Chapter 25

1.5K 65 57
                                    




JIN SHIN

"Direk saan ko po pwedeng ipatong to? Wala na pong mapaglagyan sa isang tent." Director Young asked while carrying a box of mineral water. Pawis na pawis dahil nakalimang buhat na ng kahon. She brought them from the van which was parked almost hundred meters away from our tents.

"Ilagay mo na lang diyan sa sulok Yura. Siguraduhin mo lang na hindi yan makakasagabal sa nilalakaran."

"Yes direk."

RJ rushed towards her. "Ate Yura ako na ang magbubuhat niyan."

She ignored him and put the box in the corner. Nagpunas nang pawis at huminga nang malalim.

"May bubuhatin ka pa. Tulungan na kita," said RJ.

She signaled him to go away. "Bumalik ka na doon sa make up artist mo malapit nang magsimula ang shooting."

"Are you sure? Kaya mo pang magbuhat?"

"Kung hindi ko na kaya, manghihingi ako ng tulong sa iba. Don't make me look like a bad manager. Sige na tapusin mo na yang make up mo," she said while still catching her breath.

Walang magawang nakinig sa kanya si RJ.

I kept looking at her through the mirror kahit pa maya't mayang sagabal ang kamay ng aking makeup artist. Hirap maniwala ang mga mata ko sa aking nasasaksihan. Simula nang  malaman ng grupo ang totoong katauhan niya ay tila domoble naman ang sipag niya. Mas sineryoso ang pagiging manager sa amin. It's a contrary to what I expected. I thought the heiress complex would begin to surface.

When our make up was done, isa-isa niya kaming nilapitan para bigyan ng tubig. She even opened the bottle cap for us.

The crew called me. Eksena ko na ang kukunan.  After few minutes, the director called a cut. Mabilis na lumapit sa akin si Director Young. "I put pillow on your chair. After your scene you can take a nap. You still have time to rest after your next scene." She muttered while wiping my face with tissue. Napapatingin na lamang ako sa mga mata niyang abala sa pag-uusisa kung saang parte ng mukha ko pa ang pupunasan.

"How about you? Aren't you going to take a rest?" salita ko.

"I'm not tired," kumpiyansang sagot niya.

Namahinga ako matapos kuhanan ang aking unang eksena. Magkasabay na eksena naman nina Kookie at James ang kinukunan. Director Young was seriously watching them. Naka standby lang habang may hawak na kahon ng tissue.

Dumating si Mr. Gun at napakunot ang aking noo nang mapansing kasama niya si Lawyer Kang. A food truck also arrived.

"Thank you for your hard works! I bought you delicious food!" Mr. Gun announced with his arrival. Masayang nagsipalakpakan ang mga crew.

Nakita niya ako at masiglang lumapit. "Good morning Jin! Kumusta ang pinakagwapong member ng DVX?"

I ignored his compliment. Sa halip ay tumingin ako kay Lawyer Kang na mukhang may hinahanap. "Bakit kasama mo si Lawyer Kang?"

Inilapit niya ang bibig sa tenga ko. "He has appointment with Director Young. She asked for a meeting. Maybe they have important things to discuss about Hundai," bulong niya.

Lawyer Kang was holding a suitcase in his left hand and a lunchbox in his right. Nang makita siya ni Director Young, kahit naka-mask ay pansin ko ang pagngiti ng mga mata nito. She instantly approached him. He gave the lunchbox and she gladly accepted it. Siguro nagpaluto siya kay Lawyer Kang, kaya pala wala siyang baon. Tanda ko pa rin na isa siya sa mga taong nakakain ni Dir. Young ang niluto.

Naglakad sila patungo sa direksiyon ng aming tent. Napatingin sa akin si Lawyer Kang. Mabilis akong pumikit at agad na nagkunwaring tulog. I couldn't look him directly in the eyes sapagkat hiya-hiya ako sa kanya at sa aking sarili dahil sa mga binitawan kong salita noong nagkaroon kami ng maliit na komprontasyon. Gusto kong lumubog sa kahihiyan sa tuwing naalala ko ang aking sinabi na hindi ako kailanman mahuhulog sa anak ni Chairman Young. I regretted saying it now that I know the real identity of Yura. Siguradong simula nang mga sandaling iyon ay pinagtatawanan na ako ni Lawyer Kang sa kanyang isipan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let's Love, Idol!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon