Chapter: 9

5.9K 86 0
                                    

Lucas's POV

I woke up due to the sunlight streaming into the room. I reached out to my side to check if Aysa was still beside me, but she was nowhere to be found. I decided to get up and search for her, thinking she might be with the kids. No need to worry, Lucas.

I gathered my clothes and placed them in the laundry basket. Heading to the closet, I selected a white t-shirt and black army pants. I was walking down the stairs when napansin kong wala si Manang Fe. Kaya naman nagdere-diretso na ako sa kusina para magluto ng pang-umagahan namin ng mag-iina ko. "Wow," ang sarap pakinggan ng "mag-iina ko." Dapat itawag ko kanila Alyssa at sa mga anak namin.

Bago pa man ako makarating sa kusina, naririnig ko na ang mga hagikhik ng mga bata sa kusina at naamoy ko na ang amoy ng niluluto ng kung sino man. Ang sarap at ang bango kahit hindi ko pa nakikita at natitikman ang lutong iyon ay napakasarap na talaga ito.

Nandito na ako sa harap ng pinto ng kusina at nakita ko na nga kung sino ang nagluluto at ang mga batang naghahagikhikan na narinig ko na habang nasa handan palang ako.

Si Alyssa at ang apat naming anak na sina Liyro, Lara, Lorenz, at Lira ay naroroon sa kusina at kinakausap ang kanilang ina. Natatawa pa sila habang kausap si Alyssa. "Hi" bati ni Alyssa sa akin. Hindi ko akalaing ganoon kasaya ang kanyang pakiramdam sa akin ngayon.

"Hello my love" sabay naglakad ako patungo sa kanya at hinalikan siya sa noo. Pagkatapos, binati ko naman isa-isa ang aming apat na anak at hinalikan sila.

"Hi kiddos" bati ko sa kanila, hinalikan ang aming mga prinsesang sina Lira at Lara, at ang aming mga prinsipe na sina Liyro at Lorenz.

Alam kong magkamukha kami ni Liyro at hindi ko mapigilan na mapansin ito. Si Lorenz naman ay may halong mukha namin ni Alyssa, samantalang si Lara ang pinakamahiyain sa kanila at si Lira ang pinakakikay.

Matapos ni Alyssa magluto at maghain, tumulong rin ako sa pag-aayos ng lamesa. Pinaupo ko na ang mga anak namin at sinabihan silang huwag magulo at maingay. Baka sumakit ang ulo ni Aysa sa kanila dahil kung mag salita ba nama'y sabay sabay.

"Sige mga anak, maghahanda lang kami ni Mommy ng almusal ha?" tanong ko sa aming apat na anak. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nina Lara at Lorenz, samantalang si Liyro at Lira ay tila walang pakialam at nakatingin sa akin na parang nagtatanong kung totoo ba ang sinasabi ko.

Tiningnan ko si Aysa na biglang huminto sa paghahanda ng pagkain namin ngayong umaga at nagmukhang galit sa akin, parang sinasabi niya, "Bakit mo sinabi 'look'?" I just shrugged my shoulders at nagpatuloy sa ginagawa niya. Ako na ang nagpatuloy at hinawakan ko siya sa braso, hinila ang isang upuan at pinaupo siya.

Matapos kong ihanda at ihain ang pagkain sa mga bata, umupo na rin ako sa aking upuan at sasabayan sana ng pagkain nang biglang tumikhim si Alyssa. Napatingin ako sa kanya at sinenyasan niya ako na ako ang magsisimula sa dasal.

Pagkatapos kong manalangin, narining ko ang tunog ng kutsara, tinidor, at plato. Pagbukas ko ng mata, masaya kong nakita ang mga anak namin na masigla sa pagkain, habang si Alyssa ay naglalagay na ng pagkain sa kanyang plato.

Sumunod na ako sa pagkain. Pagkatapos naming kumain, inayos ko ang mga pinggan at dinala sa lababo. Nakita ko si Manang Fe na parang naghihintay, tila handa na sa anumang utos na ibibigay ko.

"Sir Lucas, ako na ho riyan. Sorry po na late ako, may sakit ho si Bertina, ang anak ko," sabi niya.

Tiningnan ko siya at ngumiti.

"Okay lang ho, Manang Fe. Sige na ho. If you insist, pupunta na ako sa itaas at sasamahan ko na ang mga mag-iina ko. At huwag mo pong kalimutan, Manang Fe, sinabi ko nang huwag mo na 'po' o 'opo' ako kasi mas matanda ka sa akin"

Natawa naman si Manang Fe at tinanguan na lang ako at nag-umpisang maghugas ng mga pinggan na ginamit namin kanina sa pagkain.

Hiding The Billionaire's Quadruplets Heirs Where stories live. Discover now