Third Person's POV
Hindi niya malaman ang gagawin dahil sa nakita niyang eksena. Wala siyang magawa at hindi niya kayang sumigaw dahil pag ginawa niya iyon pwede siyang makita ng taong pumatay sa nasaksihan niya.
'Anong gagawin ko? Baka makita niya ako. Kailangan kong magtago. Hindi niya ako pwedeng makita. Bakit niya nagawa ang ganun?' bulong nito sa sarili.
Nakatingin lang siya sa taong ngayon ay patakbong lumayo sa bangkay na pinatay nito kani-kanina lang. Kitang-kita ng dalawa niyang mata kung pano pukpukin nito ang walang kalaban-labang lalaki na ngayon ay wala ng buhay.
'Baliw ba siya? Pero alam kong hindi niya kayang gawin yun. Mayroong dahilan alam ko.'
Naglakad na siya papalayo dun sa lugar na pinagtataguan niya. Lumiko siya sa isang daan papunta sa isang hindi pamilyar na lugar....
Jona's POV
Anong ginawa ko? ;(
Matapos kung makausap ang kaluluwa niya umuwe agad ako sa bahay at naabutan ko si kuya na naglalaro ng phone niya.
Napaatras ako ng makita siya.
Lumingon siya sa gawi ko at gulat ang rumihestro sa mukha niya.
"Anong nangyare sayo? Dugo ba yang nasa damit mo?" gulat na tanong niya.
Hindi ako makapagsalita. Ano ang isasagot ko?
"K-kuya....."
"Ano?! Ano ba yan?!" lumalakas na ang tono ng boses niya.
Napahagulgol ako at biglang napaluhod.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"K-kuya n-nakapatay a-ako..." hikbi ko.
Gulat at takot ang nakikita ko sa mukha niya.
"A-anong s-sinasabe mo?! Nagbibiro ka ba?!"
Umiling-iling ako.
Narinig ko nalang ang pagbagsak niya sa upuan.
"K-kuya...."
"S-sino ang pinatay mo?!" galit na tanong niya habang nakatulala.
Hindi ako umimik. Hindi ko alam kung sasabihin ko.
"Sino?! Sabihin mo!"
Tiningala ko siya na ngayon ay hindi pa rin makapaniwala.
"Si sir kuya... si sir... gusto niya akong gahasain kuya. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko." paliwanag ko.
Tumingin siya sakin na may halong awa at galit.
"Wala kang kasalanan. Tama lang ang ginawa mo. May nakakita ba?" tanong niya na ngayon ay mahinahon na ang boses.
Umiling ulit ako.
"Halika dito..." tawag niya sa akin.
Mas lalo akong napaiyak dahil sa ginawa niya. Lumapit ako sa kanya at bigla niya akong niyakap.
"Tandaan mo wala kang kasalanan ok? Ginawa mo lang kung ano ang tama. Ssshhhh. Tumahan ka na." alo niya sakin.
Hindi ko akalain na sasabihin ni kuya to. Akala ko isusuplong niya ako sa pulis pero kabaliktaran pala.
Paulit-ulit pa rin sa utak ko ang sinabe niya.
'Tandaan mo wala kang kasalanan ok? Ginawa mo lang kung ano ang tama'
'Tandaan mo wala kang kasalanan ok? Ginawa mo lang kung ano ang tama'
Wala akong kasalanan. Self-defense lang ang ginawa ko para sa sarili ko kaya pinatay ko siya. Kaya wala akong kasalanan.
"Umakyat ka na sa taas at magbihis baka makita ka pa nila mama sa ayos mong yan." utos ni kuya.
Dali-dali akong umakyat at pumasok sa taas para magpalit.
Kumuha ako ng underwear, damit at short sa kabinet ko at pumasok sa banyo.
Habang naliligo ay kinuskos ko lahat ng parte ng katawan ko para maalis ang dugo at dumi na kumapit doon.
Napaiyak ulit ako ng maalala ang nangyare kanina. Sa tuwing rumirihestro ang mukha niya na nakalawit ang dila at walang buhay na katawan ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot. Lalo na yung sinabe ni joy sa akin. Dahil sa pagpatay ko sa kanya ay lalong hindi matatahimik ang kaluluwa niya. Napaiyak ulit ako. Parang hindi ko na ata alam ang gagawin ko. Parang anytime pwede akong mabaliw.
Inoff ko na ang shower at kinuha ang towel saka binalabal sa hubad kong katawan.
Napatingin naman ako sa may kurtina ng may mapansin akong bulto ng tao.
Hinawi ko ito pero wala akong nakita.
Lumabas ako ng banyo saka nagbihis. Pinatuyo ko muna ang buhok saka umupo sa kama ko.
Ilang minuto lang ay natuyo na ito ng konti at humiga ako sa kama ko. Para akong hinahatak ng antok kaya napapikit ako at nakatulog.
————————————————
Ehem ehem... sisingit lang ako para magbigay ng babala at paalala.
Sa next update ko po ay may BS (Bed Scene) na hindi pwedeng basahin ng mga hindi open minded person kaya kung maaari ay iskip na lang pero kung ok pang sayo at ayaw mong mabitin Eh di Go! :D
Yun lang salamat!! :)
-jaicagabs
BINABASA MO ANG
MAKAPANINDIG BALAHIBO {Completed}
HorrorNaranasan mo na ba ang makadama na may katabi kahit mag-isa ka lang? O Makakita ng mga mukhang hindi mo kilala at sumakabilang buhay na? Nais mo bang masagot ang lahat ng katanungan mo? Halina at subaybayin ang kwento ni Jona na may kakayahang maki...