KABANATA 12

73 9 0
                                    

...................KABANATA 12 Ang katotohanan...................

Isang magarbong setting and pina-set up ng pamilayng Martinez sa kanilang dining hall, tadtad ng mga mamahaling kobyertos, babasaging mga pinggan at mawawala ba ang Italian food na paborito ni Suzette. She wants everything to be perfect as they officially meet the De Leon family.

"Sige na anak, go prepare yourself." Wika ng kaniyang ina habang naglalapag ng ng mga wine glass, nakangiting tumango si Suzette at umakyat na sa kaniyang kwarto. Nang mawala ito ay siya ring pagpasok ni Jaylord sa dining area.

"What's the meaning of this lovely mother?" tanong nito na kakarating pa lamang, pinaiokt-ikot ang susi ng jaguar sa kaniyang hintuturo. Halatang walang alam sa nagyayari, sadyang wala lang time na alamin iyon dahil mas binibigyan niya ng oras ang kaniyang pagkakarera.

"Ang daddy mo ang tanungin mo niyan, I'm just helping them to prepare." Ani niya na tila labag sa kalooban niya ang ginagawa. At first ay hindi talaga siya payag sa pasya ng kaniyang asawa na ipakasal si Suzette sa mga De Leon, pangalawa, hindi niya maatim na makikibagay siya sa kaniyang magiging in-laws, specially ang magiging balae niya, the ordinary house-wife ika niya. Malayong-malayo sa mga standard niya ang mga iyon. "Oh, hayan na pala ang daddy mo." tukoy niya sa bagong dating na asawa, suot pa nito ang mamahaling tuxedo suit na binili niya sa Europe. Screaming wealth and authority.

"Everyone's here, perfect." Pansin niya at hunalik sa labi ng asawa, napapikit na lang ng wala sa oras ni Jaylord. Such a bad view para sa kaniya.

"Tsk." Ismid niya at pumanhik sa kaniyang kuwarto.

"Pagpasensyahan mo na lang ang anak mo, sadyang hindi pa nakaka-move-on." Pahayag ng ginang.

Hanggang ngayon ay galit parin si Jaylord sa kaniyang ama, siya ang unang nakaalam na may ibang babae ang kaniyang ama and he was upset dahil naging problematic ang kaniyang ina, nagkasakit pero inuuna parin nito ang babae niya kaysa sa kaniyang Mommy. The problem gotten bigger to the point na laging nag-aaway ang dalawa sa tuwing nasa bahay sila, sinasaktan ng Daddy niya ang mommy niya, not just emotionally but physically. Ang kinagagalit pa niya ay dahil kung nasa labas sila ay para bang perpekto ang lahat, walang sakitan na nangyayari, puro pagkunwari, inuuna ang image kaysa ang ayusin ang problema. Jaylord can't accept the fact na ang lalaking hinahangaan niya, ang lalaking nagtatanggol sa mga naaapi ay siya pang nanakit sa ina niya, nagawa pa nitong lokohin ang mommy niya. Kaya ganon na lamang ang galit niya rito.



Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang mga bisita, sa hapag na sila dumiretso dahil naroon ang magpamilyang Martinez. Well-dressed up ang lahat, with matching pabonggahan ng mga suot nitong mamahaling alahas at bag ang dalawang ginang. Sa lahat ng naroon ay ang dalawang padre-de-pamilya at si Suzette lamang ang masaya. Ang dalawang ginang ay parehong nakikiramdam sa isa't isa, sinusukat ang pagkatao, syempre hindi nila reach at standard ng isa't isa. Jaylord is having fun time of observing everyone, while Sabrina, ate ni Macky ay busy sa pagtingin ng mga foods na naka-handa sa mesa. Fan naman siya ng Italian food pero mas bet niya ang Japanese food. Macky was having a hard time thinking kung paano niya labasan ang ang sitwasyong ito. This is all wrong. Una, walang nangyari sa kanila ni Suzette nang gabing iyon, pangalawa, alam nito na mahal niya si Irene, pangatlo, ay kahit matuloy pa ang kasal, alam niyang walang magiging masaya. Everyone is just using this opportunity to make advantage. Napabuntong hinga na lamang si Macky.

"Welcome to our humble home. Have a sit." Si Atty. Martinez na ang nagbasag ng katahimikan sa pagitan ng mga ito. That's the cue na hinintay ng kaniyang asawa upang e-approach ang mga bagong dating. Ngumiti ng pilit ang ginang at nakipagbesa-beso sa mga De Leon, they both welcomed each other. Halatang peke at sapilitan lang. Napaismid na lang si Jaylord sa tabi.

Irene Sandoval (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon