HUSGAHAN MAN NG LANGIT
(THE HARLOT SERIES 1)
Isinulat ni M.R.GalingChapter Three
TAHIMIK na umiiyak si Therra habang nakatalikod sa lalaking unang nakawasak ng kanyang pagkatao. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tanging nakabalot sa hubad niyang katawan. Dinig niya ang malakas na hilik ni Congressman, nagsasaad na nakatulog na ito sa pagod sa ilang beses na pag-angkin sa kanya. Ramdam niya ang kirot sa kanyang hiyas, kirot na umabot sa kanyang puso.
Dahan-dahang bumangon at paika-ikang pumasok sa banyo. Binuksan ang shower at hinayaang mabasa ang buong katawan, sinusubukang maalis ang dumi na kanyang nadarama, pero katulad nang pagkawala ng kanyang iniingatan ay ganoon din ang markang hindi na maalis kailanman.
Napahagulhol siya sa loob ng banyo, singlakas ng agos ng kanyang luha sa agos ng tubig sa kanyang katawan. Nang mailabas ang lahat ng sakit ng dibdib ay lumabas na ng kuwarto at nagbihis. Nahiga at pilit hinahanap ang antok.
Nagising siyang may humihimas sa kanyang hiyas.
"Good morning pretty girl! Pagbigyan mo ako isa na lang bago tayo umalis dito. Marami pa akong gagawin sa opisina," anito sabay halik sa dalaga.
Gusto sana magreklamo ni Therra, sabihing pagod na siya at ayaw na niya, pero ano nga ba ang karapatan niyang humindi, eh pinagbili na niya ang sariling katawan.
Tagaktak ang pawis na nagbibihis si Congressman pagkatapos ng isang round, nagmamadali dahil late na ito. "Akin ka lang, Maricela! Mag-usap tayo mamayang gabi sa club. Ako bahala magsabi kay, Madam Lara." Nakangiting saad nito sa dalagang nakatagilid sa paghiga. "Oh, paano una na ako sa'yo!" dagdag nito bago umalis.
Nang makaalis ang Congressman ay bumangon ang dalaga na parang lantang gulay. Masakit ang buong katawan na nagpasyang umuwi.
"Ate, bakit inumaga ka? Nag-alala si Inay sa'yo kagabi. Saan ka ba natulog?" Salubong na tanong ni Lina, ang pangatlong anak nila Mang Nanding at Aling Sarah na labing isang taong gulang pa lang.
"A-ah pagod ako, Lina," turan ng dalaga.
"Bukas na raw lalabas si Itay," anito.
"Mabuti naman. Paglabas sa paaralan ng kuya mo ay papuntahin mo kamo sa hospital at ibigay ang pera kay Inay, " anang dalaga na kinuha ang libo-libong pera sa sling bag na dala niya.
Nanlaki ang mga mata ng bata sa dami ng pera ng kanyang nakakatandang kapatid. Sinundan na lang nito ang pagpasok sa loob ni Therra.
HAPON na nang magising si Therra sa mahabang pagkakatulog. Parang binugbog ang katawan na mahirap kumilos. "Kailangan mong pumasok, naumpisahan na kaya tapusin na lang at tanggapin. Ito ang kapalaran mo, ang nakatakdang kapalaran mo!" sabi ng dalaga sa sarili. Lumabas ng kanyang silid para maligo at magbihis.
Pumasok sa club at nag-umpisa nang sumayaw. Nagkaroon ng sariling show sa entabladong hubad sa katotohanang ito na ang mundo niya. Nagtaka rin ang dalaga na hindi na bumalik ang Congressman kaya kailangan niya kumita sa ibang lalaki.
Umaga na ulit si Therra umuwi, galing sa pakikipagsiping sa anak ng isang judge. Muling kumita ng malaking pera na ngayon lang niya natamasa.
"Anong trabaho mo at inuumaga ka lagi? Anong trabaho mo na lugi pa ang isang guro kung kumita ng pera? Ilang araw na'ng lumipas na araw-araw kang nagbibigay ng malaking halaga, saan iyon galing? Sumagot ka, Therra!" Salubong na mga tanong ni Aling Sarah.
"Pagod po ako Inay, ito ang pera, bayaran ang mga dapat ninyong bayaran," anang dalaga sa kanyang kinikilalang ina pagkatapos maglabas uli ng pera at pumasok sa kuwarto.
BINABASA MO ANG
HUSGAHAN MAN NG LANGIT
RomanceHUSGAHAN MAN NG LANGIT (THE HARLOT SERIES 1) Isinulat ni M.R.Galing TEASER THERRA ABAYAN, maganda at mestisahin ngunit putok sa kawayan kung tawagin. Namatay ang ina sa murang edad niya kaya kinupkop siya ng ibang pamilya na minahal at itinuring niy...