Kasalukuyan akong nasa kwarto ko na ngayon, katatapos lang ng bonding namin ng buo kong family together with my papa.
Andun pa sila kuya sa baba. Nauna na akong matulog sa kanila kasi inaantok na ako pero nung makahiga ako sa kama ko hindi naman ako makatulog. Bumaling-baling na ako sa kama ko para matulog pero hindi talaga eh.
Parang meron akong gustong gawin pero hindi ko alam kong ano. Nakakainis. Imbes na matutulog ako at para makapagpahinga kasi may pasok pa ako bukas.
Bumuntong hininga ako. Ano ba kasi yun?
Luminga-linga naman ako sa kwarto ko baka sakaling may makita akong kakaiba o di kaya mapaglilibangan.
Wala naman. Ang linis linis naman ng kisame ng kwarto ko, nakaorganize lahat ng things ko maliban sa isang suklay na nakausli sa lalagyan ng mga libro malapit sa study table ko.
"Panong nagkaroon ng suklay sa mga libro ko? Eh pagkakaalam ko nasa ibabaw yun ng kabinet ko."
Bumaba naman ako sa kama ko at nilapitan yung mga libro para kunin ang suklay.
Nagtaka naman ako sa itsura ng suklay. Hindi sakin to at makaluma ang itsura, panahon pa ata to ni julito de makaraos. Kulay brown ang kulay nito at may nakaukit na pangalan.
Hindi ko naman makita ang letra, dinaig pa ang kuto sa sobrang liit kahit pasingkitin ko pa ng bongga ang eyes ko hindi ko parin to makikita.
Nag-isip naman ako kung ano pwedeng gamitin dito. Nacucurious talaga ako sa nakasulat eh malay natin para sa akin pala ito. Eh di mas bongga para may antic naman akong gamit diba? :D
Ano ba ang dapat na ginagamit para dito.
Microscope? Nah. Wala ako nun saka sa school lang meron nun.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Aha! Stethoscope? Ano ba! Doctor lang meron nun no.
Isip pa nga.
What if Manifying glass? Yun! Tama yun nga! ^^
Naghanap naman ako ng magnifying glass sa drawer ko.
Teka--may magnifying glass ba ako?
Tange! Wala. Si kuya pala ang meron. Hmm.
So lumabas muna ako ng room ko para pumunta sa room ni kuya.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya baka kasi may ginagawa.
Tok tok tok!
Walang sumagot.
Tok tok tok!
No response ulit.
Last na to. Pag wala paring sumagot papasukin ko na talaga to.
Tok tok tok!
Wala ulit. No choice kundi iopen ang door.
Hinawakan ko ang door knob at dahan-dahang pinihit ito pabukas.
Bumungad sakin ang napakakalat na kwarto ni kuya. -.-
Pambihira! Ang daming damit na nakakalat sa sahig. Mga libro na nakalatag sa kama,study table at sa sahig. Basurahan na punong-puno ng basura..
Waaaahhhhh! San ko dito hahanapin yung M.G? T______T
Inumpisahan ko namang halungkatin yung drawer ni kuya na puno ng gamit niya pandrawing.
"Asan ka na?" kausap ko sa sarili ko.
Wala dito. Asan na kasi yun? Imposible namang wala si kuya nun eh nakita ko siya na ginamit yun.
Tumingin-tingin ulit ako sa ibang drawer hanggang sa isang drawer na nasa dulo ang hindi ko pa nabubuksan.
Last na to. Pagwala ulit dito no choice ako. :(
Binuksan ko ang tirang drawer at bumungad sakin ang kanina ko pa hinahanap.
Ang Magnifying Glass! Finally, haha. Swerte ko talaga. Nakakapagtaka lang kasi ito lang yung laman ng drawer, halatang iniingatan.
:D
Kinuha ko na yung M.G at lumabas ng kwarto ni kuya.
Mwahahaha. Malalaman ko na kong para kanino tong suklay. Sa akin ba o sayo? Kidding. Baka sa akin to no.
Para akong tanga na dala-dala ang M.G at nakapwesto na sa harap ng mata ko. Tinignan ko agad ang nakasulat sa suklay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Copyright 1951.Putang ine! Yun lang ang nakasulat? Grrr.
Habang nagrereklamo ako may nakapa akong umbok sa likod ng suklay.
Napatingin ulit ako dun at ginamitan ng M.G
'Abuela'
Yan ang nakasulat dun. What does it mean?
BINABASA MO ANG
MAKAPANINDIG BALAHIBO {Completed}
HorrorNaranasan mo na ba ang makadama na may katabi kahit mag-isa ka lang? O Makakita ng mga mukhang hindi mo kilala at sumakabilang buhay na? Nais mo bang masagot ang lahat ng katanungan mo? Halina at subaybayin ang kwento ni Jona na may kakayahang maki...