Chapter: 15

3.9K 68 3
                                    

Nung pumasok ako sa bahay, ibig kong sabihin ang mansion ni Lucas, para tawagin at ayusin ang selebrasyon ng aming birthday boys and girls. Simula nung ipanganak ko sila, gusto ko palagi silang may party para ma-experience nila ang saya ng pag-celebrate, at para may childhood memory sila na maishare sa kanilang mga anak o apo.

Pag-akyat ko pa lang sa unang palapag ng hagdan, narining ko na ang dalawang prinsesa namin na nag-uusap kung ano ang dapat nilang isuot.

"Mas maganda yang pink, Lara. You should wear it sis para matchy-matchy tayo! Right, Kuya Liyro?"

"If you don't want to wear the pink one, princess, it's okay. Hayaan mo na si Lira nalang ang mag-wear ng pink."

Napatawa ako dahil alam kong mukhang masungit nanaman ang isang prinsesa.

Umakyat na ako hanggang sa marating ko ang kuwarto ng aking apat na mga anak. Kumatok muna ako sa kanilang pintuan, at binuksan ng yaya nila ang pinto. Nagpasalamat ako sa yaya at lumapit sa aking mga anak.

Si Liyro ay naka-upo sa kanyang higaan, habang si Lorenz ay naglalaro ng online games sa kanyang iPad. Kahit mahal ang mga gadgets na binili ng kanilang tatay, lagi kong ibinibilin na hindi dapat laging gadgets ang ini-enjoy ng mga bata para hindi masira ang mata. Pero sagot lang nila, "Yes, Mom. Kuya Liyro already made our schedule to use our gadgets."

Napansin ng Quadruplets na ako'y andiyan na, kaya't tumakbo sila palapit sa akin at nilumos ako ng maraming halik. Para na akong matutumba dahil naka-de kwatro na ako ng upo. Pero nang makaipon ako ng lakas, isa-isa ko silang kiniliti, at narinig ko ang malakas na hiyawan, "Mommy, s-stop! Hahahaha!" "Mama!! Ahh hahahaha!" "Hahahaha!"

Tinigil ko na ang pagkiliti at umayos na. Nakapansin ako na ang dalawang prinsepe namin ay nakaligo na at naka-suot na parang suot ng kanilang daddy pag nasa work. Ano na ba yun? *Cruuu* *Cruuu* Wag ko nang isipin, parang namamatay ang brain cells ko. Huhu.

"Nay, pwede bang paki paliguan na ang aming mga prinsesa para makapag-ayos na sila?"

"Yes po, ma'am."

"Yes, ma'am," sabi ng mayordoma.

"Sige po, ma'am."

Matapos nilang maligo at mag-ayos, lumabas ako ng kuwarto para mag-retouch. Hindi naman ako nagmamake-up na parang pupunta sa club, tinatawag ito na "light make-up."

Pagkatapos kong mag-retouch, bumaba ako at punta sa garden para makita kung all set na ang lahat. Bago pa ako makarating sa kinaroroonan ko, naririnig ko ang ilang halakhak ng mga kalalakihan.

"Haha! Got you bro, sabi na nga ba at may anak na itong kaibigan natin."

"Yes, I already know, our dear friend. Nagtatago ng mga anak niya. Hahaha."

May iba pa akong narinig na kuwentuhan, pero hindi ko na ito pinakinggan at pumunta na sa tabi ni Lucas.

"Jesus! What a sexy hot woman! Bro, kaya pala binuntis mo agad. Hahaha!" sabi ng isang moreno na napaka-gwapo.

"Yes! You've got a beautiful mesmerizing woman," sabi naman ng maputi at may abong mata.

Tiningnan ko ang aking mga flat sandals, hindi ko alam kung mahihiya ako sa sinasabi ng mga kaibigan ni Lucas o masaya dahil pinupuri nila ang aking kagandahan.

Nagulat ako nang hinapit ako ni Lucas at napahigpit ng konti ang kanyang hawak sa aking bewang.

"Bro, chill! Alam mo namang may sarili na kaming asawa't mga anak."

"Hahaha, ayan kasi ginalit niyo."

"Jesus, I don't want to die yet. I haven't even met the woman in my life who will give me a big family."

"Wag kang tumingin ng ganyan, Lucas. Wala kaming sinasabing masama."

Napatawa naman ako nang mahina sa mga sinasabi nilang paliwanag para lang mawala ang masamang tingin ni Lucas sa kanila. Mas lalo pang humigpit ang pagkakayapos niya sa akin at bigla niya akong hinalikan sa harap ng kanyang mga kaibigan.

"God, bro, get a room!"

"Not here, may mga bata!"

"Ano ba yan, sana all may asawa ako kasi--"

Hindi naituloy ang sasabihin ng may kulay blue na mata dahil tinuloy na ito ng isa sa kanilang mga kaibigan.

"Of course, because you always f*ck and just dump them afterwards, idiot!"

Tumawa naman silang lahat.

Tumingin naman ako kay Lucas at ibinulong, "Taas muna ako, tatawagin ko na yung apat nating mga anak." Napatango naman siya sa aking sinabi at inaanyayahan ang mga kaibigan niya na maupo kasama ang kanilang pamilya. Sa mga single naman niyang kaibigan, sila ay nagkakasama sa isang lamesa at nagkuwentuhan.

Tataas na sana ako nang makita kong nasa hagdan na ang aming mga prinsesa at prinsipe na hinahawakan ng aking lalaking kambal ang kanilang mga babaeng kambal sa kanang kamay.

Liyro, Lara, Lira, Lorenz.

Napa-"aww" naman ako sa aking isipan nang makita ko silang dahan-dahang inaalalayan ang kanilang mga babaeng kakambal. Kahit bata pa lang sila, alam na nina Lorenz at Liyro kung paano maging gentleman sa kanilang mga kapatid na babae. Na-imagine ko na pati paglaki nila, magiging mas gentleman sila sa mga babae. "Sana nga."

Nang makarating na kami sa garden, lahat sila ay nagtayuan at kumanta sabay-sabay ng "Happy Birthday Quadruplets, Happy Birthday, Happy Birthday Quadruplets!"

"Yey, ang dami naman ng mga bisita."

"Wow, mommy, daddy, thank you! And of course, sa mga bisita po namin."

"Thank you, people."

"Thank you po!"

Nagsimula na ang mga palaro para sa mga bata at nakita ko na napakasaya nila dahil ang premyo ay mga laruan, tsokolate, at kendi.

Matapos ang mga palaro para sa mga bata, sumunod na ang paghiwa ng cake at kumain na kaming lahat. Pero inuna ko muna ang mga bisita at ang aming mga anak bago ako kumain.

Napakasaya ng araw na ito para sa aming mga anak kaya nagpapasalamat ako kay Lucas dahil alam kong bumabawi na talaga siya sa mga bata at sa amin din.

Hiding The Billionaire's Quadruplets Heirs Where stories live. Discover now