HUSGAHAN MAN NG LANGIT
(THE HARLOT SERIES 1)
Isinulat ni M.R.GalingChapter Four
KATATAPOS pa lang ng show ni Therra sa stage ay nilapitan agad siya ng baklang may-ari.
"Maricela, may costumer ka sa taas!" Excited nitong saad. "Alam mo bang siya ang pinakamayan na pumupunta rito! Dati na'ng kapatid ko ang namamahala rito sa club, siya ang masugid na costumer. May-ari iyan ng Hacienda Villareal, at may pabrika pa! Malaki utang na loob namin sa kanya dahil siya ang nagbigay ng pera sa amin para maisalba ang club. Ayusin mo Maricela, siguradong tiba-tiba ka sa kanya. Minsan pumupunta iyan dito pero hindi kumukuha ng babae, umiinom lang at umaalis agad. Sige na, dali!" Pinagtulakan si Therra nito.
Umakyat ang dalaga sa taas at hinanap ang itinuro ni Madam Lara. Napabuntong-hininga siya nang makitang matanda na ito pero bakit naman siya mamimili, ito ang trabaho niya.
"Hi!" Bati ng dalaga saka pinakatitigan ang matandang tila natuka ng ahas. Nakatingin lang ito na walang kakurap-kurap. Nagtataka man ay umupo siya sa tabi nito.
"Sir?" Ulit ni Therra, sinubukang alisin ang pagkakakatitig sa kanya, pero hindi niya maramdaman na nababastos siya sa uri ng tingin nito.
"A-anong pangalan mo?" Malumanay na tanong ng matandang lalaki.
"Maricela."
"Ilang taon ka na?"
"Nineteen." Maikling sagot ng dalaga.
"Ang bata mo pa pala, nagtatrabaho ka na rito," anang matanda.
"Ganoon talaga ang buhay!" sabi ng dalaga sabay sindi ng sigarilyo. Nagulat siya nang inagaw nito ang sinindihang sigarilyo saka inilagay sa ashtray.
"Masama iyan sa kalusugan." anito. "A-ang ina mo, anong pangalan?" dagdag na tanong nito.
"The---Sarah, iyan pangalan ng ina ko." Ang kumupkop sa kanya na ina ang siyang sinabi niya rito. "Bakit po pati ina ko? Kailangan pa ba iyon para sa isang gabi lang nating dalawa?"
Napabuntong-hininga ang matanda at muli'y tumititig sa dalaga. "Sumama ka sa akin!"
Sumunod ang dalaga sa matanda, nagtaka siya at pumunta ito sa backstage at suminyas kay Madam Lara na pinapalapit.
"Hello, Don Conrad!" Magiliw na saad ng baklang may-ari.
"Naaalala mo ba ang sinabi mo noon sa akin? Lahat ng gusto ko ay ibibigay mo bilang kapalit sa tulong ko sa iyo noon?" anang matanda.
"Oo naman siyempre, ano gusto mo?"
"Aalisin ko na sa club itong si Maricela, ba?" Panigurado nito sa pangalan ng dalaga na napapakunot-noo.
"H-ha? S-sige walang problema, kahit siya ang pinakagusto ko sa lahat at ang aking reyna rito ay wala akong magagawa."
"M-madam Lara!" Pag-aalala ni Therra na humawak sa kamay ng bakla. Nakaramdam siya ng takot.
"Pumayag ka na, malay mo siya na ang talagang mag-aahon sa iyong kahirapan. Mayaman iyan," bulong nito sa dalaga.
"Magbihis ka na!" anang matanda.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod. Hindi niya rin mawari kung bakit tila gusto niya sumama rito.
"Pasok ka na!" anang matanda. Binuksan naman ng driver nito ang pinto ng kotse. Magkatabi sila ng matanda sa likuran na upuan.
Walang kibo si Therra, nakikiramdam lang kung hihimasin na siya ng matanda ngunit hanggang sa tumigil ang sasakyan ay hindi ito nagsalita.
"Nandito na tayo!" anang matanda.
BINABASA MO ANG
HUSGAHAN MAN NG LANGIT
RomanceHUSGAHAN MAN NG LANGIT (THE HARLOT SERIES 1) Isinulat ni M.R.Galing TEASER THERRA ABAYAN, maganda at mestisahin ngunit putok sa kawayan kung tawagin. Namatay ang ina sa murang edad niya kaya kinupkop siya ng ibang pamilya na minahal at itinuring niy...