Chapter Six

66 3 0
                                    

HUSGAHAN MAN NG LANGIT
(THE HARLOT SERIES 1)
Isinulat ni M.R.Galing

Chapter Six

"GOOD MORNING, HIJA!" bati ng Don. Kabababa lang ni Therra galing sa kanyang kuwarto.

"Morning din po, galing po ako kahapon sa aking mga magulang kaya natagalan po ako, pag-uwi ko ay tulog na kayo."

"Ganoon ba, oh siyapala, baka bukas ay narito na si Mr. Park, siya ang aayos ng lahat sa iyong pagbabalik-aral online. Siya rin ang hahanap ng iyong magiging 𝒑𝒓𝒊𝒗𝒂𝒕𝒆 𝒕𝒖𝒕𝒐𝒓." anang matanda.

"Salamat po talaga, T-Tito," tawag niya sa matanda kapag wala si Cedric. "Si, Cedric nga pala?"

"Ayon, maagang umalis at maagang pumasok sa opisina. Biglang nagkahimala!" anito na may ngiti sa labi.

" Mabuti naman!" sagot ni Therra. 𝑵𝒂𝒕𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒈𝒖𝒓𝒐! Napapangiti rin ang dalaga.

Dahil gutom na gutom ay deretso siya sa kusina. Matapos makakain ay nilapitan siya nang matanda na saktong patayo na sa malaki at mahabang mesa.

"Maghanda ka, Maricela. Sasama ka sa akin sa Hacienda Villareal." sabi ng matanda.

"Talaga po? Wow!" Natuwa ang dalaga dahil makakakita na siya ng totoong hacienda na sa pelikula at nobela lang niya nalalaman.

Limang oras ang biyahe mula sa Bulacan papunta sa hacienda na pagmamay-ari ng matanda. Natuwa ang dalaga nang makita sa unang pagkakataon ang malaking bahay na nakatirik sa malaking lupain na napapalibutan ng mga puno at pananim.

"Parang paraiso!" bulalas ng dalaga.

"Alam mo, may isang tao na akong dinala rito noon, kaya lang pagbalik ko ay wala na siya." Malungkot na saad ng matanda nang maalala ang nakaraan.

"Asawa po ninyo?" tanong ng dalaga.

"Halika na sa loob!" Yakag ng matanda na iniwasang sagutin ang tanong ng dalaga. Bumabalik kasi ang sakit na nadarama niya tuwing naiisip ang babaeng pinakamamahal niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung nasaan.

"Ang ganda pala rito! Ang presko ng hangin, parang kaysarap tumira dito dahil tila mahahanap mo ang kapayapaaan." Napahimas ang dalaga sa 𝒈𝒍𝒂𝒔𝒔 𝒘𝒊𝒏𝒅𝒐𝒘 na tanaw ang mga mayayabong na puno, ang iba ay mga puno ng prutas.

"Maari kang tumira dito hanggang sa gusto mo," anang matanda.

"Parang hindi ako nababagay rito. Kalinisan ang simbolo ng lugar na ito," sabi ng dalaga.

Napatitig si Don Conrad sa dalaga. Hindi niya malilimutan ang linyang iyon.

"𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍, 𝒅𝒊𝒕𝒐 𝒌𝒊𝒕𝒂 𝒊𝒕𝒊𝒕𝒊𝒓𝒂!" 𝑵𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒌𝒂𝒑 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒊𝒌𝒖𝒓𝒂𝒏 𝒔𝒊 𝑪𝒐𝒏𝒓𝒂𝒅 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒃𝒂𝒆𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒊𝒏𝒂𝒌𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍.

"𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒂𝒌𝒐 𝒏𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒈𝒂𝒚 𝒓𝒊𝒕𝒐, 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒌𝒐! 𝑴𝒂𝒔𝒚𝒂𝒅𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒊𝒏𝒊𝒔 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒈𝒂𝒓 𝒏𝒂 𝒊𝒕𝒐, 𝒕𝒂𝒍𝒊𝒘𝒂𝒔 𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒓𝒖𝒎𝒊 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚." 𝒕𝒖𝒈𝒐𝒏 𝒏𝒊 𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆𝒔𝒂.

"Tito, umiiyak po kayo?" tanong ni Therra nang makita ang mga butil ng luhang tumulo mula sa mga mata ng matanda. Hindi niya maiwasang hindi masaktan.

"Wala hija, it'as just a part of my past." anito at pinunasan ang luha saka ngumiting tinitigan ang dalaga. "Hindi ko alam kung sadyang pinaglalaruan lang ako ng tadhana. Oh siya, tawagin ko si Alfonso, ipapakuha ko ng mga sariwang gulay at prutas na madadala natin sa bahay pabalik.''

Sinundan na lang ng dalaga ang matanda nang tingin. Sigurado siyang mahal nito ang ina ni Cedric kaya nagiging emosyonal kapag may mga alaala mula sa yumaong asawa.

Naglibot si Therra sa buong hacienda. Naaliw siya sa mga nakitang maraming itlog na bawat kahon ay may mga laman. May poultry din pala ang matanda na tanging pinagkukuhanan ng kabuhayan ng mga tauhan. May malawak ding manggahan, lanzones, avocado, at iba pang mga gulay at prutas na ibinibenta kapag tag-ani na. May katiwala si Don Conrad sa hacienda iyon ay si Mang Alfonso.

Maggagabi na nang makarating sina Therra at Don Conrad sa malaking bahay sa Bulacan.

Dahil sa init na nararamdaman ay naligo ang dalaga sa pool. Naglumanay siya sa tubig na maligamgam sa kanyang pakiramdam dahil sa init na hatid ng buong maaraw na maghapon. Nakasuot siya ng two piece swimsuit kaya litaw ang ganda ng kanyang katawan. Siya lang mag-isa sa pool, maagang natulog ang matanda dahil napagod ito. Palangoy-langoy siya pool nang marinig ang pagsigaw ni Cedric tila kausap ang katulong. Umahon siya't ibinalabal ang malaking bandana na malinis. Saktong katatapos lang niya nang makita ang mabilis na paglapit ni Cedric sa kanya, tila nag-aapoy ang mga mata.

"Ouch!" Napangiwi ang dalaga nang muli siyang hilahin ng binata.

"The ambitious harlot! Hindi mo maintindihan? Tagalogin ko, ikaw ay ambisyosang pokpok!"

"Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako, Cedric! Hindi ko iyan pinagkakaila! Oo isa akong pokpok pero hindi ko iyon pinagsisihan dahil ginawa ko iyon para sa mga taong mahal ko sa buhay, hindi para pansariling kalibugan lang! Kahit anong itawag mo pa sa akin ay tanggap ko, dahil sanay na ako sa ganyan! Hindi mo ako mapapaalis sa buhay ng ama mo dahil lang sa panlalait mo sa aking pagkatao, kaya ko minahal ang ama mo dahil siya lang ang ibang taong hindi ako hinusgahan bagkus ay iniahon niya ako sa putikan! Bakit anong tawag mo sa mga babaeng dinadala mo rito at sa inyong hacienda,  hindi ba parang katulad ko rin sila? Sumasama sa lalaki at nagpapaangkin? Ang kaibahan lang, sa club ako. Ipinanganak kasi sila kasama ka na, na may kutsara na sa labi, kung kaya makapanghusga'y wagas. Huwag kang magsalita at umaktong malinis na babae ang mga nakakasiping mo dahil tulad ko ay marumi rin sila at hindi lang isang lalaki ang umararo sa makipot at malalim na lagusan nila!" Matapang na sinalubong ni Therra ang mga mata nitong namumula sa galit habang hinahayaang hawak siya nito sa braso.

"Hindi ako papayag na ang isang tulad mo ang sisira sa lahat ng akin! Ang basurang tulad mo ay hindi bagay sa palasyong ito! I'll find a way na mawala ka sa buhay namin!"

"Gawin mo ang lahat wala akong pakialam! Aalis lang ako kung ang ama mo ang magpapaalis sa akin! Siya ang nagdala rito sa akin, kaya siya lang ang magsasabing umalis ako! Tandaan mo ang sinabi mong basura ako, dahil baka dumating ang araw ang basurang ito ay hindi mo nanaising itapon pa!" anang dalaga sabay tulak kay Cedric at pumasok sa loob ng bahay.

Agad pumasok si Therra sa kuwarto at deretso sa banyo. Binuksan ang shower kasabay ang mga luhang malayang naglalandas sa kanyang mga mata. Matapang siya kung kaharap ang ibang tao, pero kapag mag-isa lang ay pusong mamon pa rin siya.

Maaga pang bumangon si Therra at bumaba, saktong narinig niya ang mag-amang nagbabangayan dahil sa kanya.

"Dad! Bakit sa dami ng babae ay ang mababa pa ang lipad ang pinili mo? Hindi ako magiging hadlang na muli kang mag-asawa pero bakit sa isang pokpok pa? Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala natin, ha?" anang binata.

"Cedric, wala akong pakialam sa ibang tao anuman ang sasabihin nila! Hindi ako nangingialam sa kanila, kaya anong rason para pakialaman ang buhay ko? Hindi ako mapanghusgang tao, alam mo iyan! Iyang mga taong malilinis ang buhay kung umasta akala mo walang duming itinatago pero mas masahol pa sa putik na pinanggalingan ni Maricela, na kahit kaluluwa sa langit ay hindi matanggap! Katulad ka ng iyong ina, mapanghusga sa kapwa, kung makalait sa iba akala mo malinis! Cedric, hindi mo ako mauutusan kung ano ang dapat kong gawin!" Galit na saad ni Don Conrad sa binata. Umalis na lang si Cedric na na nayayamot.

Bumalik sa kuwarto si Therra at muling napaiyak. "Kakayanin ko bang magtagal dito?" aniya na hilam sa luha.

Itutuloy...

HUSGAHAN MAN NG LANGIT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon