KABANATA 2

235 29 2
                                    

...................KABANATA 2...................Newbies

NADATNAN ni Zain ang kaniyang Papa na tahimik na nagkakape sa dining table habang nanonood ng balita sa kaniyang cellphone. Ang kaniyang Mama naman ay nasa kusina at nagluluto ng bacon at amoy pa lamang ay natakam na siya.

"Good morning, Pa," bati niya sa ama at naupo sa tapat nitong upuan, tinanguan siya ng ama dahil nakatutok ito sa pinapanood niyang balita.

"How's your sleep Zee?" tanong naman ng kaniyang ina na mula pa sa kusina habang bitbit ang isang platong bacon at inihain ito sa hapag. Tumusok ng isang slice ang kaniyang ama kahit ang mga mata'y nakatuon parin sa cell phone.

"Ayos naman Ma." aniya at nagsimulang maghain ng pagkain sa kaniyang plato at kumain na at hinayaan na lamang nila ang isa na busy parin na parang may sariling mundo. Maski papaano ay naging maayos naman ang kaniyang pahinga kahit hindi gaanong nakatulog dahil sa excited siya sa first day of school as college student at ganoon na lang ang pagkainis niya dahil maaga siyang nagising dahil sa malakas na tugtog mula sa kabilang bahay na animo'y may party na nagaganap. Bagaman nainis parin ay inisip na lamang na blessing in disguise iyon dahil parang alarm clock niya ito upang bumangon ng maaga para sa kaniyang morning routine.

"Nga pala, kamusta ang trabaho mo Danilo?" tanong ni Yula, ang mama ni Zain. Napabaling naman ang tingin ni Danilo sa asawa at binitawan ang cell phone.

"Maayos naman malapit na akong ma promote." Anito sabay ngiti ng malapad na siyang ikinatuwa ng ginang. Napaka-workaholic na tao si Danilo kung kaya't halos nasa trabaho na ang buong atensyon nito, isa siyang media man at ang balitang pinapanuod niya kanina ay isa sa mga balita niya na siya mismo ang reporter at writer nito. Habang ang asawang si Yula ay isang Science teacher sa St. Nicolas de Tolentino National High School. Si Zain naman ang kanilang kaisa-isang anak.

"Ma, maiba ako. Hindi po ba kayo naiingayan tuwing alas kwatro ng umaga doon sa makalas na tugtog mula sa kapit-bahay?" tanong ni Zain. Nagkatinginan naman ang dalawa at napayuko na lamang ang ginang 'pagkat aminado siyang nakakabulahaw ito at siya'y nababahala na.

"Naiingayan syempre, pero may bali-balita kasi na baliw daw 'yong nakatira diyan sa malaki at lumang mansiyon." Ang kaniyang ama ang nagsalita na may halong pananakot ang boses nito. Naintriga naman si Zain sa sinabi ng ama, ngunit parang natakot siya bigla nang banggitin nito ang luma at malaking mansiyon na animo'y parang haunted house ang nais ipahiwatig ng ama sa kaniya.

"Kung ganoon Danilo dapat e-report na natin dahil nakakaisturbo na eh at baka may mangyaring hindi maganda kapag nanatili 'yong baliw na sinasabi mo diyan sa mansiyon, nakakatakot." Aniya ng ginang at mabilis na lumapit sa asawa, napahalakhak naman si Danilo sa inasta ni Yula kaya nakatikim ito ng hampas mula rito. "Hindi nakakatuwa ang biro mo. Sige na anak, humayo kana dahil baka ma late ka pa sa klase, ako nama'y maghahanda na upang sabay na tayong umalis na tatlo." Anito at nagpagpag.

"Huwag na Ma, maglalakad na lang po ako. Malapit lang naman 'yong sakayan dito tsaka malaki na ako, nakakahiya naman sa ibang mga college students eh, kalalaking tao nagpapahatid pa sa parents." Aniya bago lumapit sa ina at ama upang bumeso. Lumaking sweet na bata si Zain na lubos na ikinagagalak ng mag-asawa. Syempre only child kaya alagang-alaga. Nadismaya ng bahagya ang ginang sa narinig ngunit hinayaan na lamang niya ito sa gusto, total sabi naman nito na malaki na siya. "Una na po ako." Aniya.

"Mag-iingat ka anak, mapapadaan ka pa naman sa lumang mansiyon." Aniya ng ina.

"Take care son, may mga baliw na multo pa naman doon." Pahabol naman ni Danilo kaya nahampas ulit siya ng asawa. "Yula naman, nakakailan kana ah!" reklamo nito.

"Pero seryoso, talagang naniniwala ka sa mga multo? Eh 'yong anak kaya natin?" dugtong pa nito bago inubos ang kapeng medyo lumalamig na. Nagkibit balikat lamang ang asawa bilang sagot.

Irene Sandoval (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon