KABANATA 18

59 10 2
                                    

...................KABANATA 18 Moment of truth...................
   

Ikinulong niya ang sarili sa silid mag-iilang araw na, walang balak na lumabas o kumain man lamang. Sa sulok ng kwadrong kama ay nakaupo siya sa sahig yakap-yakap ang sariling tuhod, yumuyug-yog ang mga balikat at panay ang hikbi. Umaasang sa pamamagitan niyon ay maiibsan ang bigat na nararamdaman sa puso niya. Umaasang sa kaniyang pagtahan ay mawawala na ang sakit at hinagpis, ngunit kahit ilang baldi pa ng luha ang itatangis niya ay naroon parin at hindi mawala-wala. Alam niya sa sarili niya na isang suntok sa buwan ang ninanais, na kahit kailan ay hindi magiging maayos ang kung ano man ang nasira sa kanila ni Macky, ‘di na maaalis ang sugat at bakas sa puso kailanman.
   

“Apo,” narinig niya ang mahinang tawag ng abuelo mula sa labas ng kaniyang silid. Mabilis niyang pinunasan ang luhang kumakawala sa kaniyang mga mata gamit ang palad saka inayos ang sarili at naupo sa paanan ng kama.
   

“Apo pasensya na sa nangyari sa ospital nitong nakaraang araw. Nagawa ko lamang iyon dahil nag-aalala ako sa iyo. Neita naiintindihan kita, dama ko ang bigat na dala-dala mo ngayon pero alam ko balang araw ay matutunan mong palayain ang sarili mo sa sakit.” Siya lang ba o nahimigan niya ang matanda na may pinaghuhugutang malalim ang bawat salita nito, subalit agad niyang iniwaksi iyon sa kaniyang isipan. Tama ang lola, ngunit hindi pa siya handa.
   

“Oras na din para palayain ko ang sarili ko mula sa masalimuot kong kahapon.” Napaangat siya ng ulo at tinginan ang matanda, nakita niya sa mga mata nito ang pait at pagsisisi, kung ano man ang dahilan ay wala siyang alam.

Tumayong muli ang matanda saka muling humakbang palabas ng kaniyang silid. May instinct na nagsasabing sundan niya ang abuelo kaya ginawa niya.
   

Mula sa bukana ng kaniyang pintuan ay tanaw niya si Lola Pabs na pumasok sa kwartong ngayon niya lamang masasaksihan sa tanang buhay niya. Ang silid na sa wari niya ay puno ng misteryo. Naglakad siya tungo sa kwartong iyon at bumungad sa kaniya ang madilim at maalikabok na silid. Sinindihan ng matanda ang kandila na nagbigay kakarampot na liwanag kaya binuksan niya ang flashlight ng kaniyang telepono na nagbigay ilaw sa silid.

Ang una niyang napansin ay nag life-size portrait ng isang binatang may matamis na ngiti sa labi. Sa wari niya ay nasa mid-20’s pa ito o mas bata ng kaunti. Naka mount ang portrait sa dingding at nasa baba nito ang kandila at ang vase. Nais man niyang magtanong ay walang tinig ang namutawi sa kaniyang bibig.
   

“Siya si Karding, ang lolo mo.” tila na caught in surprise si Irene sa turan ng matanda na para bang alam nito ang tumatakbo sa kaniyang isipan sa mga sandalling iyon. Hindi kumibo ang dalaga bagkos ay nanatiling nakatitig sa portrait ni Karding, ng lolo niya. Maraming tanong ang bumabagabag sa kaniyang isipan at tanging ang abuelo lamang ang makakasagot.
   

“Ako ang nagpinta niyan apo,” somehow ay namangha siya sa talento ng matanda sa pagpipinta, para talagang pinag-aralan niya ang bawat anggulo ng minamahal bago ipinta. Tila buhay na buhay si Lolo Karding sa portrait at ikaw na tumitinging sa mga mata niya’y tila nakangiti ito.

“Naalala ko pa ang araw na ipininta ko ito, higit na sino man ay hindi ko malilimutan ang araw na iyon.” bakas sa boses nito ang matinding kalungkutan. Nagtataka siya, gayong bakit ito nakatago sa ilalim ng madilim na silid na ito at nakakandado pa. napaka-misteryoso.
   

“Malinaw pa sa alalaala ko ang araw na iyon, ang araw kung kailan siya namatay.” nabigla si Irene sa narinig, naroon parin ang pagtataka.
   

“Bakit ho siya namatay?” sa wakas ay may salitang lumabas sa kaniyang bibig. Unti-unting lumuhod ang matanda sa harap ng portrait saka inabot ang vase at hinimas-himas iyon, nais man niyang daluhan at yakapin ang Lola ngunit may kung anong pwersang pumipigil sa kaniya, tila napako siya sa kaniyang kinatatayuan, hindi makakilos.
   

Irene Sandoval (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon