SHINA YOUNG"Suzie wake up! Please wake up!" Naluluha-luhang wika ko. I kept tapping her cheek and shaking her arms but she remained unconscious. Hindi ko na alam ang gagawin para magkamalay siya. I can't forgive myself. This is all my fault. I lied to her. Siguradong alam niya nang niloko at trinaydor ko siya.
"I can't contact our doctor. Can I get the number of your family doctor?" sabi sa akin ni Jin.
"Baka matagalan pa ang pagdating ng doktor dito. Why don't we rush her to the nearest hospital instead?" suhestiyon ni August.
"We can't do that baka mas lalo lang mapahamak si Ms. Young," ani RJ.
Mas lalo tuloy akong nalito sa dapat naming gawin.
"Oo nga kapag tayo ang nagdala sa kanya sa hospital tiyak na magkakagulo. Ate Shina baka pwedeng yung pinaka trusted na bodyguard mo na lang ang sumama sa inyo? Although we sincerely want to help, pero imbes na makatulong baka mas lalo lang gumulo ang sitwasyon," paliwanag ni August.
"O-Okay. I guess that's a better idea," mabilis kong pagsang-ayon. Tumayo agad ako para puntahan sa labas ang pinakapinagkakatiwalaan kong bodyguard.
"I don't think you still need to leave," sambit ni Jin nang makalapit na ako sa pintuan. Nilingon ko siya at laking gulat ko nang makitang nakatayo na si Suzie. Abot tenga ang kanyang ngiti habang di malaman kung sino sa mga bisita ang titingnan. Nanghihinang napaupo ako sa pinakamalapit na silya at mangiyak-ngiyak na sinapo ng palad ang aking mukha. Hindi masukat ang iniluwag ng aking paghinga. Pakiramdam ko ako na ang susunod na mahihimatay kung hindi pa siya nagkamalay.
"EEEEEIIIIIIII!"
Bigla akong napatayo sa lakas ng tili ni Suzie. Pati ang mga DVX ay biglang napaatras. Napahawak ako sa dibdib. Nalaglag ata sa sigaw na yun ang puso ko.
"Am I dreaming? Anong ginagawa ng DVX sa pamamahay ng ate ko?" She approached each member and bravely touched their arm one by one. "You're all real. Pero kayo ba talaga yan?" she asked with dreamy eyes.
"We're really are the DVX, Ms. Suzie," Hope said.
"Hala! You really sound like Hope!" she exclaimed with wider eyes.
Unti-unti akong nahiya sa reaksiyon ko sa pagkakahimatay niya. How silly of me to forget that my sister was a die hard fan of the group. Akala ko pa naman ay talagang nahimatay siya sa sama ng loob sa akin.
"Anong nangyari? Sino yung sumigaw?"
Nagulat ako nang lumitaw sa living room si Chef Gayo. As expected he turned speechless right after he recognized the famous group. Nakaawang ang bibig habang nababalot ng harina ang mga kamay.
Bakit ba kung kelan ko isinama sa unang pagkakataon ang DVX saka naman sila nagsipuntahan dito? Akala ko makakapagpahinga na ako matapos kung pagbigyan ang mga members na isama dito sa bahay, mukhang malabo pang mangyari yun dahil marami pang magaganap na paliwanagan.
"D-D-DVX?" He stuttered.
"Chef Gayo!" masiglang tawag ni Jin.
"Oh Jin! Nagkita ulit tayo!"
"Magkakilala kayo Jin?" taka ni James.
"Ah he's the excellent cook of Director Young. Remember she used to bring delicious food for us, si Chef Gayo ang nagluto ng mga yun," nagagalak na paliwanag ni Jin. His mood changed. He's more relaxed and enthusiastic now.
"Talaga?" Kookie's eyes widened. Mabilis itong lumapit kay Chef Gayo. Makikipagkamay sana pero hindi natuloy nang makitang puno ng harina ang kamay. "Ako po si Kookie. Gustong-gusto ko po yung mga niluto niyo. Sobrang sarap lalo na yung pasta at yung sandwich!"
BINABASA MO ANG
Let's Love, Idol!
FanfictionShina Young is soon to be the next CEO of Hundai Motor Company. She is hard working heiress whose only goal in life is to inherit the position of her father and successfully rule the conglomerate in the future. But one day, her serious and reputab...