Chapter 7

63 3 0
                                    

HUSGAHAN MAN NG LANGIT
(THE HARLOT SERIES 1)
Written by M.R.Galing

Chapter Seven

"MA'AM!" Tawag ng katulong sa labas ng kuwarto na gamit ni Therra.

"Bakit po?" ang dalaga nang buksan ang pinto.

"Pinapatawag po kayo ni Don Conrad sa baba," anang katulong na may panunuri ng tingin sa dalaga. Narinig kasi nila ang sabi ni Cedric na pokpok ito.

"Anong klaseng tingin 'yan? Nandidiri ka ba sa akin?" taas ang kilay na tanong ng dalaga sa katulong. "Huwag kang mag-alala, wala akong mikrobyong dala, kaya hindi ako nakakahawa para pandirihan mo ng ganyan." wika ni Therra na iniwan ang tila nahiya na katulong. Hindi niya masisisi ang mga ito na husgahan siya. Mas iisipin pa ng mga ito na mas malinis pa sila kaysa sa kanya.

"T-tito!" tawag pansin ng dalaga sa matandang may binabasabang magazine na agad napatingala.

"Have a sit hija," anang matanda na itinabi muna sa ibabaw ng mesa sa may sopa ang magazine.

Kinakabahan si Therra, baka nakapag-isip na ang matanda na paalisin siya. Alam niyang hindi nito nanaising laging magulo ang bahay dahil sa kanya. "M-may sasabihin daw po kayo?"

"Nasaan na ang mga papel na kailangan ko? On the way na si Mr. Park, aasikasuhin niya na ang iyong pag-aaral."

"T-talaga?" Natuwa ang dalaga sa narinig. Nakahinga siya nang maluwag. Sa labis na tuwang nadarama ay nayakap niya ang matanda. "Salamat po, hulog ka ng langit sa akin!" anang dalaga na napaiyak.

"You're welcome hija," wika ng Don na gumanti nang yakap.

"Sir, nandito na po si Mr. Park," wika ng isa pang katulong. Apat ang katulong, at ang isang ito ang tila ayaw kay Therra. Nakasimangot ito at huling-huli ng dalaga.

Bumalik sa maayos na pagkaka-upo si Therra nang pumasok ang tinutukoy na Mr.Park. Akala ng dalaga ay matanda na ito, mali pala siya dahil halos kasing edad lang ito ni Cedric. Pogi at kagalang-galang din.

"Good morning, Don Conrad!" bati ni Mr. Park na napatitig kay Therra. "Siya ang tinutukoy mo? Wow, beautiful girl huh! How are you?" anito kay Therra.

"Ayos po ako," tugon ng dalaga na kiming ngumiti.

"Good morning din sa'yo, Mr. Park!" anang matanda at bumaling kay Therra. "Hija, siya ang katiwala ko sa pabrika kapag wala si, Cedric. Lyndon Park, ang full name niya. Siya ay binata pa sa edad na trenta." Pakilala ng matanda.

"Hi!" Maikling saad ni Therra na iniabot ang kamay. Nagulat ang dalaga dahil hinawakan ang kamay niya ng matagal at tila may kakaiba itong tingin sa kanya.

"Hindi ko inaasahang ganyan ka kaganda, Maricela?" Panigurado nito sa pangalan ng dalaga.

"A-ah...Kunin ko po sa kuwarto ko ang mga personal kong papel." Binawi ng dalaga ang kamay niya at umakyat na sa taas.

Dala-dala ang plastic folder na ibinigay ni Therra sa binata ito nang bumalik siya sa sala.

Binuksan ito ni Lyndon at tiningnan ang mga school requirements na kailangan niya para sa enrollment ng dalaga. Tapos ito ng high school at ang kasunod na tiningnan ang live birth ng dalaga. "So, your real name is Therra Abayan, nice name huh!" anang binata.

"What?" si Don Conrad nang mabanggit ang Abayan na apelyido ni Therra. "Hindi ka si Maricela at Abayan ang surname mo?"

"T-tawag po sa akin ang Maricela sa club, pero iyan po ang tunay kong pangalan," sabi ng dalaga.

Inagaw ng Don ang birth certificate ni Therra at binasa ito. Nanginig ang kanyang mga kamay nang mabasa ang Theresa Abayan na ina nito, ang nakasaad sa birth certificate ng dalaga. "T-theresa ang ina mo?" anang matanda kay Therra.

HUSGAHAN MAN NG LANGIT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon