HUSGAHAN MAN NG LANGIT
(THE HARLOT SERIES 1)
Written by M.R.GalingChapter Thirteen
"ITAY!" si Therra na niyakap ang ama. Kauuwi niya lang galing Baguio. Nag-commute na lang siya pabalik.
Hinamas-himas ni Don Conrad ang likod ni Therra. "Are you okay?"
Kumalas ang dalaga sa pagkakayakap sa ama at ngumiti na may lungkot sa mga mata. "Ayos na po ako. Itay, tama po ba ginawa ko?"
"Oo tama ka, kailangan ni, Cedric patunayan na mahal ka niya. Pasalamat nga siya at wala siyang narinig mula sa akin kahit alam kong may plano siya pero dahil mahal mo siya'y pinagbigyan kita. Kung talagang umiibig siya sa'yo, gagawin niya ang tamang panliligaw na walang halong ibang hangarin," anang matanda. Alam kasi nito na may karelasyon pa si Cedric na babae kaya naghinala siya sa binata.
MULING nagsumikap si Therra na mag-aral. Naging busy araw-araw na sa bawat paglipas ay halos mapuno na ang silid ni Cedric dati, na ngayo'y tambakan na ng mga bulaklak na araw-araw pinapadala ng binata sa malaking bahay.
"Señorita, may bagong dating na ulit na bulaklak," sabi ni Aling Lorna kay Therra.
"Alam niyo na po kung saan ilalagay," anang dalaga na tinanggal lang ang card at iyon ang binasa.
"I miss you so much, sweety!" nakasaad sa card.
"Sige, pakyawin mo ang mga bulaklak sa flower shop," napapangiting aniya sa sarili.
"Halika na anak!" si Don Conrad sa dalaga.
"Opo," sagot ni Therra. May pupuntahan kasi silang campaign na susuportahan ng kanyang ama. Nang pasakay na ang dalaga ay nakita niya sa isang sulok ng kanyang mga mata si Cedric na nakatanaw sa kanila. Pansin niya rin na nakasunod ito sa kanilang sasakyan. "Kailan pa siya naging stalker?" bulong ng dalaga.
"May sinabi ka ba anak?" si Don Conrad na naulinagan na nagsalita si Therra.
"Wala po iyon," anang dalaga.
Hanggang sa makarating sila sa venue kung saan nagtitipon-tipon ang buong partido na susuportahan ng kanyang ama, ay ramdam ng dalaga na nakasunod lang si Cedric. Napatingin sa gawi nila ang pansin ng lahat. Biglang tumahimk at may ngiti sa mga labi ng mga ito. Kilala kasi ang kanyang ama na taga-suporta ng partidong nasyonalista sa Bulacan.
"Palakpakan natin ang ating butihing Don Conrad Villareal!" anang tagapagsalita. Naging maingay naman ang mga tao na naroroon.
"Don Conrad!"
Napatda sa kinatatayuan niya si Therra nang makilala ang lalaking tumawag sa kanyang ama at papalapit sa kanila. Hindi niya makakalimutan kailanman ang lalaking unang bumasag sa kanyang hiyas at pagkatao.
"Congressman!" tugon ng matanda at nakipagkamay sa lalaki.
"Salamat sa iyong pagdating, hindi mo kami binibigo. Utang namin sa'yo ang lahat ng aming pagwawagi. Biruin mo, last term ko na pero patuloy pa ring namamayagpag. Salamat sa suport----" Napatigil ito sa pagsasalita nang mapatingin sa babaeng hindi niya nakakalimutan kailanman. Ang babaeng laman ng kanyang isip at puso. Ang babaeng hinahanap niya na hanggang ngayon ay hindi na niya makita kahit ilang beses na siyang bumalik sa heaven's club.
Napansin ni Don Conrad na nakatitig si Congressman sa kanyang magandang anak. "Kasama ko pala ang nag-iisa kong anak, Therra Abayan Villareal." Pagpapakilala ng matanda sa kaharap na Congressman.
"Maricela!" Bigkas ni Congressman.
"A-ah...Hi!" anang dalaga na nanginginig ang mga kamay.
"Kilala mo anak ko?" si Don Conrad. Bigla nagka-ideya ang matanda sa binanggit na pangalan ng kanyang anak na sa club lang ginamit.
BINABASA MO ANG
HUSGAHAN MAN NG LANGIT
RomansHUSGAHAN MAN NG LANGIT (THE HARLOT SERIES 1) Isinulat ni M.R.Galing TEASER THERRA ABAYAN, maganda at mestisahin ngunit putok sa kawayan kung tawagin. Namatay ang ina sa murang edad niya kaya kinupkop siya ng ibang pamilya na minahal at itinuring niy...