"Miguel POV."
Nanlamig ako nang unti unting na pumikip ang mga mata ni Deeanne.
Agad kong tinakbo si Deeanne agad kong binuhat ito at dinala sa sasakyan.
Binalikan ko ang mga anak ko na tulala sa kanilang kinatatayuan.
Agad kong pinatakbo ang sasakyan ko papunta ng malapit na ospital.
Pag karating ay agad kong binuhat ang walang buhay na si Deeanne agad akong humingi ng tulong.
Agad na dinala ito sa ER ang mga anak ko naman ay trauma sa nangyari agad ko na pina check up ang mga anak ko sa psychiatrist.
Hindi ko alam ang gagawin ko hindi ko expected na magagawa ni Mommy ito.
Agad akong tumawag kay Daddy at sinabi ang ginawa ni Mommy.
Hindi ko alam kung asan si Mommy dahil bigla itong nawala kanina pag ka kuha ko kay Deeanne.
Lumipas ang ilang oras at wala pa din nalabas sa loob ng OR.
Ang mga anak ko naman ay nasa private room.
Humahangos na dumating ang Mama ni Deeanne palapit sa akin.
"Miguel anong nangyari sa anak ko kamusta na sya?"alalang tanong nito
"Sorry po Tita hindi ko po na protektahan si Deeanne"sabi ko."Miguel sumagot ka anong nangyayari sa anak ko?"iyak nito.
"Binaril po sya ni Mommy sorry Tita hindi ko pong gustong mangyari ito sa kanya"hingi ko ng sorry."Hayop ka Miguel pinagkatiwalaan ka namin dahil sabi mo babawi ka sa pinsan at mga pamangkin ko"galit na sabi ni Kuya Dexter.
"Kuya hindi ko naman ginusto ang nangyari"sagot ko.
"Pwede ba wag kayo dito mag away"galit na sita sa amin ni Tita.
"Sorry po talaga Tita"sabi ko.Lumipas pa ang ilang oras saka bumukas ang pinto ng OR.
"Family of Ms. Sandoval"ani ng doctor
"Doc ako ang Mama niya kamusta ang anak ko?"alalang tanong nito."Mrs. kasalukuyan po na nasa comatose ang anak niyo dahil sa mga tama ng bala na natamo niya lalo na sa may malapit sa puso niya"paliwanag nito at madami pa itong sinabi sa amin.
"Doc gawin niyo po ang lahat"iyak ni Tita.
"Sa abot ng aming makakaya sa ngayon ay pwede niyo sya makita kahit sandali sa ICU"sabi nito.
Nanlumo ako sa nangyari kay Deeanne maging sa mga anak ko.
Kasalanan ko ito kung sana nag pakalalaki ako noon pa man sana hindi ako nag pa dala sa takot kay mommy sana nagawa ko silang ipag laban.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng ICU lalo akong nanlumo pag ka kita ko dahil ang daming aparato na naka kabit dito.
"Lorice I'm sorry hindi ka mag kakaganyan kung sana pinag laban ko kayo noon pa man"bulong ko.
Hinayaan ko muna ang pamilya nito ako naman ay nag punta sa kwarto ng mga anak ko.
Na natutulog agad ko silang nilapitan at pinag hahalikan ang mga ito.
"Sorry mga anak duwag si Daddy sorry at nangyari sa inyo ito"panay ang halik at yakap ko sa dalawa.
Naalimpumgatan ako ng tapikin ako pag tingin ko si Daddy.
"Dad"
"Kamusta ang mga bata?"tanong nito.
"Dad hindi pa sila makausap"sagot ko "grabe ang trauma nila hindi ko mapapatawad si Mommy"galit na sabi ko."Sorry anak kahit ako ay nagulat sa ginawa ng Mommy mo"ani Dad.
"Asan sya?"tanong ko.
"In Jail"sagot ng ama
"Dad hindi ko alam bakit nagawa ni Mom yon"sabi ko.
"Galit at selos"sagot nito
"Selos kanino?"takang tanong ko.
"Sa Mama ni Deeanne"gulat ako sa sinabi ni Dad
"What?""Alena siya ang dati kong nobya matalik na mag kaibigan ang Mommy mo at si Alena hanggang nag bago ito ng malaman na nilligawan at sinagot ako ni Alena doon nag iba ang Mommy mo"huminga ito bago nag salita muli
" nasa anim na buwan na kaming mag ka relasyon ni Alena ng gumawa ito ng isang bagay na kahit kailan ay hindi ko malimutan nilagyan niya ang inumin ko nag iba ang pakiramdam ko hanggang sa may nangyari sa amin ng Mommy mo"dagdag nito"doon kayo nabuo ng kapatid mo dahil sa isang pagkakamali nawala si Alena sa akin sa kagagawan ng Mommy mo at alam ng Mommy mo kung gaano ko kamahal si Alena kaya ng malaman niya na anak nito si Deeanne hindi niya matanggap"mahabang sabi ni Daddy.Shock ako sa mga sinabi ni Daddy sa akin kaya pala.
Bago ako mag salita ay nagising si Drake na may takot sa mga mata nito at umiyak ito.
"Anak andito si Papa"pag aalo ko
"Mama mama"iyak nito agad kong niyakap ang anak kong nag wawala
"Andito si Papa anak"pag papakalma ko pero panay ang piglas nito.Hanggang lumabas si Daddy at tumawag ng doctor na agad naman na pumasok.
Agad na tinurukan si Drake ng pampakalma.
Panay ang buhos ng luha ko sa nangyayari sa anak ko.
"Doc kamusta ang mga apo ko?"tanong ni Dad.
"Matindi ang natamo nilang trauma dahil nakita nila ang nangyari sa Mommy nila mawawala din kung mag papatuloy sila sa treatment nila"sabi nito "sa ngayon kailangan natin silang tutukan maigi"dagdag nito."Thank you doc"ani Dad.
Naiwan akong mag isa dito sa kwarto gusto ko man silipin si Deeanne sa ICU pero hindi ko maiwan ang mga anak ko.
Ilang sandali ay umalis na si Dad at pumasok si Tita para silipin ang mga apo.
"Tita I'm sorry po uli"
"Miguel gusto kong magalit pero hindi ko magawa dahil alam ko biktima ka din dito"sabi nito "hindi lang ako makapaniwala sa ginawa ng Mommy mo matalik kaming mag kaibigan napatawad ko sya sa ginawa niya dati sa akin pero yung ginawa niya sa anak ko ewan ko lang kung mapapatawad ko pa sya"dagdag nito
"Sorry po Tita sa nagawa ni Mommy kanina lang po nakwento ni Daddy"sabi ko
"Tapos na yon Miguel ang mahalaga ngayon ang anak at mga apo ko"ani Tita.
"Tita kung marapatin niyo po gusto ko po ilipat sila sa Manila"sabi ko.
"Kung saan ang ikabubuti at ikagagaling ng anak at mga apo ko Miguel"sagot nito"Thank you po Tita"sabi ko.
"Kamusta ano ang sabi ng doctor?"tanong nito
"Tinurukan ng pampakalma si Drake kanina dahil ng magising ito at nag wawala"sabi ko "Tita naawa ako sa mga anak ko ng dahil sa aki-""Miguel wag mong sisihin ang sarili mo walang may gusto sa nangyari ang mahalaga ay gumaling ang mga bata"ani ni Tita.
"Tita babawi ako sa lahat ng pag kukulang ko sa mga anak ko maging kay Deeanne"sabi ko.
"Panghahawakan ko ang sinabi mo Miguel"sabi ni Tita.
Lumipas ang isang linggo si Deeanne ay ilang beses nag flatline pero agad din na revived ito.
Napag pasyahan na dalhin na ito sa manila kasama ang Mama nito at dalawang kapatid naka sakay sa helicopter ambulance si Deeanne.
Kami naman ng mga anak ko ay sakay din ng helicopter na pag aari namin.
Agad kaming tumuloy sa ospital kung saan din titignan ang mga anak ko.

YOU ARE READING
My Runaway Husband (COMPLETE)
RomanceWhat if hindi ka nagustuhan ng pamilya ng boyfriend mo especially Mommy niya. Dahil ba hindi kilala ang pamilya niya dahil ba isa ka lang scholar sa pinapasukan mong kilalang university. Si Deeanne Lorrice Sandoval isang beauty and brain na naka pas...