Chapter 12

67 3 0
                                    

HUSGAHAN MAN NG LANGIT
(THE HARLOT SERIES 1)
Written by M.R.Galing

Chapter Twelve

ISANG BUWAN ang matuling lumipas sa relasyon nila Therra at Cedric. Si Therra ay busy sa pag-aaral at si Cedric ay busy sa pabrika pero kapag nasa bahay na ay may panahon na sila para sa isa't-isa.

"Sweety!" tawag ni Cedric sa dalaga na busy pa rin sa harap ng computer.

"Hmn?" Humarap si Therra sa katabing nobyo.

"What if, magpakasal na tayo?" anang binata.

"Ha? Bakit agad-agad? Hindi ka nagmamadali 'no?"

"Well, para ano pa? We love each other and wala namang hassle."

"Pag-isipan ko," anang dalaga at nginitian ang binata. Bumalik sa harap ng computer ang pansin.

"Tama na iyan, kumain na tayo ng dinner."

"Nagugutom ka na ba? Sige tapusin ko lang ito at bababa na ako."

"Okay, sunod ka kaagad!"

Tumango lang ang dalaga bilang tugon. Nang makalabas ito ay sumunod siya't kinatok ang ama na nasa silid pa.

"Pasok!" anang matanda sa loob.

"Itay!"

"Oh, anak bakit?"

"Kain na po tayo." Yakag ng dalaga.

"Tapos na anak. Busy ka pa at ni Cedric kaya nauna ako."

Umupo sa gilid ng kama ang dalaga sa nakahigang ama. "Niyayaya na ako magpakasal ni Cedric," sabi niya sa ama.

"Ha? I-ikaw, ano ba desisyon mo?"

''Papayag ako," aniya.

"Sigurado ka?"

"Opo, sana magtiwala kayo sa akin, Itay."

"Malaki ka na at matalino. Sa rami ng iyong pinagdaanan na wala ako ay nakayanan mo kaya ikaw ang masusunod, nasa likod mo lang ako."

Niyakap ng dalaga ang ama bago lumabas ng silid at bumaba.

"Sweety," si Cedric na nasa sala.

"Halika na," anang dalaga na sabay nagtungo sa kusina.

"About sa kasal, payag na ako." ani Therra na hawak ang kutsara.

"Really? Oh God thank you! Aalis ako rito pagkatapos nito at may gagawin ako para sa engagement nati----"

"No need, hon. Ayaw ko ng ganoon, magastos lang iyan at sayang sa oras. Magpapakasal tayo pero secret wedding lang." Putol ng dalaga sa sasabihin sana ni Cedric.

"Why?" Pagtataka nito.

"Mas mabuti na tayo lang ang nakakaalam na kasal na tayo," sabi ng dalaga.

"Okay, walang problema."

Pinlano ni Cedric ang secret wedding nila Therra. Tanging judge lang ang magkakasal sa dalawa. Pumasok muna siya sa opisina para gawin ang mga trabaho na hindi na magagawa kapag mag-honeymoon na sila ng dalaga.

Kasalukuyang may pinipirmahan siya nang may kumatok. "Come in!" aniya.

"Hi babe! Miss me?"

"Alexa!" Napaupo ng tuwid si Cedric.

Lumapit ang dalaga at pinulupot agad ang mga kamay sa katawan ng binata. "Higit isang buwan na'ng hindi ka nagpapakita sa akin. Kumusta plano natin?"

Kinalas ni Cedric ang yakap ni Alexa at tumayo. "Umalis ka na rito baka makita ka ni Mr. Park."

"Okay, I'll understand. Please drop at my condo, I'm waiting you there!" anito na humalik muna sa labi ni Cedric.

HUSGAHAN MAN NG LANGIT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon