8

27 4 0
                                    

Sa nakalipas na araw lalong hindi mapag hiwalay ang kambal sa ama hindi ko din naman masisi ang mga anak ko dahil ngayon lang nila ito naka sama.

Labag man sa loob ko na mag sama kami sa iisang bubong para sa mga anak namin ay pumayag ako.

Kumuha ito ng bahay malapit lang din sa bahay at hindi din kalayuan sa trabaho ko.

"So kamusta kayo ni Miguel?"tanong ni Candace
"Maayos naman para sa mga bata"sagot ko ito kasi ang sinabihan ko about sa gusto ni Miguel at ito ang nag suggest na subukan na mag sama kami tutal mag asawa naman daw kami.

"Bakit hindi ka ba masaya?"tanong muli nito
"Masaya kasi masaya mga anak ko"sagot ko

"Deeanne bakit hindi mo bigyan ng chance si Miguel kung ako binalikan ng tatay ng anak ko bibigyan ko ng chance para maganda ang pag sasama namin"sabi nito
"Ewan ko Candace natatakot ako"sabi ko
"Saan sa pamilya ni Miguel kung yan ang paiiralin mo ang takot ayan ang mamayani sayo takot"pangaral nito "saka mukang handa naman kayo ipaglaban ni Miguel"dagdag nito
"Siguro"tipid na sagot ko.

Agad kong tinapos ang ginagawa ko dahil anong oras na din nauna nang umalis sila Candace at Natalie sa akin tanging ang ilan na lang ang na andito.

Nang matapos ay agad akong nag paalam sa iba nang maka labas ay dumaan muna ako ng grocery bago umuwi nag lalambing ang mga anak ko  na lutuan sila ng sinigang.

Pag karating ko ng bahay ay sinugod ako ng yakap at halik ng kambal.

"Mama tagal mo naman dumating wala si Papa e"sabi ni Deina
"Asan Papa niyo?"tanong ko at nakita ko na lumabas ang kapatid ko
"Umalis Ate emergency lang daw"ani ni Darren

"Oh sya mag bibihis lang si Mama tapos mag luluto na ako ng gusto niyo"sabi ko.

Agad akong pumunta ng kwarto at nag palit ng kumportableng damit saka lumabas at dumeretso para mag luto.

After kong maka luto ay agad na pinakain ko ang dalawa dahil makalat pag sila ang kumain mag isa.

"Mama kelan babalik si Papa?"tanong ni Drake
"Hindi ko alam anak"sabi ko
"Ate mauuna na ako may tinatapos pa ako sa bahay saka malapit na ang exam namin"paalam nito
"Salamat bunso may pera ka pa ba?"tanong ko
"Meron pa Ate thank you"sabi nito

After nitong kumain ay umalis na ito at kami na lang ang naiwan dito sa bahay.

Habang inaayos ko ang pinag kainan namin ang mga anak ko naman ay nanonood sa salas nang tumunog ang doorbel.

Agad kong iniwan ang ginagawa ko at pinuntahan kung sino ang nasa labas pero bago pa ako maka labas ay nasa living na ang Mommy ni Miguel.

"So talagang ginamit mo pa ang mga bastardong mga batang to para makuha ko ang anak ko"galit na sabi nito
"Ma'am wala ho kayong karapatan na tawagin na bastardo ang mga anak ko"galit na sabi ko
"Oh really I'm sorry"sarcastic na sabi nito" pero hindi ko kahit kailan ikaw matatanggap"dagdag nito

"Hindi ko ho ipipilit ang sarili ko na tanggapin niyo ako kaya makaka alis na ho kayo"pag tataboy ko

"Dapat lang na hindi ka na balikan ng anak ko dahil hindi nababagay ang anak ko sayo dahil nababagay ang anak ko sa ka level niya"galit na sabi nito

"Kahit kailan hindi ako nag habol sa anak niyo sya ang kusang pumunta at lumapit sa amin ng mga anak ko"galit na sabi ko

"Kaya lang pumunta ang anak ko sayo para kunin ang mga bata"biglang sabi nito agad kong nilapitan ang mga anak ko

"Mag kamatayan na hinding hindi niyo makukuha ang mga anak ko, lumayas na ho kayo hanggang may natitira pa akong respeto sa inyo"galit na sabi ko.

"Hindi mo kailangan na pag tabuyan ako sa bahay ng anak ko kayo ang umalis sa bahay na to"galit na sabi nito.

Agad kong kinuha ang mga anak ko at inayos ang mga damit namin na nilagay ko sa malaking bag.

"Mama sino yun?"takot na sabi ni Deina
"Mommy ni Papa mo anak sige na lagay niyo na yung damit niyo"utos ko nang matapos ay binuhat ko agad ang gamit namin pag labas namin andoon ang ang ina ni Miguel.

Pag labas ng bahay ay bumubuhos ang malakas na ulan agad kong tinakpan ng jacket nila ang mga anak ko.

Hanggang sa may makita kaming tricycle na paparating agad kong pinara at sinakay ang mga anak ko na basang basa.

Agad kong sinabi kung saan kami at nag pa hatid ako sa bahay ni Candace.

Pag karating namin aya agad na binuksan ni Candace ang gate at tinulungan kami ng mga bata.

"Ano't sumugod kayo sa ulan"galit na sabi nito.
"Mamaya na ako mag papaliwanag"sabi ko.

Agad kong pinalitan ng damit ang mga anak dahil baka mag ka sakit sila.

"Mama wag na tayo balik doon sa bahay na yon baka andoon pa yung Mommy ni Papa"ani Drake
"Hindi na anak hinding hindi na"sabi
"Deeanne anong nangyari anong sinasabi ni Drake?"takang tanong nito

"Nag punta ang Mommy ni Miguel sa bahay sakto wala ito sa bahay at kung ano anong masasakit na salita ang sinabi niya sa akin maging sa mga anak ko"sabi ko

"Ano? Napaka matapobre pala talaga yang nanay ni Miguel grabe pati mga  bata!"galit na sabi nito

"Ayos lang sa akin na pag salitaan niya ako pero yung mag salita sya sa mga anak ko nakaya kong palakihin ang mga anak ko na walang suporta ni Miguel"galit na sabi ko.

"Mama ano po yung bastardo?"singit ni Drake" sabi nung Mommy ni Papa kanina"dagdag nito.

"Anak wag mong pansinin yung sinabi niya sige na tulog na kayo"sabi ko
"Goodnight Mama goodnight Tita Candace"paalam ng dalawa.

"Girl anong plano mo?"tanong nito

"Candace nakaya ko naman buhayin ang mga anak ko kakayanin ko pa Lalo para sa kanila"sagot ko

"Kaya mo yan andito lang ako para sa inyo ng mga bata"sabi nito

"Salamat kailangan ko talaga yan ngayon"sabi ko"Pero ang problema ko sila Mama paano pag nalaman nila"dagdag ko

"Malamang magagalit yun pero hindi sayo kundi kay Miguel"ani Candace

"Ang sakit sobra ok lang ako talaga ang pag salitaan ng mga masasakit na salita wag lang ang mga anak ko"galit na wika ko

"Siguro kahit sa akin mangyari yun magagalit din ako e"sagot nito

"Alam mo yung mas masakit yung harap harapan ipamuka sayo na hindi ka gusto ng nanay niya hindi ka tanggap maging ang mga anak ko"naluhang bulas ko

"Kaya mo yan andito kami para sa inyo lakasan mo lang ang loob mo para sa mga bata"pag aalo nito sa akin

"Ang masakit din kasi sabi ng Mommy nito na kaya lang nag pakita at nakipag lapit si Miguel para kunin ang mga anak ko sa akin mag kamatayan na pero hinding hindi niya makukuha ang mga anak ko kung kinakailangan ko na lumayo gagawin ko"sabi ko

"Kung gusto mo doon na lang kayo ng mga bata sa probinsya namin sa Sorsogon atleast medyo malayo kahit papaano total tapos na yung ginagawa ko wala pa naman ako pending kaso ang sayo nasa kalahati pa lang pero baka pwede natin pakiusapan yung ka trabaho natin na kung pwede sya muna ang sumalo sayo"suggest nito

"Papayag naman siguro si Sir Fajardo"sabi ko

"Papayag naman siguro kailangan niyo muna na lumayo ng mga bata"sabi nito "Paano tara na at mag pahinga malalim na ang gabi"aya nito

Kaya pumasok ako sa kwarto kung saan natutulog ang mga anak ko.

Inayos ko ang kumot ng mga ito ng tumunog ang cellphone ko ng makita ko kung sino ang tumatawag ay agad kong pinatay ang phone ko ayaw ko na muna syang makita o makausap man lang.

Kahit gabi ay tinawagan ko si Mama at sinabi ko ang nangyari ang gusto nito ay umuwi na kami ng mga bata pero sinabi ko na na uuwi din kami ng bahay at wag sasabihin kay Miguel kung nasaan kami ng mga bata.

Matapos makausap ng ina ay nag paalam na ako.

Naalimpungatan ako ng mga bandang madaling araw at ng mahawakan ko ang mga anak ko na inaapoy ng lagnat agad akong kumuha ng maligamgam na tubig at pinunasan ang dalawa hanggang sa hindi pa rin nababa ang lagnat ng mga ito kaya nag pasya na akong dalhin sila sa ospital. Agad kong tinawagan si Kuya Dexter at agad naman na dumating ito at tinakbo namin ang mga anak ko.

My Runaway Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now