CHAPTER 23: Nakaputing Babae

279 7 0
                                    

Alas diyes na ng gabe pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakasampu na akong pabiling-biling sa kama ko pero hindi pa rin. Hindi kaya may nakatingin sakin? Kinikilabutan tuloy ako. Diba may pamahiing ganun. Na kapag hindi ka daw makatulog sa gabe may nakatingin daw sayo. Totoo kaya yun? Tinignan ko naman ang buong kwarto. Pero wala naman. Err. Kahit nakailang ulit na akong makakita ng mga multo kinikilabutan pa rin ako. Di talaga ata ako masasanay.

Tok Tok Tok!

Eh? O.O. Gising pa ba si kuya? Anong oras na ah.

Tok Tok Tok!

Tumayo ako sa kama at lumapit sa pintuan.

Tok Tok Tok!

"Sandali lang!"

Pinihit ko ang seradura ng pinto at binuksan iyon. Walang tao?

Umihip naman ng malamig na hangin. Teka--bakit bukas pa ang bintana sa baba? Ayy! Naku naman si kuya. Akala ko pa naman sarado na lahat ng bintana. Ang dilim pa naman din ng paligid. Nakasanayan na kasi namin ang pag-off ng mga lights pagmatutulog na. Sa sala pati dito sa taas pang tipid ng kuryenyte except sa room ko nakabukas ang ilaw nun. Ayaw ko kasi ng madilim. Bumababa ako ng dahan-dahan at tinungo ang bintana para isara ng umihip na naman ng malamig na hangin. Napayakap ako sa braso ko at tumingin sa likuran ko. Wala akong makita kasi nga madilim. -.-

Hinawakan ko na ang lock ng bintana para sana isara ng may dumaang nakaputi at dahan-dahan itong naglalakad sa harapan ng bintana. Nagtaasan agad ang balahibo ko sa batok habang nanlalaki ang mata na nakatitig rito. Ng nasa harapan ko na ito ay bigla itong huminto at dahan-dahang pumihit ang ulo nito paharap sakin. Nanginig ang buo kong kalamnan lalo na nung ngumiti ito sakin at lumantad ang nabubulok nitong ngipin.

"May natulungan ka ng isang babaeng katulad ko siguro naman matutulungan mo rin ako?" sabi nito na sobrang lamig ng boses.

Ang kaninang nakita kong kakila-kilabot na mukha ay napalitan ng isang napakagandang babae na ngayon ay nakatitig parin sakin. Ngumiti ulit ito pero hindi katulad kanina na nabubulok na ngipin na nakita ko kundi napakaputing ngipin.

"Matutulungan mo rin ba ako... jona?"

Nagulat naman ako ng marinig ang pangalan ko sa bibig niya.

"K-kilala mo ako?" nauutal kong tanong.

Ngumiti lamang ito bilang sagot.

"A-anong maitutulong ko?"

"Gusto kong ipaghigante mo ako!"

Nagulantang ako sa sinabe nito. Ipaghigante?

"Anong sinasabe mo?"

Hindi ako makapaniwala sa sinabe nito. Ano papatay ba ulit ako? No way! Hindi na ako gagawa pa ulit ng ganung krimen!

"Tulungan mo ako jona... matagal na kitang hinihintay para huminge ng tulong mo. At ngayong nandito ka na tulungan mo ako! Ipaghigante mo ako!" sumamo niya sa akin.

Napaatras ako. Ayaw ko! Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung anong tulong ang gusto niyang hingin.

"Ano ba ang maitutulong ko sa iyo?" tanong ko.

Kinakabahan ako sa paraan ng pagngisi niya sa akin.

"Patayin mo ang gumahasa sa akin jona! Patayin mo siya katulad ng pagpatay mo sa gustong gumahasa sayo! Ibibigay ko sayo lahat ng detalye basta patayin mo siya! Yan lang gusto kong hilingin sayo!"

Hindi maaari! Ayaw ko ng pumatay!

"Wag mong ipagkait sa akin ang katarungan jona...matagal ko ng gustong makamtan iyon."

Napatingin ako sa mukha niya. Umiiyak siya at puno ng kalungkutan ang mukha niya. Katarungan ang gusto niya. Ipagkakait ko ba?

Nagtatalo ang puso at isip ko.

'Pumatay ka na ng isang beses jona pero para sa iyong sariling kaligtasan lang ang ginawa mo. Ngayong may humihinge ng tulong mo dapat ay tulungan mo siya. Kailangan ka niya.' sabi ng puso ko.

At sabe naman ng utak ko.

'Jona, gumawa ka ng krimen wag mo ng dagdagan pa iyon. Tama na ang isa. '

Nalilito ako. Alin ang susundin ko?

"Jona, tulungan mo ako." iyak na samo niya.

Kaawa-awa ang itsura niya. Naghihinagpis siya. Katarungan na dapat ibigay sa isang biktima. Hindi naman siguro masama kung ibibigay ko diba?

Nakapagdesisyon na ako. Ibibigay ko ang gusto niyang katarungan.

"S-sige tutulungan kita." pinal na sabe ko.

Tumigil ito sa pag-iyak at sumilay dito ang isang ngiti.

"Aasahan ko yan.. bukas ng gabe pumunta ka sa loob ng CR niyo at ipapakita ko sayo ang nangyare... alas dose ng gabe jona..." pagkatapos nitong sabihin iyon ay bigla nalang itong nawala.

Sinara ko na ang bintana at pumanhik na ako paitaas. Gagawin ko kung ano ang nararapat.

Humiga na ako at akmang pipikit ng maramdaman kong may dumantay sa paanan ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at pumikit ulit.

........

MAKAPANINDIG BALAHIBO {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon