HUSGAHAN MAN NG LANGIT
(THE HARLOT SERIES 1)
Written by M.R.GalingFinale
"MAMILI ka na!" Nanlilitid ang mga ugat sa leeg ni Alexa sa pagsigaw nito.
Napatingin si Therra sa dalawang lalaking mahalaga sa kanya, si Cedric na minahal niya kahit ayaw nito sa kanya sa una at si Ron, na kahit bago pa lang ang panliligaw ay ipinakita sa kanya ang kahalagahan niya bilang isang babae kaya ang sarap lang subukan ang pag-ibig nito.
"Alexa, sa akin naman nagsimula ang lahat ng ito, please pakawalan mo na sila, ako na lang ang harapin mo at parusahan," ani Ron kay Alexa.
"Ron, hindi!" Tutol ni Therra. Humarap siya kay Alexa na may hawak ng baril. Tatlo lang ang kalaban, ang lalaking may hawak sa kanya ay lumabas para magbantay. Kailangan niya maging alisto at maging matapang para sa mga taong mahalaga sa kanya. "Alexa, mag-usap tayo."
"Wala tayong pag-uusapan! Mamili ka na sabi!"
"Alexa!" tawag ni Cedric nang itutok nito ang baril kay Therra.
Humakbang palapit si Therra kay Alexa. Hinawakan ang kamay at nag-agawan ng baril.
"Bitch!" si Alexa na gigil na gigil.
"Therra!" Kurong sigaw ng dalawang lalaki na may nakatutok pa ring mga baril sa bawat isa. Hindi rin makakilos ang dalawang bantay para saklolohan ang among si Alexa dahil bantay nila ang dalawang lalaki.
"Akin na ito!" si Therra na pilit nakikipag-agawan sa baril kay Alexa na kapwa na sila nakahiga sa sahig.
Natigil ang mundo ni Therra nang makarinig ng putok ng baril kaya napatingin siya sa paligid kung sino ang binaril. Napatulala rin si Alexa sa kaba kaya binitiwan ang baril na agad kinuha ni Therra.
"Boss!" ang bodyguard ni Ron ang bumaril sa lalaking nakatutok sa kanyang ama at tinanggal ang tali sa likod.
Si Cedric naman ay nakikipagbuno sa lalaking nakatutok ng baril sa kanya kanina. Maluwag ang pagkakatali sa kanya kaya kanina pa ito natanggal. Nang marinig ang putok ay nakipag-agawan siya agad ng baril sa kalaban.
"No!" sigaw ni Alexa na napapailing. Hindi siya papayag na matalo siya kaya kinuha ang baril ng tauhan niyang patay na at itinutok kay Therra na hawak pa ang baril pero tila natulala.
"Therra!" Patakbong lumapit si Ron sa dalaga nang makitang babarilin ito ni Alexa.
Tatlong putok ang narinig muli sa apat na sulok ng gusali. Ang isa ay galing kay Cedric na naagaw ang baril at napatay ang kalaban, pangalawa ay galing sa bodyguard ni Ron na binaril si Alexa nang makitang hawak na nito ang baril, ngunit kasabay sa pagtama ng bala sa katawan ni Alexa ay nakalabit na pala ang gatilyo ng baril nito na nakatutok kay Therra.
"Ron!" sigaw ni Therra na'ng binata ang siyang tamaan ng bala na para sa kanya. Yakap siya ni Ron kaya tinamaan ito sa likod.
"Bossing!" sigaw ng bodyguard, siya namang dating ng patrol car ng mga pulis.
"Ron!" Umiiyak at nanginginig si Therra nang makitang lumalabas ang dugo sa bibig ng binatang Congressman.
Agad binuhat si Ron ng mga pulis at isinakay sa kararating pa lang na ambulance. "Ron, huwag! Kumapit ka, lumaban ka please!" si Therra na walang patid ang luha sa mga mata. Puno na ng dugo ang kanyang damit, kamay, at mukha. "Mahal mo ako hindi ba? Mamahalin pa kita kaya lumaban ka!" Umiiyak na hawak niya ang kamay nito na nasa kanyang labi. Sakay sila sa ambulance papuntang ospital. Naramdaman niya ang paggalaw ng daliri nito ngunit nagulat ang dalaga sa tila anong boses na galing kay Ron, parang...."Ron!" sigaw niya, saka naman ang paghinto ng ambulance at kinuha na ang katawan ng binata.
BINABASA MO ANG
HUSGAHAN MAN NG LANGIT
RomanceHUSGAHAN MAN NG LANGIT (THE HARLOT SERIES 1) Isinulat ni M.R.Galing TEASER THERRA ABAYAN, maganda at mestisahin ngunit putok sa kawayan kung tawagin. Namatay ang ina sa murang edad niya kaya kinupkop siya ng ibang pamilya na minahal at itinuring niy...