Chapter 17

749 64 11
                                    


SHINA YOUNG

"Here's your water guys!" sigaw ko nang nakatungo. Hindi ako magkandaugaga sa pitong mineral water na akap-akap ko. Nilapag ko ang tubig sa bakanteng bench nang hindi nag-aangat ng mga paningin. Maingat na humarap ako sa pintuan upang lumabas din agad.

"Ms. Yura, where are you going?" tawag ni Jin. Lumaki ang mga butas ng aking ilong nang may kasamang pagngitngit ng mga ngipin.

"Babalik na ako sa kusina, marami pa akong mga hugasin," di gamagalaw na sagot ko nang nanatiling nakaharap sa pintuan.

"Just stay here. Ang hirap ng maya't maya ka naming tinatawag." matigas na utos niya.

"O-Okay..." walang magawang bumalik ako at naupo sa bench katabi ng mga tubig. Pagkaupo-upong ko ay pumikit ako at sumandal sa dingding. Nagtulug-tulugan ako maiwasan lang tingnan ang tanawin sa buong silid.

"What are you doing?" narinig ko na namang sabi ni Jin. Wala ba talaga siyang ibang makita kundi ako na lang lagi!

"Inaantok ako, kulang na kulang ako sa tulog," kunway pagod at nanghihinang wika ko.

"Open your eyes and be alert. That's unethical, we're working hard here tapos tutulugan mo kami diyan sa tabi," supladong sabi niya.

Nagtitimping nagmulat ako nang dahan-dahan. Una ko munang iminulat ang kanang mata at nang makitang walang nakaasiwang tanawin sa aking harapan ay saka ko iminulat na rin yung kaliwa. Ipinako ko lang ang aking mga paningin sa isang direksiyon kung saan bakanteng equipment lang ang nakikita ko.

"Ganyan. Dapat nanonood ka." I can't see his face but I can Imagine how he is smirking.

The members are doing work out in in the gym with their corresponding personal trainers. How could I stay calm in a room that exudes sweat and excessive masculinity? Bawat maling lingon ko ay umiigting na mga muscles ang tumatambad sa mga paningin ko. Sana makalabas ako sa silid na ito nang may busilak pa ring pag-iisip.

Jin sat on the chest equipment that I was gazing at. He's facing in my direction and therefore our eyes met. Nakasuot lamang siya ng workout short at itim na sando. Gusto kong umiwas agad ng tingin kaya lang alam kong sinasadya talaga ng kaharap ko na maupo kung saan ko siya makikita. Malamang binabantayan niya ang aking mga mata.

Hindi niya ako napaamin na wala akong asawa. Nakorner at nasindak niya man ako nang pansamantala pero pinanindigan ko pa ring may asawa ako. I was unable to give him good excuses or explanation however I didn't yield to his accusations. Kung aamin ako tiyak na agad akong mapapatalsik ng buong grupo bilang manager nila kaya kahit anong pilit niya ay hindi talaga ako nagpagitla. Dahil dito, araw-araw ay sinusubukan niya ako kapag may nakita siyang pagkakataon. He keeps on testing me if how far I already lost my innocence like other married women do.

He started pushing the handle of the gym equipment. Pinilit kong manood nang may kaswal na reaksiyon. Nagkunwaring hindi ako apektado. His chest and sweaty shoulders were shrieking firmness right in front of my innocent eyes. Every arc of his muscle was getting visible and more defined. His biceps are emerging like solid rocks every time he pushes and pulls the weight. Nanunuyo ang aking lalamunan pero hindi ako makalunok maging natural lamang ang aking hitsura. Kahit nakaupo lamang ako pero parang may tutulo ring pawis sa aking noo.

"Ms. Yura give me water," utos niya nang makatapos ng isang set at pansamantalang nagpapahinga.

Mabilis akong lumapit at inabot sa kanya ang tubig. Nagmadali rin akong bumalik sa upuan.

Nag-umpisa ulit siya sa sunod na set at nang matapos ay tinawag niya na naman ako.

"Punasan mo ang pawis ko."

Let's Love, Idol!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon