Chapter 10

66 3 0
                                    

HUSGAHAN MAN NG LANGIT
(THE HARLOT SERIES 1)
Written by M.R.Galing

Chapter Ten

PINAGTIPON ni Don Conrad ang lahat ng kanyang mga tauhan sa malaking bahay. Katabi niya si Therra na nakupo sa sopa.

"Makinig kayong lahat! Simula ngayon ay señorita na itawag ninyo sa aking nag-iisang anak na si, Therra Abayan!" Anunsyo ng matanda.

Nagkatinginan ang lahat, mga katulong, hardenero, at driver. Lahat ay tila hindi makapaniwala.

"Lahat na narito na bagay at lahat ng mayroon ako ay pagmamay-ari rin ng aking anak, siya lang at wala ng iba!" Patuloy na saad ng matanda.

"Ano na namang pakulo ito, Dad?" si Cedric na kararating lang kasama ang nobya nito na si Alexa. Umalis muna ang binata at kinuha mga ibang gamit niya sa condo ni Alexa.

"Sumunod ka sa akin sa study room," anang matanda kay Cedric na agad namang tumalima.

Naiwan si Therra at si Alexa sa sala.

"Bumalik na kayo sa inyong mga trabaho," sabi ni Therra sa mga tauhan na agad ding nagsialisan.

"Anong ipinakain mo sa ama ni, Cedric? Dati pakilala niya sa'yo ay kabit, ngayon anak? Baka naman may iba kang nilagay sa puki mo kaya naman nang ipinakain mo ay nabaliw sa----Ouch!"

"Bitch!" Nanggigil na singhal ni Therra nang sampalin niya si Alexa ng todong lakas.

"Walang hiya ka!" si Alexa na sasabunutan sana si Therra ngunit nahawakan ng dalaga ang mga kamay nito at itinulak kaya bumagsak sa sahig. "Ahhh!" daing ni Alexa na hawak ang balakang. Nakatingin lang ang ibang katulong na naalarma.

"Ikaw ang walang hiya at ang kapal ng mukha! Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo kaya kailangan iyan masampulan!" anang dalaga na sinuntok ang bibig ni Alexa sa labis na galit.

"Fuck!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Alexa nang makita ang dugo sa kamay niya nang hawakan nito ang bibig na pumutok. "Kakasuhan kita!" sigaw nito na pilit tumayo.

"Do it! Hindi ako natatakot sa'yo! Trespassing ka alam mo iyon, pamamahay ko ito kaya lumayas ka rito!" singhal ni Therra.

"No! Lagot ka kay, Cedric!"

"Baka siya ang lagot! Subukan niya lang kampihan ko, sisiguraduhin kong hindi na siya makakaapak sa bahay na ito!" sabi ng dalaga. "Manang Lorna!" tawag niya sa mayordoma.

"Pakihagis ng babaeng ito sa labas! Masyado kasing bastos at basura ang ugali!" Utos ni Therra.

"O-opo señorita!"

"May araw ka rin sa akin!" duro ni Alexa sa dalaga na ngiti lang ang iginanti.

Napabuntong-hininga si Therra na sinusundan ang pag-alis ni Alexa.

NANGHIHINA at hindi makagalaw si Cedric matapos isalaysay ni Don Conrad ang buong katotohan sa kanya. Parang bombang sumabog sa kanyang mukha ang nalaman. Ni sa panaginip ay hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa kanya. "Dapat noon niyo pa sinabi sa akin. Sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon." Namilibis ang mga luha ng binata habang sinasabi ang kanyang saloobin. "Sa tingin niyo ba, madali lang sa akin tanggapin ito? Simula ng magkaroon ako ng isip ay ikaw na ang kinilala kong ama, kaya mahirap na tanggapin ito ng ganoon lang kadali."

"Patawarin mo ako, nakiusap si Celine, na hindi ko sabihin sa'yo ang totoo dahil wala ka ng ama. Matagal na siyang patay. Isa pa, napamahal ka na sa akin pero ngayong nakita ko na ang aking anak, panahon na para siya naman ang aking pangalagaan. Ang lahat ng bagay na natikman mo ay ibibigay ko naman sa kanya na sa tinagal ng panahon ay hindi niya nalasap. She became a harlot, a prostitute, a whore, a slut, a hooker because of poverty! Lahat ng itinawag at pang-alipusta mo sa kanya at pagdurog ng kanyang pagkatao ay hindi niya sana naranasan kung nakita ko sila agad. Ako na maraming pera, bahay, pagkain pero sarili kong anak ay kailangan pa ibenta ang sarili para lang sa pisteng mga bagay na mayroon ako, ako na ama niya. Sa tingin mo ba alin ba ang mas masakit? Ikaw na simula sa pagkasilang mo hanggang ngayon na binata na ay dumanas ng karangyaan pero malalaman mong mawawala ito sa'yo, o ako na amang hindi naibigay sa nag-iisang anak ang mga bagay na mayroon ako kaya ang anak ko ay dumanas ng kalupitan sa mundo ng kahirapan at kalupitan sa tao?" anang matanda na may luha rin sa mga mata.

HUSGAHAN MAN NG LANGIT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon