Na andito lang kami sa kwarto at ayaw lubayan ng kambal sa Papa nila na baka daw umalis uli ito.
Wala akong nagawa kaya dumito na lang din.
"Mga anak linisan na kayo ni Mama"aya ko sa dalawa
"Papa wag kang aalis ha"si Deina
"Yes baby dito lang si Papa"sabi nito
"Promise Papa"si Drake
"Yes kiddo"sagot nitoKaya lumabas kami ng kwarto at naka salubong namin si Mama
"Anak umalis na si Nathan"ani Mama
"Ah sige Ma sasabihan ko na lang si Miguel liliguan ko lang ang dalawa"paalam ko.Habang nililinisan ko ang mga ito ay panay ang salita ng dalawa.
"Mama si Papa ba aalis pa?"biglang tanong ni Drake
"Yes anak may trabaho si Papa niyo"sabi ko at nakita ko na gumuhit ang lungkot sa mga mata ng mga anak ko."Anak bibisitahin naman kayo ni Papa niyo pag wala syang work"sabi ko agad
"Talaga Mama"ani Deina
"Oo naman"sabi koNang matapos ay agad kong tinapis ang towel sa kanila at dumeretso ng kwarto.
Pag pasok namin ay agad na sumigaw si Deina pero agad kong inawat kasi nakita ko na mahimbing na natutulog si Miguel.
"Anak hayaan niyo muna si Papa niyo"sabi ko
Kaya binihisan ko sila ng pajamas nila agad na tumabi si Drake sa ama si Deina kasi pinapatuyo ko pa ang buhok. Kaya nang natuyo ay agad na tumabi sa ama ng higa.
Siguro dahil sa pagod ay nakatulog agad ang kambal na yakap yakap ang Papa nila.
Habang inaayos ko ang mga natanggap ng mga ito dahil pinasok ni Darren ang mga regalo sa kwarto hanggang sa nagising si Miguel.
"Sorry nakatulog pala ako"hingi nito ng sorry
"It's ok"tipid na sabi ko at tinuloy ko ang pag aayos ng gamit ng kambal.
"Deeanne thank you pala"basag nito
"Para san?"tanong ko"Thank you dahil binigyan mo ako ng chance na makilala at mayakap ang mga anak natin"sabi nito ang sarap pakinggan na anak namin.
"Karapatan mo naman yun"tipid na sabi ko"Still thank you" sabi nito " Paano I have to go para maka pag rest ka na din"paalam nito
"Sige hatid kita sa labas"sabi ko pero biglang nagising si Drake
"Papa saan ka po pupunta?"tanong nito
"Kailangan ng umuwi ni Papa kiddo"sabi nito
"Sabi mo Papa di ka aalis"hikbi nito
"Babalik naman si Papa promise"pag alo nito sa anak
"Wag ka na alis Papa dito ka nalang, Mama"sabi agad nito
"Drake babalik si Papa mo"sabi ko
"Hindi iiwan nanaman kami ni Papa"iyak nito kaya nagising si Deina bigla itong umiyak dahil nasira ang tulog.
"Mama"si Deina
"Sleep na baby"sabi ko nagulat ako ng bigla nitong tinaas ang damit ko agad naginit ang pisngi ko
"Sorry"sabi ko "Drake babalik si Papa mo makakasama mo uli sya"sabi ko
"Papa please"pag sumamo nito wala na akong nagawa kundi wag pauwiin si Miguel.
"Sige na pag bigyan mo na si Drake"sabi ko
"Ok lang ba sayo?"tanong nito
"Kilala ko mga yan hindi titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto Lalo na sayo"sabi ko
"Thank you Deeanne pero pwede ba ako umuwi muna para kumuha ng damit or kung gusto mo sumama na kayo ng mga bata"sabi nito
Hindi ko alam bakit napapayag ako sa gusto nito na sumama sa tinutuluyan nito naramdaman ko nalang na sakay na kami ng mga bata sa sasakyan nito.
"Ok lang ba dumaan muna tayo ng mall para bumuli ng bed single lang kasi ang meron sa apartment kahit ako na lang ang sa baba"sabi nito kaya tumango na lang ako
Kaya pag karating ng mall pag ka park nito ay sumama si Drake sa ama na bibili ng bed para sa amin.
Hindi naman nag tagal at dumating ang mag ama ko dala ang malaking foam at agad na kami umalis at nag punta sa tinutuluyang apartment.
Ang apartment na tinutuluyan pala nito ay kay Nathan dito sya natuloy pansamantala na may dalawang kwarto na syang ookupahan namin.
Agad nito nilatag ang foam at nilagyan ng bedsheet na binili nito pati mga unan kaya agad kong hiniga si Deina na natutulog si Drake naman ay nasa tabi ko.
"Mama kaninong house to?"tanong nito
"Sa friend ni Papa mo baby"sabi ko "Tulog na anong oras na"sabi ko agad na tumabi ito sa kapatid.
"Mag shower lang ako"paalam nito at tumango lang ako sa kanya.
Agad kong kinumutan ang dalawa at inayos ang dala na gamit namin para sa isang araw na pag stay namin dito. llang minute lang ay lumabas ito na naka boxer at sando lang medyo nailang ako sa suot nito o dahil hindi lang ako sanay na.
Nang hihiga na ako ay nagising si Drake agad na lumapit ito sa akin akala ko tulog na ito.
"bat gising ka pa?"tanong ko
"Mama dede ako"sabi nito agad ko itong pinadede sa akin.
"Nag breastfeed ka papala"sabi nito
"Minsan lang pag matutulog sila"sagot ko.
Nakita ko ang titig nito sa amin ng mga bata
"Deeanne"tawag nito nag Hum lang ako "alam ko sobrang laki ng nagawa ko sayo maging sa mga anak natin pero hindi pa naman huli ang lahat pwede pa natin maayos ang pamilya natin kung papayag ka"sabi nito
"Paano ang pamilya mo Lalo na ang mommy mo?"tanong ko
"Hindi na ako papayag na makialam si Mommy ilang taon na ang nasayang ilang taon na akong nangungulila sa inyo ng mga anak natin sana bigyan mo pa ako ng isa pang chance at yung chance na yun ay hindi ko na sasayangin pa"anito
"Miguel natatakot lang ako kung sa akin ok lang pero ayaw ko dumating sa point na ang mga anak ko ang masaktan pag nalaman ng pamilya mo"sabi ko
"Hindi na ako papayag na mangyari yun enough na ang apat na taon na nasayang sa atin sa pamilya natin"sabi nito
"Pag iisipan ko muna sa ngayon sa mga bata muna"sagot ko
"Ok kung ayan ang gusto mo"sabi nito. "Let's sleep masyado ng late"sabi nito
Hinalikan nito sa noo si Deina sunod si Drake at hindi ako nakahuma ng halikan ako nito sa labi na agad akong pinamulaan.
"Goodnight love"bati nito
"G-goodnight"utal na sabi ko nang kumalma na ang puso ko ay agad kong inayos ang higa namin ni Drake si Deina ay nasa tabi ni Miguel.
Dahil siguro sa kapaguran ay naka tulog ako.
"Miguel POV"
Masaya ako na sa wakas ay kasama ko na ang mag iina ko katabi matulog kaya ginawa ko ay nilagay ko sa gilid ko si Deina dahil si Drake ay nasa kabilang gilid ni Deeanne.
Nang masiguro ko na hindi malalaglag sa lapag si Deina ay agad kong tinabihan ang babaeng mahal ko na naka talikod sa akin agad kong inangat ang ulo nito para sa braso ko ito umunan dahil sa sobrang pagod nito ay hindi ito nagising.
Ang sarap sa pakiramdam na katabi ko muli ang asawa ko, bonus na ang mga anak namin.

YOU ARE READING
My Runaway Husband (COMPLETED)
RomantizmWhat if hindi ka nagustuhan ng pamilya ng boyfriend mo especially Mommy niya. Dahil ba hindi kilala ang pamilya niya dahil ba isa ka lang scholar sa pinapasukan mong kilalang university. Si Deeanne Lorrice Sandoval isang beauty and brain na naka pas...