CHAPTER 9: Hiling

315 8 0
                                    

Pak!

"Oww! What was that for?" tanong niya habang kinakamot ang sinampalan ko.

"In your face! How dare you to kiss me that easily?! Hindi nga makakiss boypren ko tapos ikaw isang iglap lang? Aba! Chamba mo tsong, sa cute kong to nakahalik ka sa malambot kong pisngi? Waw! Nice one pre!" reklamo ko tas binatukan siya.

"Hey, stop doing that will you?!" galit na sabi niya.

Aba dapat lang sa kanya yan. Masyadong makati eh!

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ok, i'm sorry. Nadala lang ako. Ang cute mo kasi. Please wag ka ng magalit."

Tinusok niya yung pisngi ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oy." tawag niya sakin.

Bahala ka jan.

"Hey, please talk to me. Come on." tawag niya at tinusok-tusok ang pisngi ko.

"Will you stop poking my cheeks?!" sigaw ko na siyang ikinagulat niya.

Pagod na pagod na ako. All i just i want is a good sleep. Ayoko ng makulit ngayon.

Tinignan ko siya at sinabing, "i'm sorry. It just that i badly need some rest." napabuntong hininga ako.

"I understand. Let's just talk some other time. Go inside." sabi niya saka tumango.

Go inside? Where?

Pinagsasabi nito. San ako papasok?

Nag-nod nalang ako.

Nagulat naman ako nung paglingon ko Bahay na namin. -.-!

Kaya pala 'go inside'. Hmmm.

I bid goodbye to him before entering our house.

Sakto namang pagpasok ko siyang salubong ng nanay ko sakin.

"Nak, kumain ka na ba?" tanong ni mama sakin.

Tinignan ko naman yung relo ko.

Pusa! 7pm na pala.

"Ah, eh. Hindi pa po mama. Past seven na po pala. Hihi." sagot ko.

"Oo. Teka lang maghahanda lang ako."

"Ah, sige ma."

Umakyat muna ako sa taas para magpalit ng pambahay na damit.

Pagpasok ko sa kwarto may nakita akong babae na nakatalikod at nakaupo sa kama ko.

Teka, may bisita ba ako? Bakit hindi sinabe ni mama?

Saka sabado naman ata ngayon bakit siya nakauniform? Narinig ko naman na naghum siya.

"Ah ehem." tikhim ko.

Tumigil siya sa paghahum at napalingon sa gawi ko. Muntik pa akong matumba ng makita ko kung sino ito.

"N-nicole?" tawag ko sa kanya.

"Akala ko ba tutuparin mo ang hiling ko? Bakit ngayon wala parin jona?" may luhang tumulo galing sa mata niya.

Hindi naman ako nakapagsalita. Bakit nga ba?

"Sorry pero tutuparin ko naman talaga yun." hinging paumanhin ko.

Nakita ko naman tumigil sa pagpatak ang luha niya.

"Miss na miss ko na si lawrence. Gusto ko siyang makita, mahawakan at mayakap." sabi niya na may lungkot ang tinig.

Nanindig ang balahibo ko. Parang may ibig siyang sabihin sa sinabe niya.

"Ganun ba?" tanging nasabe ko.

"Alam mo bang may napagkasunduan ako." sabi niya habang nakayuko.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

"Hindi ko na kaya. Labis akong  nangungulila sa kanya jona. Kaya--"

Pinutol niya ang sasabihin niya at unti-unting tinataas ang kanyang ulo.

"K-kaya?" nauutal kong tanong.

"Kaya nakipagkasundo ako sa demonyo."

At unti-unting nakita ko ang pagtubo ng dalawang matutulis na sungay sa ulo niya at nag-iba ang anyo niya. Tinubuan siya ng pangil at namumula ang kanyang mata.

"N-nicole anong nangyare sayo?"

Napaatras ako ng makita kong lumalapit siya sa akin ng dahan-dahan.

"Nakipagkasundo ako sa kanya dahil gustong kong  makasama si lawrence at ang kapalit nun ang pagiging isa ko sa kanila."

Nanlilisik na ngayon ang kanyang mata na nakatingin sakin.

"Hindi mo nagawang tuparin ang hiling ko!" naggagalaiti ang kanyang mukha.

"Pero gagawin ko naman talaga yun." sagot ko.

Totoo naman yun. Sadyang nabusy lang ako nitong mga nakaraang araw.

"Alam mo ba kung ano ang sinabe ng demonyo?" tinignan niya ako at biglang ngumisi.

"A-ano?"

"Kailangan ko daw ang katawan ng isang birhen para mapag-isa ang aming katawan at maging anyong tao ako. Pagnangyare iyon makakasama ko na ang mahal ko. Hahahaha."

Hindi na nga siya si nicole. ;(

"Alam mo ba kung sino ang taong birhen na iyon?" tanong niya saka pinalabas ang pangil niya.

Hindi ako sumagot sa kanya.

"Ikaw!" sigaw niya at bigla akong sinugod.

Hinintay ko nalang lumapit siya sa akin.

May narinig naman akong bulong.

'Itaas mo ang kanang kamay mo at itapat yun sa kanya' bulong ng tinig.

Ginawa ko ang sinabe ng munting tinig.

Naramdaman ko namang sumakit ang aking pulsuhan kasabay ang pagliwanag nito sa papalapit na demonyo.

"Aaaaahhhhh" sigaw nito na animo parang napapaso.

Tumayo ako at lumapit sa demonyo na ngayon ay nangingisay sa sakit.

Nakita ko kung pano unti-unting nagiging abo ang katawan nito.

Tumulo ang luha sa aking pisngi. Napaupo ako sa kama ko.

"Nicole bakit?" nasabe ko sa aking sarili.

Hanggang sa nakatulog na ako ng mahimbing.

MAKAPANINDIG BALAHIBO {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon