Chapter Two

94 4 0
                                    

HUSGAHAN MAN NG LANGIT
(THE HARLOT SERIES 1)
Written by M.R.Galing

Chapter Two

NAGPAALAM si Therra sa ina na aalis muna at hahanap ng pambayad sa ospital. Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa hangin sa dami ng problema. Hindi na siya maaring umutang sa amo dahil may utang pa siya ro'n.

"Diyos ko, saan ba ako kukuha ng pera?" Mangiyak-ngiyak siya na palakad-lakad sa kalye ng Bulacan. Tagaktak ang pawis at pagod na siya sa ilang oras na paglakad na hindi alam kung saan patungo. Problema niya mga gamot ng ama na ang mamahal pa. Hindi na ito makakapagtrabaho kaya paano pagkain ng anim pa niyang kapatid, bayad sa kuryente, tubig, inuupahang bahay, matrikula ng limang kapatid. Dalawang high school at tatlong elementary.

Nahihilo na rin siya dahil sa init ng panahon at gutom na hindi na niya naramdaman.

"Ayyy!" Tili ng taong nabangga ni Therra.

"Naku sorry po!" Hinging paumanhin ng dalaga. Buti hindi ito natumba.

"It's okay, namumutla ka ah!" Pansin ng nabangga ng dalaga. "Halika, sumama ka sa akin sa loob!" anito.

"Ha?" Nagulat si Therra sa sinabi ng babaeng maganda na sobrang kapal ng make-up sa mukha. Hindi niya rin napansin na nasa harap na pala sila ng isang restaurant. Napasunod siya rito. Inukupa nila ang bakanteng table saka umorder ang babae.

"Napakaganda mong dilag! Ilang taon ka na?" tanong nito sa dalaga na sarap na sarap na sa pagkain.

"Nineteen po, salamat dito. Nagugutom na talaga ako, ang dami ko kasing problema." Pagtatapat ng dalaga sa nanlibre ng pagkain.

"Like what?" anito.

Uminom muna ng tubig ang dalaga bago sumagot. "Tungkol sa pera. Nasa ospital ama ko at lubog kami sa utang dahil nasunugan pa lang. Ayaw ko sanang umuwi na walang solusyon sa aking problema, pero saan ako kukuha?" anang dalaga na nalungkot na naman ang mga mata.

Napangiti ang kaharap sa narinig mula  sa kausap. "Tamang-tama pala ang pagtatagpo natin. Ano pangalan mo?"

"Therra Abayan po,'' sagot ng dalaga.

"Ako si, Lyka Onoba. Isa akong transgender. Baklita sa madaling salita."

Napatango si Therra. Kaya pala makapal ang make-up at ipit ang boses ng kaharap.

"Matanda na ako, forty eight na edad ko, bata lang tingnan dahil sa alam mo na. May alok ako sa'yo, Therra. Maganda ka, ang totoo ay ngayon lang ako nakakita ng kakaibang ganda na halos perpekto. Siguradong magiging reyna ka sa trabaho na iaalok ko sa'yo."

"Ano po iyon?" Interesado agad si Therra sa alok nito.

"Pumayag ka lang siguradong solve agad problema mo at tiba-tiba ka pa dahil sa iyong ganda. May-ari ako ng isang club, inaalok kitang maging reyna doon. Payag ka?" Pabulong nitong tanong dahil nasa loob pa sila ng restaurant.

"Club? Ang ibig mong sabihin, magiging pokpok ako?"

"Exactly! Para sabihin ko sa'yo, hindi pipitsuging club lang ang papasukan mo. Class na club ito. Hindi makakapasok ang mga sanggano lang sa kalye na lalaki. Customer doon ay mga mayayaman, sa madaling salita ay madatong. Businessmen, mga lalaking artista, at mga politiko. Isang gabi mo ang pinakamababa ay sampung libo. Saan ka pa kukuha niyan? Talo mo pa mga government employees."

Napaisip si Therra. Ito lang ang tanging makakatulong sa kanya ngayon. "K-kailangan ko po agad ng pera. Maari ba iyon?"

"Oo naman! Pwede kitang pahiramin kahit magkano pa. Ano payag ka ba ha?"

HUSGAHAN MAN NG LANGIT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon