Chapter 1

2.5K 90 15
                                    




SHINA YOUNG

I fixed my suit and make sure I'm perfectly neat before knocking at Chairman Young's door. Kapag haharap ako sa aking tatay, gusto ko ay lagi akong maayos at presentable bilang tanda ng mataas na respeto ko sa kanya. I definitely don't want to get on his bad side. Simula ng makapagtapos ako ng pag-aaral, buong buhay ko ay inalay ko na sa kumpanya at sa pagsunod sa mga utos niya dahil wala akong ibang ginusto kundi ang maging tagapagmana ng kanyang posisyon. He's the chairman of Hundai Motor Company, the second largest company in the country that was founded by my grandfather. Father was the eldest and his the only legitimate son kaya sa kanya napunta ang kumpanya.

Chariman Young was busy reading documents when I entered his office. I'm excited. Siguro kaya niya ako pinatawag ay aaprubahan niya na ang ipo-propose ko sa board meeting na pagbili ng isang aviation company sa Europe.

"Good morning Chairman," pormal kong yukod.

Nag-angat siya ng mukha. "Oh you're here. Have a seat." Tumigil siya sa ginagawa at nagtungo sa leather sala set na nasa harapan ng kanyang mesa.

Naupo ako sa harap niya. "Pinatawag niyo daw ho ako."

"Yes. I have important thing to say to you."

"What is it chairman?" mahinahon kong tugon. Pinipigilan kong ipahalata ang aking excitement.

"You know Chairman Danny Shin right?" he asked.

"Of course sir. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa chairman ng Fontte Corporation," maamong ngiti ko. Fontte Corporation belongs to the top thirty companies in the country. They are in confectionaries, resort and hotels, beverages, restaurants and fifty more types of businesses.

"I had a nice and friendly conversation with him last night. We talked about business and family... especially about our children," he gave me a smile.

"That's very nice to hear chairman." Ngiti ko pa rin kahit medyo naku-confuse ako dahil parang hindi ang inaasahan kong topic ang aking naririnig. Also, he's talking to me with a fatherly tone this time. Sanay akong istrikto lagi ang pananalita at reaksiyon niya pagdating sa akin lalo na pag nasa kumpanya kami.

"We came up with a very important agreement." Mukhang masaya siya sa kanyang sasabihin. "He wants his youngest son to marry my daughter."

Nawala ang aking ngiti. Mistulang nagyelo ang lahat ng dugong dumadaloy sa aking mga ugat. I cannot talk for seconds. I don't want to believe what I just heard.

Napansin niya ang aking pamumutla at bahagyang natawa sa aking reaksiyon. "Don't worry it's not you. I won't marry you off yet, you still need to do a lot of things to prove you can take over Hundai. Isa pa, you're already thirty two. Sa ngayon ay mukhang mahihirapan na akong ipagkasundo ka sa mga anak ng ibang conglomerates."

Bumalik sa normal ang kulay ng aking mukha."Chairman, I clearly told you that I have no plan on getting married. I'm will devote my whole life for this company." Bagamat nakahinga na ako nang maluwag pero kasunod noon ay nalito naman ako. "I-If it's not me... kung ganun ay ipinagkasundo niyo ho si Suzie?"

"Wala ka namang ibang kapatid kundi siya lang."

I suddenly had an objection inside me. "B-But she's only twenty two. Can't we give her more time to enjoy her youth?" maingat at magalang na paglabas ko ng saloobin.

"I didn't say they'll marry now. Ang anak din naman ni Mr. Shin ay hindi pa pwedeng magpakasal sa ngayon. But all I want is for you to set them up smoothly. Gawan mo ng paraan na magkita sila, magkakilala at mahulog sa isa't isa. Hindi kailangang maikasal agad ang dalawa pero gusto ko ng kasiguraduhan na magiging parte ng pamilya natin ang mga Shin. I need to seal this marriage agreement as soon as possible. I choose to support Fontte Corporation dahil nakikita ko ang napakalaking potential na mapapabilang sila sa top 5 companies ng ating bansa. If our family merged with them, we will become the most influential family in the country.

Let's Love, Idol!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon