HUSGAHAN MAN NG LANGIT
(THE HARLOT SERIES 1)
Isinulat ni M.R.GalingChapter Five
NAKIPAGTAGISAN ng tingin si Therra sa lalaking mala-𝐶𝑟𝑖𝑠 𝐸𝑣𝑎𝑛𝑠. Matangos ang ilong, magandang mga mata at balbas nito sa mukha na nagpadagdag sa angking kagwapuhan kaya hindi nakapagtataka na lapitin ng mga 𝑐ℎ𝑖𝑐𝑘𝑠.
"Makapagsalita ka ng 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑛𝑎𝑚𝑒 𝑡ℎ𝑒 𝑝𝑟𝑖𝑐𝑒 akala mo pera mo talaga, hindi ba sa ama mo 'yon? Kaya habang buhay pa siya, kanya pa ang lahat ng bagay na mayroon ka!"
"I'm warning you! Leave my dad, out of this house, and out of his life!" Tiim-bagang na asik nito sa dalaga na tila hindi man lang natinag.
"Hindi ikaw ang magpapaalis dito sa akin!" Taas ang kilay na turan ng dalaga na mas dumilim pa lalo ang mukha ng binata.
Lihim na napapangiti si Don Conrad sa tapang ni Maricela. Mukhang hindi ito basta-basta titibag.
"Dad!" Reklamo ni Cedric sa ama.
"She was right, Cedric! Ako lang ang magpapaalis sa kanya!" sang-ayon ng matanda.
"Fuck! Dad, kung kailan ka pa tumanda, saka ka naman nagdala ng babae rito at ang malala pa'y halos anak mo na!" Inis na humakbang paalis si Cedric.
"Ilang araw ka nang hindi pumapasok sa opisina, Cedric!" anang matanda ngunit hindi na siya narinig ng binata.
"Ayos ba ginawa ko?" Lumapit si Therra sa matanda na nakangiti.
"Yes! Sana hindi lang iyan ngayon ang tapang mo! Matalas ang dila ni Cedric, baka bumigay ka?"
"Sa dami nang pagsubok na aking napagdaanan, panlalait, panghuhusga, at problemang 𝑓𝑖𝑛𝑎𝑛𝑐𝑖𝑎𝑙, masasabi kong hindi na ako basta-bastang susuko sa buhay," wika ng dalaga. Muling nanariwa ang inang yumao. Kung sana ay buhay pa ito, matatamasa sana nito ang ginhawa ng buhay niya ngayon kahit pa muling mabaon siya sa putik.
"Tama iyan! Oh siya, may sasabihin ako sa'yo. Maupo ka," anang matanda na umupo rin sa malaking sopa.
"Ano po iyon?"
"Bata ka pa, maari ka pang mag-aral a----"
"Pag-aaralin mo ako?" tanong ng dalaga.
Tumango si Don Conrad at tinitigan ang maamong mukha ng dalaga. Hindi niya mawari ang nadaramang saya. Siguro dahil kuhang-kuha nito ang buong replika ni Theresa. "May panahon pa para ibangon ang sarili mo!"
"P-pero, baka mahirapan ako makisabay. Ilang taon na'ng nakalilipas na natigil ako sa pag-aaral. At isa pa, makatapos man ako sa, hindi magbabago ang tingin sa akin ng iba na galing ako sa putik, na isa akong babaeng nagbibigay ng aliw." May lungkot ang mga mata na saad ni Therra.
"Okay, I will hire a private tutor and online class for you. Kahit dito ka lang sa bahay ay makakapag-aral ka. Hija, gusto kitang tulungan, sana tulungan mo rin ang sarili mo."
"Bakit mo po ginagawa ito?"
"H-hindi ko alam, basta nanghihinayang lang ako sa'yo. Ibigay mo sa akin ang mga kakailanganing papel para maihanda ko ang lahat."
"Opo," sagot ni Therra.
"Good! Aalis muna ako at papasok sa opisina. Napapabayaan ni Cedric ito kaya, kailangan kong asikasuhin. Hindi pwedeng ipagkatiwala ko lang ito sa aking mga 𝑠ℎ𝑎𝑟𝑒ℎ𝑜𝑙𝑑𝑒𝑟𝑠. Alam mo sa 𝑈𝑆𝐴 si, Cedric nagtapos ng 𝐵𝑢𝑠𝑖𝑛𝑒𝑠𝑠 𝐴𝑑𝑚𝑖𝑛𝑖𝑠𝑡𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 at magaling siya kaya lang binabalewala niya ang pinaghirapan ko." Malungkot na saad ni Don Conrad. Kung nahanap niya lang sana si Theresa.
BINABASA MO ANG
HUSGAHAN MAN NG LANGIT
RomanceHUSGAHAN MAN NG LANGIT (THE HARLOT SERIES 1) Isinulat ni M.R.Galing TEASER THERRA ABAYAN, maganda at mestisahin ngunit putok sa kawayan kung tawagin. Namatay ang ina sa murang edad niya kaya kinupkop siya ng ibang pamilya na minahal at itinuring niy...