Thirteen

620 32 8
                                    


***

Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili ko dito sa HQ. Mabuti na lang at marami ang mga damit dito na pwede kong pagpilian.

Sa huli ay pinili ko ang isang yellow irregular dress na single off shoulder. Formal dress ito pero hindi gano'n ka-classy and elegant. Sakto siya para sa lugar na pupuntahan namin.

"Jesse!" sigaw ko pagkalabas ko ng kwarto. Nandoon kasi siya sa baba.

"Ano?!" sigaw din niya pabalik.

"Akyat ka rito, bilis!" sigaw ko uli at maya maya ay nakita ko na siyang paakyat ng hagdan.

"Bakit? Anong kailangan mo sa napakagandang si ako?" napangiwi ako sa pagiging self-proclaim niya.

"Ayusan mo ako. Gusto ko 'yung medyo dark na make up para hindi ako makilala" palagi kasing light make up lang ang ginagawa ko.

Katulad ng sinabi ko, hindi ako nakikilala kapag dark ang make up ko. Sobrang nagma-mature kasi ang mukha ko. Eh 'di ba, cute ako? Hindi sanay ang mga tao sa sexy look. Pati rin naman ako eh. Kaya itong si Jesse ang nag-aayos sa akin. Malandi kasi 'to eh. Hahaha!

"Sus! 'Yun lang pala eh. Ako ng bahala sa'yo. Isasama ko na rin ang buhok mo. Ibabagay ko na lang sa outfit mo ang magiging look mo. Patingin nga ako ng outfit na susuotin mo" saad niya kaya pumasok na uli kami sa kwarto.

Pinakita ko naman sa kaniya 'yung dress kaya napatango naman siya. "Ang ganda nito. Bagay sa'yo, Gray. Alam mo? Umupo ka na rito dahil may naisip na akong look na babagay diyan. Omg! This is gonna be great!" saad niya pa sabay tulak sa akin paupo. Siraulo talaga ah.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya natapos na ayusan ako. "Ayos! Ang ganda mo super! Hindi ka na cute! Co'z you're gorgeous! I'm sure you'll be a head turner kapag nandoon ka na" natawa naman ako sa sinabi niya.

Humrap ako sa salamin para makita ang mukha ko. Hmm. Nakakabilib din itong si Jesse eh. Ang galing niya sa mga ganitong bagay. Ibang iba na talaga ang hitsura ko sa usual look ko. Kahit sarili ko ay hindi ko na makilala.

"Isuot mo na rin 'tong damit para makita ko kung anong hitsura mo" saad niya pa kaya kinuha ko na ang damit sa ibabaw ng kama.

"Ay sandali! Paresan mo nito" inabot niya sa akin ang isang silver platform stiletto kaya agad ko naman iyong kinuha at dumeretso na ako sa cr.

Matapos kong makapagbihis ay lumabas na ako. "Jesse, how do I look?" tanong ko habang nakayuko dahil tinitignan ko rin kung anong hitsura ko.

"You look stunning, Mrs. Sarsuela" napaangat ako ng tingin dahil bigla kong narinig ang boses ni Drake.

Nakaayos na rin siya. Nakasimpleng black long sleeve polo lang siya tapos black trouser. Tapos 'yung buhok niya parang sinuklay lang gamit ang kamay niya. Seriously? Bakit ang gwapo pa rin niyang tignan? Psh!

"Ba't ka nandito? Nasaan si Jesse?" tanong ko sa kaniya.

"I ask her to fetch something" sagot niya habang ako naman ay lumapit sa salamin para tignan ang kabuuan ko.

Nakita ko naman sa reflection ng salamin ang paglapit niya sa akin. "You look more beautiful if you're wearing this" natigilan naman ako dahil sa kwintas na hawak niya.

Hinawi niya ang buhok ko papunta sa balikat ko para maisuot niya sa akin 'yung kwintas. Napahawak ako doon sa kwintas. Ang ganda no'n.

"See? Bagay nga talaga sa'yo" saad niya pa habang nakatingin siya sa akin sa salamin.

Kumunot naman ang noo ng may mapansin ako sa leeg niya. Humarap ako sa kaniya para makita iyon.

"Mayro'n ka rin?" gulat kong saad kaya nilabas niya ang kwintas mula sa loob ng polo niya, though kita pa rin naman ito dahil naka-unbutton ang dalawang butones niya.

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now