HUSGAHAN MAN NG LANGIT
(THE HARLOT SERIES 1)
Isinulat ni M.R.GalingChapter One
"BANTAYAN mo muna ang bata, Nanding! Ibigay ko lang itong tatlong pirasong isda at mansanas kay Theresa!" anito na agad pumanaog ng bahay at nilakad ang katabing bahay ng kaibigan. Kababata niya ito kaya halos magkapatid na ang turingan nilang dalawa. Kapwa ulila na kaya magkadamay silang dalawa. Kaya lang naging pokpok ang kanyang kaibigan at naanakan kaya tumigil na kaso dalawang taon na itong nagtitiis ng sakit sa matres.
Bukas ang pinto kaya kusang pinasok niya ang maliit at gawa sa kahoy na bahay ng kaibigan. Deretso siya sa kuwarto kung saan nakalatay ang maysakit na kaibigan. Hinawi niya ang kurtina saka nakita ang natutulog na kaibigan. Parang kinurot ang kanyang puso sa nakitang hitsura nito. Humpak ang pisngi at nanlalalim na mga mata at nangangayayat na. Malayo na sa Theresa na maganda at may alindog na nakakaakit. Ito ang pinakamagandang babae sa buong San Lazaro.
"Theresa!" pukaw ni Sarah sa natutulog na kaibigan. Nagmulat ito at ngumiti.
"May isda akong dala at mansanas, kainin mo itong prutas. Ako na magluluto para sa inyo. Si Therra, nasaan?"
"Nasa labas siguro, salamat sa'yo ha, Sarah." Mahina na ito pati pagsasalita.
"Sus, sino pa nga ba magdadamayan kundi tayong dalawa lang. Oh sige na at magluluto na ako," wika nito sabay tayo ngunit hinawakan siya sa kamay ng kaibigan.
"Ramdam kong hindi na ako magtatagal. Sarah, pakiusap ko na sana alagaan at ituring mo sana si Therra, mahalin mo siya na parang isang tunay mong anak." Tumulo agad ang mga luha nito sa mga mata.
"Sarah, huwag kang ganyan!" napaiyak na rin si Sarah. "Pamilya na kita, kaya makakaasa kang mamahalin ko si Therra."
"Salamat!" anito at napangiti na may luha sa mata. Masaya na siya at panatag na lilisanin ang mundo.
NAG-IIGIB ng tubig si Therra na sampung taong gulang. Isang timba ay dalawang piso ang bayad. Kailangan niyang kumita ng pera pambili man lang ng tinapay at ulam para sa kanyang ina. Ilang araw na kasi itong nanghihina kaya tumigil na sa paglalabada.
"Oh ito na bayad, bukas ulit ha?" anang matandang babae na nagbayad kay Therra ng trenta pesos.
"Salamat po!" Patakbong umuwi si Therra. Dumaan muna siya sa bakery para bumili ng tinapay.
"Inay! Nandito na po ako!" Inilagay nito sa mesa ang dalang tinapay at pumasok sa kanilang silid.
"Inay!'' tawag nito ngunit walang tugon. Tulog pa rin kaya hinawakan nito ang mukha ng ina.
"Inay bakit ang lamig mo? Teka po ayusin ko ang kumot mo," anito. Kinumutan ang inang hindi na gumalaw.
"May dala po akong tinapay, kakain ka po?" patuloy na tanong nito. "Inay!" Niyugyog nito ang ina ngunit hindi pa rin nagigising.
"Inay! Inay, gumising po kayo! Bakit ayaw ninyo magising? Inay!" Nang hindi pa rin magising ay patakbong pinuntahan ang kaibigan ng kanyang ina.
"Tao po!"
"Oh Therra, halika pasok!" anang kaibigan ng kanyang ina.
"Si Inay po kasi hindi nagigising!"
"Ano?" Gulat ang rumehistro sa mukha ni Sarah. Dala ang maliit na anak nito na napatakbo sa katabing bahay.
"Theresa!" tawag nito sa kaibigan at nang hawakan ay nalaman nitong patay na ang kanyang kaibigan. "Wala na ang iyong ina, Therra. Patay na siya," anito at napahagulhol.
"Inay!" umiiyak na niyakap ng mahigpit ni Therra ang ina. "Bakit mo ako iniwan? Paano po ako, Inay? Inay ko!"
Napuno ng iyakan ang maliit na bahay. Pagluluksa sa yumaong si Theresa Abayan.
BINABASA MO ANG
HUSGAHAN MAN NG LANGIT
RomanceHUSGAHAN MAN NG LANGIT (THE HARLOT SERIES 1) Isinulat ni M.R.Galing TEASER THERRA ABAYAN, maganda at mestisahin ngunit putok sa kawayan kung tawagin. Namatay ang ina sa murang edad niya kaya kinupkop siya ng ibang pamilya na minahal at itinuring niy...