Prologue

9.5K 163 5
                                    

Alyssa's POV

"Walang hiya ka!" ang mariing banta ni Mamang habang sinasampal ako ng malaman niyang buntis ako.

"Mamang, sorry na po. Hindi ko po sinasadya," sabi ko habang lumuhod sa harapan niya. Si Papang ay nasa likod ni Mamang, pinapahinahon ito.

"Anong hindi mo sinasadya, Alyssa?!! Ha, pinalaki ka naman namin ng maayos ng Papang mo at ito ang isusukli mo sa amin?!!"

"Patawarin niyo po ako, Mamang, Papang."

"Mang, nakita ko si Alyssa palagi na may kasamang lalaki. Akala ko nga kaibigan, ayon pala mayroon nang boyfriend na hindi sinasabi sa atin," sabat ni Kuya sa akin.

"Hala sige! Ipakita mo yang lalaking nakabuntis sa kapatid mo at ipapakasal natin riyan sa kapatid mong 16 palang. Kereng keng na! At kung ayaw, iitakin ko!" walang pakundangang sabi ni Papang.

"Tay, huhu, wala na po siya. Hindi ko na ho ma-kontak ang kanyang cellphone at wala na rin siya sa condo niya," naiiyak kong sabi kay Papang.

"Hala sige! Dito ka na lang sa bahay, at kami na ni Papang mo ang mag-aalaga sa magiging anak mo. Pagkatapos mong manganak, ituloy mo ang iyong pag-aaral," sabi ni Mamang.

"Maraming salamat po, Mamang. Mahal na mahal ko po kayo ni Papang at ni Kuya Xander," sabay yakap ko kay Mamang. Sumunod naman sila Papang at Kuya Xander.

"Ano pa ang magagawa natin, anak? Nandiyan na iyan," sabi ni Nanay. Patuloy parin ako sa pagyakap ng mahigpit sa kanila. Mahal na mahal ko kayo, Mamang, Papang, Kuya Xander.

Matapos ang 9 buwan

"Mamang! Papapang! Kuya!" sigaw ko ng may maramdaman akong likido na parang tubig sa aking pagitan ng hita. Manganganak na ako!!

*Inhale* *Exhale*

"Mamang! Manganganak na ako!" sigaw ko ng malakas, at may bigla namang kalabog na narinig. Nakabukas na pala ang pinto, kitang-kita ko sina Mamang, Papang, at Kuya na pawis na pawis at hinihingal.

"Nak, buhatin mo na ang kapatid mo at ipunta muna doon sa traysikel. Maipunta mo na siya sa hospital, kami na ang bahala sa gamit ng mga bata," sabi ni Papang.

Binuhat naman ako ni Kuya papuntang traysikel at pinaupo. Pumunta naman siya sa gilid at binuhay ang makina.

Nandito na ako ngayon sa emergency room dahil 10cm na daw. "Diko alam kung ano 'yung 10cm, alam ko lang ay umire hehe."

Pagkatapos kong manganak, inilipat na ako ng mga nurse sa "private room" dahil pag hindi daw private, baka daw magkasakit ang mga bata, sabi ni Mamang.

Nakahiga ako ngayon sa hospital bed kasama si Liyro habang si Mamang ay hawak si Lara. Si Papang naman ay kay Lorenz at si Kuya naman kay Lira.

Hiding The Billionaire's Quadruplets Heirs Where stories live. Discover now