Chapter 8

722 61 6
                                    


JIN SHIN

We're at the dressing room of a TV station preparing for the first live performance of our newly released song. Pag ganito na espesyal ang aming pagtatanghal ay inaatake pa rin ako ng kaba kahit pa ilang taon ko na itong ginagawa. Lalong nadagdagan ang aking tensiyon nang mag-ring ang aking phone at ang aking ama ang caller.

"Jin aren't you going to answer your call?"sabi sa akin ni Ms. Yura habang tulala lang akong nakatitig sa aking telepono. Nagliligpit siya nang mga kalat namin sa dressing room.

"Ah yes I'll answer it," kurap ko. Tumingin muna ako sa isang stylist na hindi pa tapos sa pag-aayos ng damit ni Vince. She's focus on her work. Hindi na ako lumabas ng dressing room dahil busy naman ang lahat sa kanilang mga ginagawa.

"H-Hello Dad..."

"Jin my son!"his voice was lively and cheerful.

Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niya sa akin na tumawag lang siya upang ipaalam na natutuwa siya sa naging unang pagkikita namin ni Ms. Suzie Young. He said that Director Young sent him the picture of our date and it just made his day. At first the call was a relief, nagawa niya akong kumustahin. We had this rare father and son type of conversation but before it ended, the pressure began again. He's starting to ask about the second date. Mukhang hindi pa napaparating sa kanya ang mensahe na hindi na magkakaroon ng kasunod na date.

"Dad can we talk about it next time. I'm actually at the backstage right now and we're about to perform," I tried to be careful with my answer because Ms. Yura was approaching me.

When the call ended, she adjusted my crooked collar. She smiled and looked me in the eyes. "Is it your Dad?"

"Ah yes..."

She didn't respond at tinuloy ang pag-aayos sa aking kuwelyo. Speaking of father, I wonder how's her relationship with her father and what was that wish she shouted at the mountain for? Napag-usapan naming mga miyembro ang tungkol sa tatlong mga kahilingang isinigaw niya sa bundok. Because of those wishes, we all presumed that she really had a bit of pitiful life. Maybe she's still very dependent to her father and her sickness was the reason why she's scared of many things. Kaya pala maraming bagay ang tila first time sa kanya.

"Good luck sa performance niyo guys, galingan niyo!" masayang sabi niya sa aming lahat. "I wish I could watch you perform but I'm not allowed at the audience area. Bawal daw ang mga staff ng artists. "

"Pwede ka namang manood sa monitor dito sa backstage," I said.

"Yun na nga lang ang gagawin ko. Oh I'm so excited parang ako pa yung mas kinakabahan ngayon." She clasped her hand looking very tensed.

"Huwag kang mag-alala Ate Yura, mas gagalingan namin para sayo," sabi ni Kookie.

"Oo nga para naman huwag masayang ang panonood mo sa rehearsal namin, kahit tinulugan mo kami," kunway may tampong sabi ni August.

"Ikaw talaga August lagi mong natatandaan kahit yung maliliit na maling bagay na nagawa ko. Huwag kayong mag-alala babawi ako, kahit andito ako sa backstage ichi-cheer ko pa rin kayo."

A male crew of the TV station suddenly entered our dressing room. "Excuse me. Meron po ba ditong staff na Yura?"

Ms. Yura instantly raised her hand. "Yes that's me!" she answered brightly.

Lumapit sa kanya ang crew at inabot ang isang starbucks iced coffee.

"A-Ano yan?" taka niya habang nakatingin lang sa binibigay sa kanya.

"Pinabibigay ng Associate Director sayo."

Nagkatinginan kaming magkakagrupo. We know that AD dahil minsan naging malapit din kami sa kanya nung umaangat pa lamang ang aming career. Siya ang pinakababaerong TV crew na madalas dinidiskartehan ang mga magagandang baguhang staff. I noticed earlier that Ms. Yura easily caught his attention when she was watching us during rehearsal.

Let's Love, Idol!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon