KABANATA 17 Hindi ako baliw...................

   
“Suzette! I have to go, mahirap bang intindihin ‘yon?” halos mapasigaw sa galit si Macky, timiim ang bagang niya nang hindi siya payagan na dalawin si Irene, nabalitaan niya kasing isinugod ito sa hospital kaninang madaling araw. As a boyfriend, nag-aalala siya sa kasintahan, baka tinuloy na nito ang matagl na pagpaplanong pagkitil sa sariling buhay.
   

“Nandoon naman ang mga doktor, hindi mo na kailangang puntahan siya, Macky please.” halos sumabog na ang kaniyang puso sa damdaming pilit na kinukubli, he can’t take this anymore. Sinasagad na nito ang pasensya niya.
   

“I am her boyfriend, ako dapat ang naroon upang Samahan siya, don’t be too selfish dahil hindi moa ko pagmamay-ari!” he firmly closed his eyes, controlling himself not to burst out dahil alam niyang isang pindot lang ng dalaga ay tiyak na hindi magdadalawang isip ang ama nito na gumawa ng masamang hakbang laban sa kaniya, kay Irene at sa pamilya niya, not to mention ang ama niya. Before this day ends, nais niyang itama ang lahat, ayaw na niyang saktan ang babaeng mahal niya, she had enough at hindi na niya kakayaning tuluyang kapopootan siya ng iniibig. Sa ayaw at sa gusto ng pamilya Martinez, tutuldukan na niya ang lahat ng meron sa kanila.

   

“Kamust na siya doc?” tanong ni Maya na mababakasan mo ng pag-aalala ang tono nito. Siya ang kasalukuyang nagbabantay sa dalaga dahil umalis si Lola Pabs, may pupuntahan raw ito, kilala siya ng matanda dahil minsan na rin siyang ipinakilala ng kaibigan.
   

“She’s okay, patuloy parin ang test na ginagawa para sa kaniyang diagnoses.” kinabahan si Maya, hindi nila maitatago pa ang bagay na iyon. Ngunit saka na lamang niya iisipin ang bagay na iyon, ang mahalaga ay okay lang ang kaibigan niya. 
   

Siya ang nakakita sa dalaga sa gitna ng kalye, walang malay na nakahandusay sa malamig na semento, kakauwi lang niya galing sa club, saktong doon siya pansamantalang tumutuloy s kaniyang Tiya Yula, ang ina ni Zain. Agad siyang tumawag ng tulong, maski si Zain ay tinawagan niya ngunit patay ang telepono nito. Paroo’t parito ang kaniyang lakad, hindi mapakali.
   

“M-Maya?” nabuhayan siya ng loob nang makitang nagkaulirat na ang kaibigan.
   

“Oo ako ‘to, kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?” marahang umiling ang kaibigan, nagtataka ito kung bakit siya naroon sa silid gayong ang naalala niya ay nasa park siya. Nagugulumihanan ang dalaga.
   

“Ano ba kasing pumasok sa isip mo at lumabas ka ng bahay ng ganoon kaaga,”
   

“Maya, mali ba ako? Tanong nito, nagtaas kilay si Maya, hindi mahagilap ng kaniyang isip kung anong ibig ipahiwatig ng kaibigan sa tanong na iyon.

“I mean, bakit ko ginawa ‘yon? Alam mo iyong pakiramdam na wala kang kalam-alam sa nangyayari, maraming pumapasok sa isip, but it feels like, I’m flying empty.” Alam na alam niya ang karanasanang iyon dahil nanggaling siya sa ganoong sitwasyon, pero iba ang nakikita niya kay Irene, hindi lamang ito epekto ng marijuana kundi epekto ng unti-unting pagkasira ng utak. Don’t get her wrong pero naniniwala siyang may mental illness ang kaibigan na sinabayan pa ng epekto ng weed. 
   

“Hindi kaya…” napamulagat ang dalawang mata ni Irene, tiyak na isinasagawa na ng mga doctor ang mga test, at malamang ngayon ay alam na ng mga ito na lulong siya sa ipanagbabawal na gamot. Tiyak sa rehab ang kababagsakan niya, hindi ito pwedeng mangyari, kailangan niyang tumakas. 
   

“Alam ko ang iniisip mo baks, pero hintayin muna natin si Zee, siya lang ang makakatulong sa atin para maitakas ka rito.” and speaking of Zee, pinamulahan ng mukha ang dalaga. Presko pa sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanila. Maging ito ay hindi nakaligtas sa paningin ni Maya.

Irene Sandoval (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon