Chapter 11

60 3 0
                                    

HUSGAHAN MAN NG LANGIT
(THE HARLOT SERIES )
Written by M.R.Galing

Chapter Eleven

"NASAAN si, Therra?" tanong ni Cedric sa katulong na kababalik lang sa malaking bahay.

"Bakit?" anang dalaga na nasa likuran na nito. Nasa kusina kasi si Cedric para magtanong.

"Pwede ba tayo mag-usap?" anang binata.

''Sure, sa sala tayo." Naunang humakbang si Therra na nakasunod naman agad ang binata. Naupo sa malaking sopa.

Napasuklay si Cedric bago magsalita, "Ahm...S-sorry pala sa mga nasabi ko sa'yo noon? Napagtanto kong wala pala akong karapatan na gawin iyon sa'yo. Sorry sa nagawa ko ring pagpuwersa sa'yo nitong nakaraan lang."

"Ano ang nagpabago sa'yo, Cedric? Nagbago ka ba dahil sa natakot kang palayasin kita rito o ang tuluyang maging mahirap ka na?" Taas ang kilay na saad ng dalaga.

"Yes, aaminin ko. Hindi ka kasi maniniwala kung sasabihin kong hindi dahil tao lang ako. So, that's why I'm here. Therra, please give me another chance to show you who really I am. Naging magaspang lang naman ugali ko sa tulad mong maganda dahil sa akala ko'y kabit ka ni, daddy. Please Therra, let's start a new relation. Can you be my friend?"

Tiningnan maigi ni Therra ang mukha ni Cedric. Inaaninag kung seryoso ba ito pero kung ano man ang totoo ay wala na siyang pakialam dahil ang katotohanan ay may nararamdaman na siya rito. "Sige, huwag kang mag-alala Cedric, kuwarto mo pa rin ang gagamitin mo. Isa pa, alam kong mahal mo si Itay, kaya hindi kita pagdadamutan sa kanya. Sige, magpapahinga na ako at may klase ako bukas maghapon." Tumayo ang dalaga at iniwan si Cedric sa sala.

"Ibang klase siya, akala ko magyayabang siya sa akin. Talaga bang mabait ka, Therra?" anang binata sa sarili. Umakyat sa kuwarto niya para magpahinga nang makita niya ang kinilalang ama ng mahabang panahon na kalalabas lang sa kuwarto.

"Cedric!" anito.

"She let me stay here." Patiuna ng binata.

"Hijo, uulitin ko, ingatan mo at igalang ang aking anak katulad sa pag-iingat ko sa'yo simula no'ng bata ka pa kahit hindi kita kadugo.'' Paalala ng matanda. Umaasa siyang magiging maayos ang lahat na susuklian ni Cedric ang kabutihan niyang ginawa.

"Y-yes, dad and thank you!" si Cedric na pumasok na sa loob. Nahiga sa kanyang malambot na kama napalalim ang pag-iisip.

DAYS RUN FAST

Nagpakita nga si Cedric ng kabutihan sa dalaga. Naging sweet na ito.

"Therra!" Tawag ni Cedric na kumakatok sa kuwarto ng dalaga.

"Pasok ka bukas iyan!" anang dalaga sa loob ng kanyang silid.

Pumasok nga si Cedric at nakita niyang aligaga ang dalaga sa harap ng computer nito. "May dala akong apple at hiniwa ko iyan para sa'yo! Kainin no na!"

''Wow, salamat! Wait lang nahihirapan ako rito!"

"Teka baka alam ko pa iyan, turuan kita." Lumapit si Cedric sa dalaga at tiningnan ang mga sasagutan sa computer. Itinuro ng binata kung paano gawin.

"Wow! Ang galing mo Cedric, thank you!" Nakangiting saad ng dalaga na tumingala pa sa nakayukong binata. Nagtama ang kanilang mga mata at amoy ng dalaga ang mabangong hininga ng binata.

Nag-init agad ang pakiramdam ni Cedric. Amoy niya kasi ang mabangong shampoo nito na ginamit kanina pa.

"Kakainin ko muna ang apple na dala mo,'' si Therra na agad tumayo at umiwas sa binata.

"Yeah, oh paano labas na ako."

"Sige, salamat dito!" Nakangiting saad ng dalaga.

"You're always welcome. Bumabawi lang ako sa mga nagawa ko sa'yo. Sa baba na ako!" si Cedric na tinuturo pa ang pintuan na tila ba'y nagpapapigil kaya natatawa na lang ang dalaga.

HUSGAHAN MAN NG LANGIT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon