Thank God at ayos na ang mga anak ko.
"Deeanne anong nangyare at ang taas ng lagnat ng kambal?"tanong ni Kuya
"Umalis kami sa bahay na inupahan namin dumating kasi ang Mommy ni Miguel Kuya pag labas namin biglang bumuhos ang ulan"sabi ko
"Ano bakit anong ginawa ng Nanay niya sa inyo?"alalang tanong ni kuya
"Wala naman kuya mabuti na din at wala na kami ng mga bata doon Kuya"sabi ko na lang.
"Basta andito lang ang kuya ha para sa inyo ng kambal"ani Kuya Dexter
"Salamat kuya"sabi ko.Nag tagal lang kami ng overnight kinabukasan ay naka labas na din ang mga anak ko na pwede na daw sa bahay mag pagaling.
Nag pahatid ako sa apartment ni Candace at nag usap na kami ni kuya sa plano ko una hindi ito pumayag pero pinaliwanag ko na para sa mga anak ko ang gagawin ko.
Pag kahatid sa amin ay inantay kami nito dahil gusto niya na ihatid kami ayaw ko man pero hindi pumayag si kuya kaya inantay kami bago umalis.
Pinayagan naman ako ng boss ko matapos ko ipaliwanag sa kanya at naunawaan naman ako nito.
Si Miguel naman ay panay ang tawag at text sa akin ngunit hindi ko ito sinasagot mas mainam na din na lumayo kami ng mga anak ko.
Makalipas ang ilang oras ay nakarating kami ng sorsogon kung saan kami pansamantala mamalagi ng mga anak ko.
"Lorice ok lang ba talaga kayo ng kambal?"alalang tanong ni Mark sumama ito kay kuya
"Oo naman mas mainam na to para sa amin ng mga bata"sabi ko"Pwede naman dun sa rest house na nabili ko kayo mag lagi"alok nito
"Thank you pag iisipan ko sa ngayon ok na kami ng kambal dito"sabi ko"Basta kung may problema tumawag ka lang sa akin agad akong pupunta sa inyo"sabi nito.
"Thank you Mark"Kinabukasan na umalis sila Kuya Dexter at Mark hanggang sa huling sandali ay pinipilit pa din ako nito na sa resthouse niya kami tumuloy.
Sa pag alis nila kuya kami naman ng mga anak ko ay pansamantala na tumuloy sa bahay ni Candace wala ang mga magulang nito.
"Mama"si Deina
"Bakit anak may masakit ba sayo?"alalang tanong ko
"Wala naman po Mama"sagot nito "Mama makikita pa ba namin si Papa?"tanong nito
"Gusto mo bang makita anak?"tanong ko
"Gusto po Mama kaso yung Mama ni Papa baka magalit kaya ok lang kahit hindi na lang"sagot nito sa akin."Mga anak hindi papayag si Mama na saktan ang isa sa inyo"sabi ko
"Mama nakaka takot yung Mama ni Papa di ba Lola namin sya bakit parang ayaw niya sa amin Mama"gulat ako sa sinabi ni Drake"Anak hindi ko din alam kung bakit e"sagot ko " pahinga muna kayo para mabilis kayong gumaling alam niyo na ayaw na ayaw ni Mama na nag kakasakit kayo di ba!"sabi ko.
Lumipas ang dalawang linggo at tinawagan si Candace tapos na din kasi ang leave nito ako ganun din kahit ayaw ko bumalik pero kailangan.
Kaya eto kami ngayon pabalik na ng Quezon sinundo kami ni Mark at tuwang tuwa ang mga anak ko na nakita ang Tito Ninong nila.
Unang hinatid namin si Candace sunod ay hinatid na kami ni Mark sa bahay namin kela Mama.
Kaya pag ka baba ay agad na tumakbo ang mga anak ko kay Mama pero nahinto ang mga anak ko ng makita ang ama ng mga ito kahit ako ay nagulat bakit nandito si Miguel.
"Mga anak sama kayo kay Lola niyo"utos ko na agad naman sumama kay Mama.
"Anong ginagawa mo dito?"malamig na sabi ko
"Bakit kayo umalis ng bahay na hindi man lang nag sasabi sa akin at sinama mo mga anak ko"galit na sabi nito.
"Wow just wow masama na ba na isama ko mga ANAK KO?"matigas na sabi ko
"Walang masama Deeanne ang masama yung umalis kayo ng walang paalam ni hindi mo sinagot ang tawag at text ko sayo"galit na sabi nito"Bakit hindi mo tanongin ang Mommy mo Miguel hindi kami aalis ng mga bata kung hindi kami pinag salitaan ng Nanay mo maatim ko na pag salitaan niya ako pero yung sabihan niya ang mga anak ko na hindi maganda ayon ang hindi ko palalampasin"mahabang sabi ko
"Deeanne nag usap na kami ni Mommy ikaw daw ang umalis pinipigilan daw niya kayo"galit na sabi nito
"Oh talaga wow pinigilan niya kami alam mo Miguel walang patutunguhan to umalis ka na"galit na sabi ko"Hindi ako aalis hanggang hindi ko kasama ang mga anak ko"galit na sabi nito
"So lumabas na din sa nga bibig mo mag kamatayan na pero hinding hindi ko ibibigay mga anak ko sayo kahit gaano pa kalaki at kayaman hinding hindi ko ibibigay sayo napalaki ko ang mga anak ko na walang tulong mo"galit na sabi ko at tinalikuran ko ito.Sa pag pasok ko ay nanalambot ako ang nag bagsakan ang mga luha ko na agad kong pinahiran bago pa makita ng mga anak ko.
Hindi ako makakapapayag na makuha ang isa man sa mga anak ko ni Miguel ipag lalaban ko ng patayan ang mga anak ko.
Pumasok ako sa kwarto at agad na yumakap sa akin ang mga anak ko.
"Mama si Papa?"tanong agad ni Deina
"Anak gusto mo bang makasama ang Papa niyo? Papayag naman si Mama anak"sabi ko
"Mama ako ayaw ko sabi ni Papa kukunin niya kami sayo"si Drake
"Mama ayaw kong kunin kami ni Papa sayo Mama"si Deina
"Hindi papayag si Mama na kunin kayo sa akin"sabi ko.
"Talaga Mama"tanong nito tumango ako sa kanila
"Sige na mag rest na kayo malayo yung byahe natin kanina dito lang si Mama"sabi ko.
"Love you Mama"sabi ng mga ito
"Mahal na mahal din kayo ni Mama"at hinalikan ko ang mga itoLumabas lang ako ng tulog na ang dalawa pag pasok ko ng kusina andoon si Mama.
"Ma mag pahinga na po kayo"sabi ko
"Tapusin ko lang ito anak"sagot nito.
"Ma"tawag ko" tama ba ang naging desisyon ko Ma ayaw ko lang na masaktan ang mga anak ko"sabi ko"Anak ano ba talaga ang nangyari si Miguel ilang beses bumalik dito ng umalis kayo ng mga bata"ani Mama
"Nag punta ang Mommy niya sa apartment ni Miguel nung gabing yon at wala si Miguel ng oras na yon, at hindi niya kahit kailan matatanggap ang mga bata at tinawag na bastardo sa harap ng mga anak ko masakit Ma na sabihan niya na bastardo ang mga anak ko at higit sa lahat na kaya lang nag pakita si Miguel sa amin para kuhain ang loob ko para makuha niya ang mga bata sa akin at yun din ang sinabi ni Miguel sa akin kanina"mahabang sabi ko
"Anak kahit na anong mangyari andito lang kami at hindi tayo papayag na makuha nila ang kambal"ani Mama.
"Salamat Ma andyan kayo lagi sa amin ng mga bata"sabi ko.
"Sige na anak mag pahinga ka na alam kong napagod ka sa byahe"ani MamaKaya lumabas ako ng kusina at pumunta ng kwarto para tabihan ang kambal.
Agad kong niyakap ang mga ito.
Ano man ang mangyari ipaglalaban ko ang mga anak ko at walang makaka kuha isa man sa kanila.
YOU ARE READING
My Runaway Husband (COMPLETE)
RomanceWhat if hindi ka nagustuhan ng pamilya ng boyfriend mo especially Mommy niya. Dahil ba hindi kilala ang pamilya niya dahil ba isa ka lang scholar sa pinapasukan mong kilalang university. Si Deeanne Lorrice Sandoval isang beauty and brain na naka pas...