Sa loob ng isang buwan unti unti ng bumabalik ang sigla ng kambal lalo na si Drake dahil sa pag ka miss sa ama, hindi ko naman masisi ang mga anak ko kahit saglit lang nila nakasama ang ama alam ko na sabik sila sa ama nila.
Kung siguro noon pa pinag laban na kami ni Miguel siguro masaya kaming pamilya.
Kahit na nung nag kita sila ng kambal hindi ako nag tanong at hindi din sya nag kwento kung bakit bigla syang hindi umuwi o ano, inaantay ko sya mag paliwanag hanggang sa dumating na nga ang ina nito.
Aaminin ko umasa ako na mag kakaayos at mabubuo na kami pero isang malaking ilusyon lang.
Habang tinitignan ko na masayang nag lalaro ang mga anak ko sa playland pinasyal ko ang kambal dahil na din sa nag lalambing ang mga ito.
Naging busy kasi ako sa trabaho ko pero di naman nawawala ang oras ko sa mga anak ko.
"Mama water po"hingi nito
"Anak tama na yan pawis na pawis na kayo"sabi ko sabay abot ng tubig nila.
"Mama tapos po nito saan po tayo punta?" Tanong ni Deina
"Kakain tapos buy ng gamit niyo sa school"sabi ko
"Yehey Mama gusto ko po barbie na bag po"ani Deina
"Sure baby ikaw naman Drake?"tanong ko
"Mama spiderman po"masayang sabi nito
"Paano tara na meryenda muna tayo bago tayo bumili ng gamit niyo"sabi koKaya pinakain ko muna sila sa Jollibee at ng matapos ay agad kaming nag punta sa department store para sa shoes and bags nila.
"Mama eto po"turo ni Drake
"Ok ok"tatawang sabi ko.After ng kay Drake ay kay Deina naman na bag nang matapos sa bag nila at shoes saka kami dumeretso ng bookstore para sa gamit nila.
Hindi naman kadamihan ang gamit nila dahil nasa nursery pa lang naman sila. Hinayaan ko lang sila sa gusto nila.
Matapos mamili ay nag aya na agad sila na umuwi dahil excited daw sila gamitin ang coloring book na pinabili.
Pag baba namin ng tricycle ay nakita ko ang pamilyar na sasakyan ni Miguel.
"Mga anak andyan ang Papa niyo"sabi ko
Agad ko binitbit ang gamit nila sinalubong kami ni Darren para kunin ang pinamili. Habang ang mga anak ko ay naka kapit sa akin.
"Bunso anong oras dumating yan?"tanong ko
"Ate mga 30mins na"sagot nito.Pag pasok namin ay agad na tumayo ito at lumapit sa amin, ang mga anak ko naman ay nag todo ang hawak sa kamay ko.
"Mga anak sige na"utos ko kaya lumapit ang dalawa at hinalikan ang Papa nila at bumalik na agad sa akin.
"Mga anak may binili si Daddy sa inyo"masayang sabi nito sabay abot ng paper bag sa kambal.
"Thank you Papa"walang buhay na sabi nila.
"Anak halika palitan ko muna kayo ng damit niyo"sabi ko "palitan ko lang ang mga bata"sabi ko kay Miguel
"Hindi na din ang mag tatagal aalis na din ako"sabi nito
"Ok salamat sa binigay mo sa mga bata"sabi ko
At umalis ito kami naman ng mga bata ay pumunta ng kwarto at pinalitan ng damit ang mga ito.
"Anak bakit ang tahimik niyo?"tanong ko
"Wala po Mama"sagot ni Drake
"Hindi ba kayo masaya na pumunta si Papa niyo?"tanong ko"Mama masaya po kaso baka mamaya malaman ng Mommy ni Papa na nag punta sya dito pumunta uli dito at awayin ka nanaman Mama"alalang sabi nito
"Anak hindi na papayag si Mama at hindi papayag si Mama na kunin ang isa man sa inyo tandaan niyo yan ha"sabi ko
"Ano gusto niyo nagamitin ang coloring book na pinabili niyo?"masayang sabi ko
"Opo Mama"masayang tugon ng dalawaKaya pinabayaan ko sila na gamitin ang pinabili nila sa akin. Ang mahalaga ay masaya ang mga anak ko.
Kinabukasan ay maaga akong umalis para pumasok ng trabaho pag pasok ko agad akong nilapitan ni Candace.
"Morning gurl"bati nito
"Good morning din aga natin ah"sabi ko
"Oo dapat dederetso na ako ng site kaso may nakalimutan ako dito sa office kaya dumaan muna ako pero paalis na din ako"sabi nito
"Sige ingat ka"sabi ko.Tumuloy ako sa table ko para taposin ang naiwan ko saka pupunta ng site buti na lang din ay malapit ng matapos ginagawang property ni Mr. Quejada.
Isang buwan na lang at matatapos na din kaya nag pasalamat ako dahil mag kaka roon na ako ng time sa kambal.
Pag ka uwi ng bahay ay sinalubong agad ako ng mga anak ko ng yakap at halik.
"Anak pawis na pawis kayo"sabi ko
"Mama laro kami ni Tito ninong e"sagot ni Drake
"Oh sya halika na baka matuyuan kayo ng pawis"sabi ko.Pag pasok ko andun sila sa sala na nag memeryenda.
"Anak andito ka na pala"ani Mama
"Opo Ma wala na ganong ginagawa kaya umuwi na ako ng maaga"sabi ko
"Oh sya mag palit ka na ng damit at mag meryenda na"sabi ni MamaPumasok kami ng kambal sa kwarto at pinalitan ng damit muna ang kambal bago ako nag palit.
"Mama ilan tulog pa po Mama bago kami mag School?"tanong ni Deina
"Four na sleep na lang anak"naka ngiting sabi ko
"Yehey talaga Mama"masayang sabi ni Drake
"Yes baby wag makulit pag nasa school kayo ha"bilin ko
"Opo Mama"sabay na bulas ng dalawa.Kaya lumabas kami at tumakbo nanaman ang kambal kaya napa iling na lang ako sa kakulitan nila.
Habang masayang nakiki pag kulitan ang kambal sa ninong nila ay biglang dumating si Miguel.
Si Mama ang unang naka huma sa amin.
"Oh Miguel pasok"aya ni Mama dito.
"Thank you po Tita"sabi ni agad.
"Saglit lang at ikukuha kita ng makakain mo"ani MamaAng mga bata naman ay biglang nanahimik.
"Lorice una na ako puntahan ko lang yung shop"paalam ni Mark.
"Tito Ninong aalis ka na agad di pa po tayo tapos mag play"ani Drake
"Babalik na lang si Tito Ninong Drake ha"paalam nito "una na ako Lorice"sabi nito sa akin.
"Hatid na kita"sabi ko.At lumabas kaming dalawa.
"Lorice ayos ka lang?"alalang tanong nito
"Oo naman bakit mo natanong?"tanong ko
"Wala naman. O sya alis na ako balik na lang ako ng weekend"sabi nito
"Sige salamat uli ingat ka"sabi koNang makaalis ito ay bumalik na ako sa loob ng bahay pero ang mga anak ko naman ay tahimik pa din.
Kaya ang ginawa ko na lang ay hinayaan ko na lang sila na mag aama na mag bonding kaya pumasok ako ng kwarto namin. Pero nagulat ako na kasunod ko na ang kambal.
"Anak bakit nandito kayo nasa labas ang Papa niyo"sabi ko sa kanila
"Mama gusto namin dito na lang sa kwarto ayaw namin sa labas"ani Drake"Anak hindi naman pwede yun andyan ang Papa niyo sige na maki pag laro kayo sa Papa niyo"sabi ko
"Ayoko Mama"ani Deina
"Bakit anak?"tanong ko
"Sabi ni Papa nung may kausap sya sa cellphone kukunin niya kami ni Kuya"bulas ni Deina"Anak anong sabi ni Mama?"tanong ko
"Hindi ka papayag na kunin kami"Drake
"Kaya sige na mga anak"sabi ko
"Mama doon ka din"ani Deina
"Ok sasama si Mama sa labas"sabi ko.Pag labas namin ay may kausap pa din sa cellphone si Miguel at nagulat ako sa narinig ko.
"Kukunin ko muna mga anak ko Mom"dinig na sabi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/275830397-288-k599473.jpg)
YOU ARE READING
My Runaway Husband (COMPLETE)
Storie d'amoreWhat if hindi ka nagustuhan ng pamilya ng boyfriend mo especially Mommy niya. Dahil ba hindi kilala ang pamilya niya dahil ba isa ka lang scholar sa pinapasukan mong kilalang university. Si Deeanne Lorrice Sandoval isang beauty and brain na naka pas...