Andito kame ngayon sa bahay nila elsa.
Hanggang ngayon kinikilabutan parin ako tuwing naaalala yung pagpunta dito sa kanila.
"Gwapo yung lalake kanina diba?" rinig kong sabe ng isa sa mga kaklase ko.
Tinutukoy nila yung lalake na kausap yung mama ni elsa pagkadating namin dito kanina. Totoo naman talaga gwapo yung lalake kahit sa malayuan makikilatis agad na magandang lalaki ito.
"Oo nga eh, kaano-ano kaya yun ni elsa no?" sagot ng isa.
Lumayo ako ng kaunti sa kanila dahil panigurado mag-aagawan yan mamaya. -.-
Napatingin naman ako sa kabuuan ng bahay nila. Ngayon ko lang napagsadhan ng tingin tong loob ng bahay. Pagpumupunta kasi ako dito dumidiretso agad ako sa kwarto ni elsa. May mga antic din silang gamit katulad ng salamin sa dingding, flower vase, mga lumang litrato meron din, saka yung lalagyan ng payong yun bang malaking jar andun sa gilid ng pintuan nila.
"Tita, may pagkain po ba kayo sa ref.?"
Napatingin naman ako sa nagsalita sa may pintuan ng kitchen.
"Ah oo iho kunin mo nalang sa loob merong spaghetti dun." sagot ng mama ni elsa na kasalukuyang kausap ni Mrs. Chavez.
Tita? Akala ko kapatid ni elsa. Hindi pala. Hmm.
"Jona"
Napalingon naman ako sa tumawag sakin.
"Oh ikaw pala maryjoy. Bakit?"
"Sorry nga pala kanina. Nabigla kasi ako."
"Ah, yun ba? Kalimutan mo na yun. Naintindihan naman kita." sabi ko saka nagsmile.
"Salamat. Alam mo kasi matalik na kaibigan ko si elsa saka hindi ko matanggap yung nangyare sa kanya." bigla siyang umiyak.
Hinimas-himas ko yung likod niya para pampakalma. Kanina pa kasi siya umiiyak simula sa classroom at hindi magandang hobby ang ganun.
"Ang bata bata niya pa para mangyare ang ganun. Sa katunayan madame pa siyang kakaining bigas at ulam. Madame pa siyang pwedeng gawin na hindi niya pa nagagawa katulad ng pagswimming. Hindi kaya siya marunong lumanggoy tapos kinuha siya agad? Pano kung mahulog siya sa batis dun sa langit? Eh di mamamatay siya ulit kasi hindi siya marunong lumanggoy. Ang daya niya." dugtong niya.
Medyo natawa ako dun sa part na may batis. Biruin mo meron palang ganun?
"Sssshhh. Ano ka ba alam ko masaya na siya kasi andun na siya sa langit madaming angels dun sigurado tuwang-tuwa yun. Ang babaw ng kaligayahan nun eh. Hihihi. Kaya wag ka nang umiyak tumutulo na uhog mo. -.-" biro ko na ikinatawa niya.
"Hahaha. Kaw talaga. Hindi naman eh. Anyway, salamat ha? Nga pala sorry about sa nangyare. Uhm alam mo na yung--yung about kay sir."
Napangiti naman ako ng mapait.
"Ok lang. Nakaraan na yun. Nagkatotoo nga yung banta mo eh."
Napayuko naman siya.
"May masama ba akong nasabe?" puna ko dahil sa biglaan niyang pagyuko.
Nag angat siya ng tingin saka nagsalita.
"Masama kasi yung kutob ko nun. Walang mang ebidensiya alam kong siya yung may alam sa pagkawala ni Hazel."
Nagulat naman ako sa sinabe niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Katulad ng nangyare sayo yun din yung nangyare sa girlfriend ng pinsan ni elsa. Pinaiwan din daw siya katulad ng pagpapaiwan ni sir sa girl--"
BINABASA MO ANG
MAKAPANINDIG BALAHIBO {Completed}
HorrorNaranasan mo na ba ang makadama na may katabi kahit mag-isa ka lang? O Makakita ng mga mukhang hindi mo kilala at sumakabilang buhay na? Nais mo bang masagot ang lahat ng katanungan mo? Halina at subaybayin ang kwento ni Jona na may kakayahang maki...