Chapter: 16

3.6K 59 1
                                    

"Lipat School Ang Peg"

Matapos ang ilang araw, nagdesisyon kami ni Lucas na ilipat na ang apat na masisigla at makukulit na bata sa ibang paaralan. Naayos na ni Lucas ang lahat ng kinakailangang papeles para sa kanilang paglipat, at kamakailan lang ay nag-shopping kami para sa kanilang mga gamit sa bagong paaralan.

Sobrang excited na ang mga bata na makapag-aral ulit, lalo na't hindi na sila mga "saling-pusa" sa kanilang classroom dahil 5 years old na sila. Namana rin nila ang talino ng kanilang ama, kaya lang wala ni isa sa  kanila ang nagmana sa akin. Medyo unfair nga!

Ngayon, nakaupo ako sa kama namin ni Lucas habang nagtitiklop ng mga nilabhan na damit. Sunday ngayon, kaya't kailangan na naming magsimba at magkaruon ng Family Day, lalo na't malapit na ang Nobyembre at Pasko. Kaya nga todo ang pag t-trabaho ni Lucas sa kanyang kumpanya para saamin.

Matapos tiklupin ang mga damit, nilagay ko ito sa aming walk-in closet. Sinundan ko rin ang mga damit ng aming mga anak.

Bukas ay pasukan na, kaya't excited na ako para sa kanilang pag-aaral. Matapos ang pag-ayos ng mga gamit, naligo na ako at sinuot ang isang dress na may maliit na sunflower prints. Bumaba ako at nakita ang aming mga anak na handang pumasok na, habang si Lucas ay naghihintay na sa baba at agad akong hinagkan sa labi. Napa-"iww" naman ang mga bata, at nagtawanan kami ni Lucas.

Pumasok na kami sa sasakyan ni Lucas, na tila limited edition at mamahalin. Dumating kami sa labas ng simbahan, kung saan nagpunta kami para sa Family Day.

Kinabukasan, nagising ako ng maaga para ihanda ang almusal ng aming mga anak. Ngayon ay ang araw na makakameeting si Lucas ng bagong nag-invest sa kanyang kumpanya. Billions ang ininvest ng investor na ito, at bagamat hindi ko masyadong nauunawaan ang mga bagay na iyon, dahil narin matagal na akong hindi nakaka pag trabaho. Mas pinili ko nalang maging isang simpleng may bahay para sa aming mga anak, pansamantala.

Hinatid ni Lucas ang mga bata sa kanilang paaralan, at bago siya umalis, nag-iwan siya ng maiinit na halik para sa akin, at isa-isang nag paalam saakin ang apat.

Hiding The Billionaire's Quadruplets Heirs Where stories live. Discover now