KABANATA 20

59 10 3
                                    

...................KABANATA 20 Irene's breakdown...................
   

Isang napaka-unsual na umaga ang nagpagising sa kaniya, wide awake ngunit wala sa plano niya ang bumangon na tila nais niyang ipako ang ang sariling katawan sa kama at doon manatili buong buhay. Isa pa ay masama ang pakiramdam niya. Muli siyang nagtalukbong ng kumot saka pinikit ang mga mata hanggang sa tuluyang naidilip.
   

Nabalahaw muli ang kaniyang tulog nang biglang bumalya ang pinto ng kaniyang silid. Isang nagmamadaling lola ang pumasok dala ang telepono na may galak sa mukha.
   

"Apo ang mama mo tumawag at ang sabi ay uuwi na siya sa Pilipinas sa makalawa. Magandang balita ito." Masayang wika ng abuelo ngunit hindi iyon maganda sa kaniya. Alam niyang hindi okay kapag narito ang mama niya, ang babaeng iniwan siya at pinabayaan at sa mahabang panahon ay ngayon lamang ito bumalik, ngunit bakit? At para saan pa?
   

"Alam kong kinapopootan mo parin ang inay mo subalit apo kahit bali-baliktarin mo man ang mundo ay Mama mo parin siya at kahit kailan ay hindi magbabago iyon." Naglabas ito ng isang malalim na buntong hinga bago bumangon sa higaan. Batid naman niya ang katotohanang iyonsubalit nababahiran parin ng poot at galit ang puso niya para sa ina.
   

"Hindi kita masisisi, pero balang araw apo sana'y matutunan mong patawarin ang inay mo." malumanay nitong wika, marahan nitong hinawi ang buhok na nakasadsad sa kaniyang mukha at hinagkan ng abuelo ang kaniyang noob ago nilisan ang silid. Muli siyang bumuntong hingang napatitig sa kawalan.
   

"Apo ano bang nangyayari sa iyo?" puno ng pag-aalala ang tinig ng lola nang bigla na lamang siyang dumuwal.

"May nakain ka bang sira?" ilang araw na siyang nagkakaganoon, hindi dahil sa pagkain o sa lipas ng gutom o kahit na ano gayong halos araw-araw siyang nagsusuka at nahihilo.
   

"Anong nangyayari dito?" sabad pa ni Cecil, ang kaniyang ina, habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Pagkalito at pag-aalala ang gumuhit sa kaniyang mukha. Ilang araw na itong nanatili sa mansyon ngunit ni minsan ay hindi niya nakitang nag uusap ang mag ina. Nag-alala siya sa dalawa lalo na kay Cecilia gayong hindi nito gamay ang ugali at personalidad ni Irene.
   

"Lola, bakit narito pa yan?" tukoy nito sa ina. Matatandaang ilang beses na itong pinagtabuyan ni Irene papalabas ng mansyon ngunit siya ang nagpilit kay Cecilia na huwag umalis dahil hanggang ngayon ay umaasa siyang makakahanap ng kalinga si Irene sa sariling ina. Hindi man tiyak kung kailan nito mapapatawad ang ina sa ginawang pag-abandona nito sa anak ngunit alam niyang darating ang araw na iyon.

"Apo, kamusta ang pakiramdam mo?" alalang tanong ng abuela.

"Hindi maganda la, ipagpahinga ko muna ito." Napasinghap ng marahas si Cecilia may namumunong kongklusyon sa utak niya at nais niyang kay Irene mismo manggaling.

"Tapatin mo nga ako Irene." Tiim-bagang nitong wika ay sumeryoso ang mukha.

"Buntis ka ba?" parehong napaangat ng tingin ang dalawa kay Cecilia, hindi maipinta ang gulat na gumuhit sa mukha na dalaga. Ngunit agad ding napawi at pinantayan ang titig ng ina.

"Eh ano naman kung buntis ako? At kailan ka pa nagkaroon ng concern sa'kin?" isang malutong na sampal ang natanggap niya mula sa ina na ikinabigla ni lola Pabs. 

"May pakialam ako dahil anak kita! At wala kang karapatan para pagsalitaan ako ng ganiyan Irene, dahil mama mo parin ako!"

"Mama ba talaga? Kasi sa pagkakaalam ko hindi ka tumayong ina sa'kin, anak mo nga ako, nanay nga kita pero hindi ikaw ang nag- aruga at nagpakain sa'kin! Anak mo nga ako pero ibang anak ang inaalagaan mo!"

"Irene, Cecil tama na!" awat ng matanda ngunit parehong nagsusukatan ng tingin wari niya'y may bombang sasabog ano mang oras at kailangan niyang agapan iyon.

"Tama! Marahil ay tama ka. Nag alaga ako ng ibang bata, inabandona kita at iniwan sa lola mo dahil may rason ako Irene. Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong umuwi at makasama ka ngunit hindi ko magawa, Wala akong mapagpilian, ang nais ko ay bigyan ka ng maayos na buhay at ibigay lahat ng pangangailangan mo at hindi ko iyon magagawa kung hindi ako aalis at makipagsapalaran sa ibang bansa. Anak patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo," punong-puno ng pagsusumamo ang boses ng ginang ngunit hindi siya natinag bagkos ay kinapopootan pa niya ito lalo. Hindi niya matanggap na narito ito ngayon sa kaniyang harapan at umaastang tila alam na alam nito lahat ng pinagdaanan niya.
   

"Naibigay mo na ang mga bagay na iyon pero bakit hindi na kita kailangan? Ma, hindi ko kailangan ng materyal na bagay o pera, ang tanging ninais ko ay ang isang inang mag-aaruga sa akin, isang ina na mamahalin ako at aalagaan, nakikita niya akong lumaki at sabay kaming mangangarap ng bukas, pero lahat ng iyon ma, pinunan lahat ni lola,siya ang tumayo bilang magulang ko ng mga panahong iniwan mo ako. Pasensiya na pero sadyang napuno n ani lola ang lahat at wala nang espasyo sa puso ko upang tanggapin kayo." Masakit man ay ginawa niyang maitago ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya gustong saktan ang sariling ina ngunit nasaktan din siya sa ginawa nito. Ilang taon siyang umasa na babalikan siya ngunit umaasa siya sa wala at ngayong narito na ito ay hindi niya ito tinanggap sapagkat nahalihan ng poot ang pananabik niya sa ina.
   

Nilisan niya ang kwarto at nagpunta sa kung saan man siya dalhin ng mga paa niya. She went flying empty again, crying and helpless. Magulo ang kaniyang isip, halo-halo ang nararamdaman at hindin na niya alam kung ano ang iisipin.
   

"Kung may Diyos man, bakit niya hinayaang mangyari ito sa akin? Ang daming problema na kinakaharap ko ngayon, hindi ko na kaya. Tama na." umiiyak niyang sambit sa kawalan, tanging ang malamig na panggabing hangin ang naging karamay niya sa oras na ito. Wala siyang kahit na sino at maging ang sarili ay iniwan na rin siya. 
   

"Hindi ako naniniwala sa iyo pero kung totoo ka, sana'y dinggin mo ang hinagpis ko. Bigyan mo ako ng lakas upang harapin ang mga suliraning ito, alam kong napakalaki ng naging kasalanan ko sa iyo ngunit kahit ngayon lang ay dinggin mo ang panaghoy ko. Tulungan mo ako Diyos ko, alang- alang sa buhay na nasa sinapupunan ko kung sakaling mayroon man."
   

"Irene?" tila bumagal ang oras sa mga sandaling iyon ng makita niya si Macky na nakasuot ng pormal na terno habang bumababa sa big bike. Parang siyang tuod nang mapagmasdan ang mukha nito, nawalan siya ng salitang iuusal at tanging sa mga mata na lamang niya sanasabi. 
   

"I'm sorry for giving you up, love. I thought kaya kong solusyonan lahat ngunit nagkamali ako. I'm sorry for hurting you and for everything I've done wrong. Sanay mapatawad mo ako." Nanlulumo siya sa narinig, muling dumungaw sa kaniyang mga mata ang masasaganang luha na tila isang talon na bumabagsak. Nasasaktan siya sa katotohanang ikakasal na si Macky kay Suzette, nasasaktan siya sa katotohanang hindi sila ang itinakda, hindi sila sa huli ngunit sa kabila noon ay may nakita siyang bagong pag-asa. Mapait na ngumiti ang dalaga at mahigpit na niyakap si Macky sa huling pagkakataon. 

"Nawa'y palayain mo na rin ang sarili mo sa pagkakatali Macky. Palugudan mo ang iyong sarili at huwag kang manibugho dahil sa relasyong ito ako ang nagkamali, maniniwala ako sa iyo kaya sana ay panatagin mo ang iyong puso. Maging masaya ka, mahalin mo si Suzette ng higit pa sa pagmamahal na binibigay mo sa akin." Saglit na iniwaksi ang pagtatakang gumuhit sa mukha ng binata, muli niyang niyakap ang dating kasintahan, isang yakap pamamaalam, yakap pasasalamat dahil hanggang sa huli ay naging tapat ito sa kaniya.
   

"You have to find happiness too. Goodbye, love." Huling sambit nito bago tuluyang lumisan at isang hatid tanaw na lamang ang ginawa ni Irene hanggang sa maglaho nang tuluyan si Macky sa paningin niya, sa buhay niya at kahit kailan ay hindi na ito babalik.
   

Loving him is way too good and yet so hard. Para siyang pinapatay sa sakit, unti-unting nilalagutan ng hininga, ngayong wala na sa kaniya si Macky ay tila nawalan na siya ng araw na magbibigay init sa umaga niya, nawalan siya ng bituin na siyang naging tanglaw niya sa madilim na gabi.
   

Ngunit sa kabila ng lahat ay may langit pa siya na nagsisilbing payong niya. May pag-asa pa siya. Sinapo niya ang sinapupunan. Kung totoo nang may buhay na naroon ay may pag-asa pa siya. Ito ang pupunan at pagkukuhaan niya ng kaligayahan at dahilan upang lumaban at mabuhay.

Irene Sandoval (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon