CHAPTER 22: I Miss You

319 7 0
                                    

Wednesday....

Jona's POV

I was sitting here at my bed kanina pa ako gising. Nakaligo na nga ako kaya lang hindi pa ako nakakapagbreakfast kaya kumakalam sikmura ko mas better siguro kung bababa na ako baka may hinanda na si kuya.

Lumabas naman ako ng kwarto. Habang sinasara ko yung pintuan may naririnig akong nag-uusap sa baba. Napatingin naman ako sa wristwatch ko. 7am palang? Ang aga ko naman atang magising. Hmm. Anjan na siguro sila mama. Naglakad naman ako papuntang stairs ng makita ko si kuya na parang may kinakausap saka may kayakap.

Nagtaka naman ako kasi wala namang tao sa harap bukod sa kanya. Tinawag ko naman siya.

"Kuya? Who are you talking to?"

Dahan-dahan naman siyang lumingon. Ang weird niya ah.

"What the fuck?" he cursed.

Bakas ang takot at pagkagulat sa mukha ni kuya ng lumingon sakin. Ano ba nangyayare sa kanya?

"Kuya? Ok ka lang ba?" dahan-dahan akong bumaba at lumapit sa kanya.

Ng papalapit na ako ay bigla siyang umatras at tumingin sa likod niya. He looks paranoid.

"Bakit ka umaatras k--"

"Sino ka?!"

Nagulat naman ako sa sinabe niya. Ano raw? Sino ako? Naman. Ganda ng trip ni kuya.

"What are you talking about? Anong sino ako kuya? Siyempre si jona. Kaw naman kuya." sabi ko saka pumunta na sa kusina.

Nadismaya naman ako ng makitang walang pagkain na nakahanda. Nagugutom na pa man ako.

"Kuya bakit wa--" napaatras naman ako dahil mata niyang nanlilisik.

Ano ba problema niya? Nakakatakot na ah. Hindi na maganda.

"Sino ka ha?! Bakit kamukha mo ang kapatid ko?!" may halong galit ang pagkakatanong niya.

"Kuya naman..." akmang hahawakan ko siya ng bigla niyang tampalin ang kamay ko.

What the--? Ang sakit nun ah.

Hindi na talaga nakakatawa ang trip niya. Kinikilabutan na ako.

"Kuya! Ano bang trip yan? Nakakasakit ka na ah! Saka hindi nakakatuwa. Kanina mo pa tinatanong kung sino ako eh si jona....alangan naman si Angelina Jolie. Naku! Itigil mo na nga yan." naiirita na kasi talaga ako.

Bigla namang nag-iba yung expression niya. Biglang naging maamo. Problema ba nito? May topak siguro.

"Totoo? Pero sino naman yung nakausap ko kanina? Ikaw ba yun?" medyo malumanay na ang boses niya.

Natigilan naman ako. Anong nakausap niya? Eh kabababa ko nga lang eh.

"You know what kuya, you're acting really really weird. Pano mo ako makakausap eh kabababa ko nga lang."

Namutla naman siya pagkatapos marinig ang sagot ko.

"Oi? Are you okay? Bakit namumutla ka? May sakit ka ba?" worried na tanong ko.

"Kaya pala iba ang aura niya kanina hindi pa la ikaw yun. Kaya pala..." tas bigla niya akong niyakap habang nanginginig.

Err. What's wrong with him? Parang nakakita siya ng multo.

"Ano bang sinasabe mo kuya? Alam mo kung ako sayo magluto ka na ng almusal. Kanina pa nagrarambolan ang mga alaga ko sa tiyan." suhestiyon ko sa kanya.

Dahan-dahan naman siyang kumalas sakin at naglakad papuntang ref. tas kumuha ng dalawang itlog at longganisa. Nagsimula na siyang magluto habang tumitingin-tingin sakin. Hindi ko nalang siya pinansin at naglagay nalang ako ng pinggan sa mesa.

Narinig ko naman na tumutunog yung phone ko. Iniwan ko muna ang ginagawa ko at patakbong pumunta sa kwarto ko. Pagkakita ko sa phone.

09078063*** Calling....

Huh? Sino naman kaya to.?

"Hello?" sagot ko sa caller.

"It's been a long time. How are you?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Who are you?"

"Whoa! You already forgotten me? Kakatampo naman. Porke hindi na ako nagpapakita kinalimutan na agad ako? Sa gwapo kong to. Tsk tsk."

Now i know that line 'Sa gwapo kong to'.

"What is it this time joegie?" diretsa kong tanong pero ang totoo niyan gusto ko siyang tanungin kung bakit ngayon lang nagparamdam. Err.

"Masama bang mangumusta? Anyway, how's philippines? And most especially ikaw." bumabanat na naman ang loko.

"Ano ba sadya mo ha?"

"Easy hon, namiss lang naman kita eh."

What the h*ck! Hon? Ano yun abbreviation ng honorable?

"Kidding lang. Tumawag lang ako kasi nabalitaan ko yung about sa news na nakita ko sa tv lastweek if i'm not mistaken. Yung news na nabalitaan ko is about your professor who tried to rape you alam mo na. Anyway, did he harm or even touch you? Sabihin mo sakin. Pinuntahan ka ba? Binantaan ka? Or did he tried to rape you again? Tell me i need to know." concern na sabi niya.

Napatigil naman ako. Kung alam mo lang joegie...pinatay ko na siya. *Smirk*. Ngayon lang din nagsink in sa utak ko na tama talaga ang pagpatay ko sa d*monyong yun. Mabuti nalang kagabe hindi na ulit ako dinalaw. *smirk*

"Hey? Ano? Pinuntahan ka ba? Oi?"

"Ang OA mo ha! Saka wala naman.. hindi niya ako pinuntahan... at hindi mangyayare yun dahil inuuod na siya." binulong ko nalang ang huli kong sinabe.

Napangiti ulit ako. Concern pala talaga ang loko sakin. Nakakaflattered. :)

"Ey, ano ang huling sinabe mo?"

"Ha? Wala naman na akong sinabe eh. Nga pala asan ka? Ba't hindi kita nakita ng dalawang linggo?" pang-iiba ko ng usapan.

"Oy! Namiss na niya ako. Hahaha. Inlove ka na sakin no?" tas tumawa ulit.

Pambihira! Biruin mo yun? Ang kapal ng mukha at infairness ang ganda ng sagot niya malayo sa tinanong ko. -.-

"Alam mo ang boring mo kausap. Sige babush." akmang ibababa ko na ng marinig ko siya.

"Wait wait wait! Don't hang up the phone please. Binibiro ka lang. Andito ako ngayon sa states..."

Nagulat naman daw ako. States? Anong ginagawa niya dun?

"Anong ginagawa mo jan?" takang tanong ko.

"Nagpapahangin?"

D*mn! Pinagloloko ako ng lalaking to. Magpapahangin? Tapos sa states? Nakahithit ata to ng shabu.

"Pinagloloko mo talaga ako nuh?" may inis na sa boses ko.

Aba! Ikaw kaya dito. Seryoso ang tanong ko tapos siya loko lang? Sapak he want?

"Hahaha. Pikon ka talaga. Andito ako kasi pinabisita ako ni lola. Namimiss na niya daw ang gwapo niyang apong si joegie. Kaya heto ako ngayon."

Naku! Puro nga naman kalokohan.

"O siya sige babush na..."

"Teka--" naputol na ang linya ng ibaba ko na ang phone ko.

Napangiti ulit ako. Nakakamiss naman ang lokong yun. Masyadong kwela.

Naalarma naman ako ng maalala na iniwan ko pala si kuya. Dali-dali akong tumakbo pababa at pumuntang kusina. Nakita kong may nakatakip na pagkain. Binuksan ko naman ito at nakita ang niluto ni kuya na longganisa, itlog at sangag. Napatagal siguro ang usapan namin ni joegie kaya hindi na ako hinintay ni kuya.

Hmmmm

MAKAPANINDIG BALAHIBO {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon